KABANATA V

884 76 0
                                    

-

MAGTATAKIP silim na nang makarating kami sa baryo Pulang-bato. Malayo-layo rin ang aming nilakad ni Baste mula sa palengke ng San Diego.

Nadaanan din namin ang mga malalawak na kaparangan na pinagtataniman ng mga mais , asukal at palay na ipinadadala sa ibang mga bayan o di kaya'y murang ipinagbibili sa mga insik na sinasamantala ang kamang-mangan ng mga magsasaka rito. May mga malalawak din na lupain na sa kwento ni Baste ay pagmamay-ari ng mga Ibarra.

Tunay nga ang naisulat ni Dr. Rizal na mayaman ang mga Ibarra. Sa kung tutuusin ay silang pinakamayaman sa San Diego. Pinagkakautangan ng loob ng lahat.

Maraming mga bahay na yari sa pawid, siim, ang iba naman'y sa tisa at kabunegro. Ang tanging naghihiwalay sa mga ito ay ang mga maliliit na bakuran na yari sa kawayan.

May mga malalawak na kagubatan na wari'y hindi pa napapasok ng sinuman. Maraming mga puno sa daan na siyang nagbibigay ng sariwang hangin.

"Bukas ng umaga ay mag-aararo tayo sa bukirin ni Tiya Aurora." sambit ni Baste.

Napatigil naman ako.

"Ano? Mag----mag-aararo?" gulat kong sabi. Ano namang alam ko sa pag-aararo? Lalo na sa pagtatanim ng palay? Magaling lang akong kumain ngunit hindi ako maalam magtanim.

"Tama. Kaya maaga tayong gigising ng sa gayon ay hindi tayo abutin ng init ng araw." paliwanag nito sa akin. Hindi na lamang ako umimik at patuloy siyang sinundan na nasa unahan ko.

Maya-maya pa'y napatigil ako ng may nalaglag na sanga ng puno. Tumingala ako at nagulat ako sa aking nakita.

Isang babae ang nakaakyat sa puno at pilit na inaabot ang isang bulaklak.

Napakurap na lamang ako sa aking nakita. Bigla namang dumulas ang kanyang paa sanhi para makabitaw siya sa malaking sangang kinakapitan.

Nang malapit ng itong mahulog ay kaagad kong sinalo. Dahilan para mapaibabaw siya sa akin.

Napahiga kami sa damuhan kasabay nang paglaglag ng bulaklak.

Rinig ko ang tibok ng aking puso dahil sa sobrang lakas. Magkalapit ang aming mukha. Magkadikit ang aming mga katawan. Saka ko napagtantong siya ang babaeng nakabunggo ko sa palengke.

"Hanggang kelan ba kayo sa ganyang posisyon?" tanong ni Baste kaya nagmamadali siyang umalis sa pagkakapatong sa akin at ako'y tumayo na rin.

Napaubo na lamang ako at pinaspasan ang aking damit.

"Ayos ka lang ba Binibini.?" tanong ni Baste sa babae.

"A--ayos lamang ako." sabi nito saka pinilit tumayo ngunit nawalan siya ng balanse kaya bigla kong hinawakan ang kamay nito upang hindi siya matumba.

Parang may kuryenteng dumaloy papunta sa aking katawan at bigla akong nang-init. Sa pakiramdam ko'y namula pa ang aking mukha.

Ngunit bigla akong nahilo at may pangyayaring biglang rumehistro sa aking isip.

"Ayos ka lang ba Yusebio?" nag-aalalang tanong sa akin ni Baste.

Tumango na lamang ako. At binitiwan ang kamay ng babae.

"Sa susunod mag-iingat kana. Hindi maganda sa babae ang umaakyat ng puno. Baka mahulog ka. Mabuti kung nandito ako para sumalo sayo." mahinahong sabi ko dito.

"Kinukuha ko lang naman ang natitirang bulaklak ng Kalachuchi." mahinhing sabi nito. Ang ganda ang boses niya. Parang huni ng ibon.

Saka ko lang din napansin na puno pala ng Kalachuchi ang aming nasa harapan. Dinampot ko ang huling bulaklak na pinipilit niyang abutin kanina. May malaking bahay din sa likod nuon na marahil ay dun siya nakatira.

"Heto ." saka ko iniabot sa kaniya.

"Maraming salamat ginoo." sabi nito sa akin.

Tumango na lang din ako.

Lumapit ako kay Baste at nag-anyayang tumuloy na sa paglalakad.

Nilingon kong muli ang babae na nakatayo pa rin sa ilalim ng puno habang hawak ang bulaklak. Napatingin ito sakin at nang magtama ulit ang aming mata'y umiwas na ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Gabi na nang makarating kami sa bahay ni Tiya Aurora. Yari sa tisa ang dingding nito at pawid naman ang nagsisilbing bubong. Pumasok kami sa maliit nitong bakuran at sinalubong naman kami ng isang lalaki. Marahil ay asawa ng Tiya Aurora na sinasabi ni Baste.

Inanyayahan kami nito na pumasok sa loob. Nadatnan namin na abala ang tiya sa kusina. Lumapit ito sa amin nang mapansin kaming dalawa.

"Mabuti naman at nakarating kayo kaagad dito. Tamang-tama at handa na ang hapunan. Dumulog na kayo sa hapag." sabi nito sa amin.

Matapos ang naging handaan kina Kapitan ay kaagad din silang umuwi kaya nauna sila sa amin. Lumapit na kami sa lamesa kasama ang isang batang lalaki na sa tingin ko'y walong-taong gulang na.

Ngumiti ito sa akin na parang kilala ako.

Pasensya na bata at hindi kita kilala. Siguro ay kamukha ko talaga ang sinasabi nilang Yusebio.

Nang matapos ang hapunan ay lumabas muna ako bahay para magpahangin. Nadatnan ko ang batang kasabayan naming kumain kanina. Si Miguel. Ang batang inampon ng mag-asawang Gomez. Sina Tiya Aurora at Tiyo Agapito. Namatay umano ang kanyang ina dahil sa sakit na tubercolosis.

May hawak-hawak itong maliit na kahoy at may iginuguhit sa lupa. Nilapitan ko ito at tumigil nang mapansin ako.

"Ano ang iyong ginagawa?" tanong ko dito saka umupo sa tabi niya.

"Sinusubukan kong isulat ang aking pangalan ngunit hindi ko alam kung paano." malungkot na sabi nito.

Naawa naman ako sa kanyang sinabi. Sa edad na walo ay hindi pa ito maalam bumasa at sumulat. Marahil dahil sa kahirapan ay hindi na nagawang pag-aaralin.

Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang kamay na may hawak din na kahoy.

"Ganito isulat ang iyong pangalan." sabi ko saka inalalayan itong isulat ang bawat letra ng kanyang pangalan.

Gumuhit ang ngiti sa maamo nitong mukha nang matapos ito.

"Ito ba ang pangalan ko?"

"Oo. Iyan nga." sabi ko saka siya nginitian.

"Paano ka natutong magsulat kuya Yusebio.?" tanong nito sa akin.

Anong sasabihin ko?

"Ahhmm nakita ko lang din yan sa ibang tao na marunong magsulat." palusot ko dito.

Tumango na lamang ito at saka masayang tiningnan ang kanyang pangalan.

"Halika kana sa loob at gabi na. Matulog na tayo." anyaya ko dito.

Sumama naman ito at sabay kaming pumasok.

Humiga ako sa tabi ni Baste na ngayo'y mahimbing na mahimbing na ang tulog.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Nag-init muli ang aking mukha ng maalala ang babaeng sinalo ko mula sa puno. Hindi ko rin maitatangi na maganda ito. Bilugan ang mata. Matangos ang ilong. Mapula ang labi. At medyo kulot ang mahaba niyang buhok. Napangiti ako dahil duon.

Bigla na lang akong napailing dahil sa aking mga iniisip.

Ngunit ang hindi rin maalis sa aking isipan ay ang naalala ko ng hawakan ko ang kamay ng babae.

Parang unti-unti nang bumabalik ang aking alaala simula nang mapunta ako dito.

May maganda rin pa lang naidulot ang pagbalik ko sa nakaraan.

At sa sandaling iyon ay unti-unti nang pumipikit ang aking mata. Hanggang sa tuluyan ng liparin ang aking diwa.

MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA :)

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now