KABANATA VIII

622 56 0
                                    

BINUKSAN kong muli ang librong naiwan ni Aida sa may puno. Tiningnan ko ang bawat pahina nito at puro mga tula ang nakasulat dito.

Sa pinakahuling pahina ay may nakasulat na dalawang salita.

Hihintayin kita.”

Sa baba naman nito ay may initial na Y.C

Napaisip ako kung sinong Y.C ang hinihintay niya. Siguro nga ay may katipan na ang binibining iyon. Tama nga ang sinabi ni Baste na huwag na akong magbalak na ligawan si Aida dahil mahirap ang katayuan ko rito at nababagay lamang siya sa mayamang ginoo. Kung nasa kasalukuyan siguro ako ay hindi ito mangyayari. Dahil duon hindi batayan ang antas sa buhay pagdating sa pagmamahalan.

Mukhang malalim ang iyong iniisip.” tanong sa akin ni Tiyo Agapito saka umupo sa may tabi ko.  “Inaalala mo ba ang iyong mga magulang?” dugtong nito.

Paano ko aalalahanin ang mga taong hindi ko kilala. Pero hindi ko rin naman maalis sa aking isipan kung bakit namatay ang mga magulang nila Yusebio.

Kung nabubuhay pa ang mga iyon ngayon siguro may malawak na rin kayo na palayan at hindi kayo naghihirap.” sabi nito. Malungkot ang tono ng kanyang pananalita.

Bakit naman po?” hindi ko matiis na hindi magtanong.

Tumahimik ito sandali . “Hindi mo ba alam?” tanong nito sa akin.

Anong hindi ko alam?

Tiningnan ko ito na naguguluhan.

Namatay sina Ofelia dahil sa lupain na dapat ay sa inyong pamilya.” nagulat ako sa sinabi nito.

Lupain? Ngunit sinong kumu—” hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ng muli itong magsalita.

Ang lupang kinatatayuan ng malaking bahay ng mga Dominguez.” paulit-ulit nagrehistro sa utak ko ang apelyidong huli niyang binanggit.

Dominguez? Iisang Dominguez lamang ang kilala ko.

At iyon ay si—

Alam po ba ito ni Baste?” nag-aalala kong tanong dito.

Hindi niya alam yon. Dahil mga bata pa lamang kayo ng mga panahong iyon. Ngunit alam kong darating ang araw ng malalaman din niya na tiyak kong ikakagalit nito.” nag-aalalang sabi ni tiyo.

Kaya kayo isinama ng inyong Tiya Aurora sa Binundok ay para makalimutan ninyo ang mapait na sinapit ng inyong pamilya.” dugtong pa nito.

Tama. Sa oras na malaman ito ni Baste ay tiyak magagalit ito sa mga Dominguez. Lalo na kay Aida na balita ko’y anak ng yumaong mag-asawang Dominguez. At alam kong lalo itong tututol sa plano kong ligawan si Aida.

Ang mga Dominguez ay nabibilang din sa mga cacique o mayayamang pamilya sa San Diego. May malalawak silang lupain kasama ang pinagtatayuan ng bahay nila na pinakamalaking bahay sa Barangay Pulangbato. Ngunit hindi ko alam na magagawa pala nila iyon para lang sa lupain.

Alam kaya ito ni Aida?

Ano ang hindi ko dapat malaman?” sabay kaming napalingon ni Tiyo Agapito sa taong nagsalita.

Si Baste. Hindi na namin namalayan na nasa likuran na pala namin siya.
Narinig kaya niya ang aming pinag-usapan.

Ah—wala yun Baste.” palusot ko rito.

Nabisita mo na ba ang palayan?” tanong ni Tiyo Agapito para maiba ang usapan.

Opo tiyo. At pinababatid din pala ng mga conservador na bukas ay may magaganap na pagpupulong sa malawak na bulwagan sa bayan.”balita ni Baste.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now