KABANATA XVII

401 45 4
                                    

-

KABILUGAN pala ng buwan ngayon. Madami rin ang bituin sa kalangitan na walang humpay sa pagbibigay ng ningning sa kalawakan.

Maingay ang paligid dahil sa tunog na likha ng banda na siyang kinagigiliwan ng mga binata at dalaga na nagsisipagsayawan sa gitna ng entablado.

Nakasandal lamang ako ngayon sa isang puno di kalayuan sa tumpok ng mga taong nasasayawan. Si Baste naman ay abala rin sa pakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan. Niyaya pa niya akong makihalubilo sa kanila ngunit tumanggi ako dahil hindi ko naman sila kilala.

Tumingin ako sa gawi nina Aida at ngayon ay nakaupo na ito. Kakwentuhan niya ang kasambahay nilang si Feli.

Lumapit naman ako kina Baste na napatigil ang kwentuhan ng makita ako.

"Oh Yusebio, halika't makipagkwentuhan ka sa amin." anyaya ng isa ring binata na halos kasing edad ko lamang.

"Pagumanhin ngunit ako'y mauuna na sa inyo." tumayo naman si Baste at nilapitan ako.

"Bakit? Masama ba ang iyong pakiramdam?" tanong nito saka hinaplos ang aking noo.

"Medyo." makili kong sagot. Ngunit palusot ko lamang ito para makapunta ako sa tabi ng lawa.

"Kung ganun ay mag-iingat ka pauwi." sabi nito saka naman ako tumalikod at nag-umpisa ng maglakad.

Maliwanag ang paligid dahil na rin ang mga kabahayan ngayon ay nagliliwanag sa tulong ng mga lamparang nakasabit sa labas ng kani-kanilang bahay.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa may tabi ng lawa. Natanawan ko sa may dampa ang isang babae. Nakaupo ito at nakahrap sa lawa. Sa hubog pa lamang ng katawan ay alam ko na kung sino ito.
Umakyat ako sa isang makipot na tulay na siyang daan patungo sa dampa. Umagitgit ang kawayang aking tinutungtungan kaya napalingon siya sa akin.

"Magandang gabi sa iyo binibini." bat ko saka iniyuko ng bahagya ang aking ulo. Yumuko rin naman ito bilang pagtugon.

Umupo ako sa kanyang tabi at parehas kaming nakaharap ngayon sa lawa na lumiliwanag rin dahil sa repleksyong ibinibigay ng buwan.

"Maliwanag ang buwan ngayon." sabi ko na siyang bumasag sa katahimikan ng paligid.

"Napakaganda ng gabi. Ang sariwa ng hangin." pumikit pa ito habang dinadama ang sariwang hangin. "Ano nga pala ang iyong nais sabihin sa akin?" dugtong nito.

Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa magsalita. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang magtapat ng nararamdaman lalo na't nandito ako nakaraan.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. Tumayo ako at inilahad ang aking kanang kamay sa kanya.

"Maari ba kitang maisayaw binibini?" tanong ko sa kanya. Nakita kong nagulat ito sa aking sinabi.

"Di--dito?" nauutal nitong tugon. Tila ay hindi makapaniwala sa aking sinasabi.

"Oo. Ang buwan ang magiging tanglaw at ako ang magiging musika." nakangit kong sabi.

Marahan itong tumayo at saka ipinatong ang kamay sa palad ko.

Tila bigla akong nakuryente ng maglapat ang aming mga kamay.

Ipinatong ko ang kanyang mga kamay sa aking balikat habang ang mga kamay ko naman ay nakahawak sa kanyang baywang.

Ilang dangkal lamang ang layo namin sa isat-isa.

Maya-maya pa ay nag-umpisa na akong kumanta.

"Hindi masabi ang nararamdaman.
Di makalapit sadyang nanginginig na lang.
Mga kamay na sabik sa piling mo.
Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo.

Ako'y alipin ng pag-ibig mo.
Handang ibigin ang 'sang tulad mo.
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang
Hindi kana malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin."

Kasabay sa aking pag-kanta ay marahang gumagalaw ang aming katawan. Nakatingin lamang ako sa kanyang mga mata habang siya ay nakatingin rin sa akin.

"Hindi mapakali.
Hanggang tingin na lang
Bumubulong sa iyong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo
Sa isip ko.

Ako'y alipin ng pag-ibig mo.
Handang ibigin ang 'sang tulad mo.
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang
Hindi kana malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin."

Matapos akong kumanta ay ibinaba ko ang kanyang dalawang kamay at hinawakan iyon.

"Hindi ko akalain na dito ko matatagpuan ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig. Hindi ko akalain na sa iyo ko ito mararamdaman." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Wala pa rin itong imik at nakatingin lang din sa akin. "Hayaan mong ang buwan ang maging saksi sa pag-ibig ko sa iyo binibini." pagkatapos ay hinagkan ko ang likod ng kanyang palad. At saka ngumiti sa kanya.

"Ngunit handa ka bang harapin si Inang?" nag-aala nitong sabi.

"Handa 'kong kalabanin ang lahat pati si kamatayan, makasama ka lamang." sabay yakap sa kanya. Naramdaman ko naman na yumakap rin ito pabalik sa akin.

--

"Napakalagkit ng tingin sa iyo ni Crisanto kanina habang kayo ay nagsasayaw." sabi ko . Naglalakad kami ngayon. Ihahatid ko na siya sa kanila sapagkat malalim na ang gabi.

"Ako ay naiilang sa kanyang titig. Para bang kung may ano sa mga mata tingin niya." hinawakan ko ang kanyang kamay. Nagitla naman ito kaya siya napatigil sa paglalakad.

"Hangga't hawak ko ang mga kamay mo, hindi mo na kaylangan matakot at mag-alinlangan. Hindi kita iiwanan." napangiti naman ito sa aking sinabi.

Magkahawak lamang kami ng kamay hanngang sa makarating kami sa tapat ng bahay nila.

"Sige na binibini, pumasok ka na sa loob dahil baka hinahanap ka na ng iyong Inang." utos ko sa kanya.

Tumingin muna ito sa akin na tila masayang-masaya na nakita ako.

"Masaya ako na nagkita tayong muli." saka siya tumalikod at pumasok sa loob.

Naguluhan naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ba't araw-araw naman kaming nagkikita.

Anong ibig niyang sabihin sa salitang nagkita kaming muli?

--

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil naiisip ko si Aida. Hindi ko maiwasang hindi kiligin kapag naalala ko ang sayaw naming dalawa sa may dampa.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip sa kaniya.

--

"Yuan, abutin mo ang kamay ko." sigaw ng isang babae.

"Hindi ko na kaya, umalis ka na!" sabi ko sa kanya. Unti-unti nang dumudulas ang kamay ko sa kahoy na aking kinakapitan dahil sa dugo sa'king kamay.

"Hindi, kaya mo yan. Sige na please. Abutin mo ang kamay ko!" walang tigil sa pag-iyak ang babae habang inaabot ang kanyang kamay sa akin.

Namamanhid na ang aking katawan. Nawawalan na ako ng lakas. At alam kong ano mang oras ay makakabitaw na ako at tuluyang mahuhulog kasama ang aking sasakyan..

"Ma--hal na ma--hal kita, tan-daan mo 'yan." pagkakasabi ko ng mga salitang iyon ay tuluyan na nga akong nakabitaw.

Naramdaman ko na lamang na bumagsak ako sa damuhan kasabay ng pagsabog ng sasakyan hindi kalayuan sa akin.

Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa dugong walang tigil sa pagdaloy.

At bago tuluyang pumikit ang aking mata ay narinig ko ang aking pangalan.

"Yuan!!!!"

--

A/N : MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA. SANA AY HUWAG NINYONG KAKALIMUTANG IBOTO ANG BAWAT KABANATA NG KWENTONG ITO. :)

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now