KABANATA XXX

352 31 4
                                    

LUMIPAS ang ilang araw at nanatiling magulo ang aking isipan. Si Baste naman ay hindi pa rin ako iniimikan. Tama si Baste. Hindi ako maaring sumugod doon basta-basta ng walang kasiguraduhan.

Naiipit ako sa pagitan nilang dalawa. Naisin ko mang iligtas at kuhanin si Aida mula sa kamay ni Crisanto ay hindi ko magawa dahil baka tuluyan ng itakwil ni Baste si Yusebio bilang kapatid niya. Na hindi dapat mangyari.

Naihilamos ko ang aking palad sa mukha ko bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. Umupo ako sa tabi ni Baste na nakahiga na. Tahimik pa rin ito.

Naranasan mo na ba ang umiibig? Ang magmahal?” tanong ko sa kanya. Pero nanatili itong walang kibo. “Marahil ay hindi pa kaya’t hindi mo ako naiintindihan. Napakasarap sa pakiramdam ang magmahal lalo na kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. Pero ang lahat naman ng sarap may kapalit na hirap. Yun yung wala kang magawa para iligtas ang babaeng mahal mula sa masasamang tao. " tuluyan nang tumulo ang luha ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilin ang aking paghagulhol.

Sobrang bigat ng nararamdamn ko sa mga oras na ito. Tila ba sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa hindi ko namalayan ng nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng may narinig akong kaluskos mula sa labas. Bumangon ako para tingnan ito. Naabutan ko si Baste na abala sa kanyang ginagawa. Napatingin ito sa akin ng mapansin niya ako. Saka ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.

Naghahasa ito ng itak. Inayos naman niya ang pagkakasalansan ng mga palaso at pana.

Ano ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya. Sinenyasan niya ako ng hinaan ang boses ko.

Mag-aaklas ang mga taga-bukid mamayang hating-gabi. Sasalakayin nila ang bahay ng mga Fuentes. Maari nating gamitin ang pagkakataon na iyon para mailigtas ang babaeng sinasabi mong mahal na mahal mo.” mahina nitong sabi. Nagulat ako sa aking narinig. Ang buong akala ko ay hindi na talaga niya ako tutulungan kaya naman napayakap ako sa kanya ng wala sa oras. Nabigla naman ito sa aking kinilos kaya maluha-luha akong humiwalay sa kanya.

Salamat.” maikli kong sagot.

Kaagad niyang ibinigay sa akin ang mga palaso at pana.

Ayokong magaya ka sa akin na walang ginawa para mailigtas ang babaeng mahal ko.” naguluhan naman ako sa sinabi niya.

Ano ang ibig mong sabihin?”

Napasakit sa kalooban na makitang barilin ang babaeng mahal mo habang ikaw ay nakahiga at walang lakas para iligtas siya.” tugon nito.

Ibig sabihin----” tumango naman ito na tila alam na ang sasabihin ko.

Posible ba na ang babaeng tinutukoy niya ay si Feli?

Halika na. Sa mga oras na ito ay patungo na ang grupo nina Ka Pedring sa bahay ng mga Fuentes. Ang ilan naman ay sasalakayin ang kuwartel.” pagkakasabi niya ay lumabas na kami. Sa may likurang bahagi ng bahay kami dumaan. Medyo liblib ang daan doon kaya walang makakapansin sa amin.

Nang makarating kami sa tagpuan na sinasabi ni Baste ay nadatnan namin ang grupo grupo ng mga magsasaka at ang ilang mga binata dito sa bayan.

Kaya sila magaaklas ay dahil sa bali-balita ang lahat ng mga sakahan dito sa barangya Pulang Bato at maging sa karatig baryo ay kukuhanin ng pamilya nina Crisanto.

Sila ang pinaka-mayaman at makapangyarihan sa bayan na ito. Ultimo mga paring pransiskano ay takot sa pamilya nila. Pati ang kapitan-heneral at maging gobernadorcillo ay kapanalig ng pamilya Fuentes. Ang mga magulang niya ay naiwan sa Europa kaya si Crisanto ang siyang namamahala dito.

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon