KABANATA XXXIV

386 20 8
                                    

(A/N : Play Huling Sandali by December Avenue while reading this chapter. Maraming salamat mga binibini at ginoo !)

May mga lugar na mahirap nang balikan. Minsan, dahil malayo, maulan at madalas walang oras. Pero kaylangan natin puntahan. Katulad ng mga alaala, minsan mahirap balikan dahil nakalimutan na natin. Pero kadalasan hindi natin mabalikan dahil sa pagbalik ng mga alaalang iyon ay siya namang pagbalik ng mga sakit. At iyon ang nakakatakot, ang muling maramdaman ang sakit na dulot ng mga pangyayaring tapos na at hindi na mababalikan pa.

Sa pagmulat ng aking mata sa kasalukuyang panahon, ay bumungad naman sa akin ang isang kahon ng alaala. Na sa tanging panaginip ko na lamang madarama.

Matapos kong bitawan ang katanungan na iyon, mababakas sa mukha nila ang pagkagulat. Wala ni isa sa kanila ang nais magsasalita. Nakatingin lang sila sa akin.

“Ma, nasaan si Aida?” muli kong tanong. Lumapit si mama at muling naupo sa tabi ko.

“Anak, naalala mo na ba siya?” tanong niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Napakunot ako ng noo dahil sa kanyang tinanong.

Anong naalala? Bakit ko siya maalala gayong hindi ko naman siya nakalimutan?

“A--anong ibig sabihin na kung naalala ko na siya?” naguguluhan kong tanong.

Umayos ito nang upo saka ako hinarap.

“Naalala mo na ba ang aksidenteng nangyari five years ago?” muling napakunot ang noo ko dahil doon. Hanggang isang alalala mula sa aking panaginip ang lumitaw.

Yun ba ang aksidenteng sinasabi ni mama?

“Ou, napanaginipan ko rin iyon.”kalmado kong sagot.

“Ibig sabihin, naalala mo na ang nangyari sa inyong dalawa?”napapikit ako ng madiin. Wala na akong maintindihan sa mga tinatanong niya. Isa lang naman ang katanungang gusto kong masagot.

“Ma, huwag mo na akong tanungin ng tanungin, yung tanong ko ang gusto kong sagutin mo, nasaan si Aida? Gusto ko siyang makita at makausap.” sambit ko

Bumuntong hininga muna ito saka nagsalita. “Matagal ng wala si Aida, Yuan.” napatigil ako sa sinabi niya.

A--anong wala? Wala siya dito sa Pilipinas? Bakit nagpunta na ba siya sa Paris? Di ba pangarap niyang pumunta doon, pangarap naming pumunta  doon.” sunod-sunod kong sabi. Umiling lamang si mama saka muling tumingin sa akin na nangingilid na ang mga luha sa mata.

Anak, ibig kong sabihin na wala na siya, ay--- wala na siya sa mundong ito. Limang taon na siyang patay, anak.” tila nabingin ako sa sinabi niya. Nanlamig ang buong sistema ko dahil doon, tila ba binuhusan ako ng isang balde na tubig. Naistatwa ako sa aking narinig.

Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. Ano ba ang sinasabi niya wala ng si Aida.

Ma, hindi ‘yan totoo. Alam mo ba bago ako magising kasama ko siya. Hawak ko ang kamay niya. Nayayakap ko pa siya. Kaya paano mo sasabihing patay na siya!”hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napataas ang tono ng pananalita ko. Dala ng magkakahalong emosyon.

Anak, yun ang nangyari. Matagal na siyang wala.”sabi nito saka hinawakan ang kamay ko. Hinigit ko iyon.

Hindi---” umiiling-iling ako sa kanyang mga sinabi. “Hindi yun totoo! Akala ko ba ‘Ma, magbabago ka na? Akala ko ba hindi ka magsisisnungaling sa akin. Bakit ginagawa mo pa rin ‘yan ngayon?” naiiyak kong sabi

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now