KABANATA XXVII

334 26 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako ng may naramdaman akong malamig sa aking pisngi. May naririnig akong humihikbi sa aking tabi.Pinilit kong iminulat ang aking mata. Napaungol ako nang biglang sumakit ang ulo ko.

Yusebio? Ayos na ba ang iyong pakiramdam.?" tanong ng isang pamilyar na boses. Nilinga ko ito at naaninag ng mata ko ang isang babae na umiiyak. Muli ko ng ipinikit ng mariin ang aking mata at saka mumulat para makita siya ng ayos. Pinahid nito ang kanyang luha saka tumingin sa akin.

Ayos na ang pakiramdam ko dahil nasa tabi kita binibini.”napangiti naman ito ng bahagya dahil sa sinabi ko. “Nasaan si Baste?” tanong ko.

Katulad mo ay nagpapagaling din siya. Huwag kag mag-aalala ligtas na kayo ngayon.” tugon niya. Inalalayan niya ako para maupo at saka kinuwento ang nangyari sa amin ni Baste.

Ang dalawang guwardiya sibil pala na nakita ko at naglabas sa amin ay binayaran ni Aida. Sa may likurang bahagi ng kuwartel kami lumabas kaya madilim ang naaninag ko.

Nandito kami ngayon sa isang musuleyo. Ang musuleyo ng mga Ibarra. Pamilya nina Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere. Totoo nga pala ang nakasulat sa aklat at hindi ko akalain na nasa loob ako ngayon ng musuleyo na noon ay nabasa ko lamang sa akda ni Dr. Rizal. Sa totoo lang, hindi naman ito nakakatakot , hindi katulad nang nasabi sa kwento kaya’t pinangingilagan ito ng mga tao sa San Diego pero siguro dahil maliwanag ang paligid kaya hindi ito nakakatakot. Nasa gitna ng kagubatan ang musuleyo na ito hindi kalayuan sa may mismong bayan.

Nasa isa kaming silid na halos walang laman. Tanging mga higaan lamang ang nandito at ilang mga damit.

Tinanong ko rin kay Aida kung bakit dito niya kami dinala. Ang sagot niya ay ito lamang daw ang lugar na alam niyang walang makakahanap sa amin ni Baste. Dito muna kami magtatago ni Baste samantalang sina Aida at Feli ay dadalaw paminsan-minsan para gamutin ang aming mga sugat.

Nasa may kabilang gilid nakahiga at mahimbing na natutulog. Ako naman ay nasa nakapwesto malapit sa may pinto.

Napatunhay ako ng biglang pumasok sina Aida at Feli. May dala silang mga pagkain. Inilipag nito ang dala sa aking tabi saka naupo.
May masakit pa ba sa iyo?”nag-aalalang tanong nito.

Oo. Dito oh.” sabi ko sabay turo sa aking labi.

Kaagad ako nitong hinampas sa may tuhod kaya napangiwi ako nang maramdaman ang sakit. Napatawa na lamang ito.

Akala ko makaka-halik ulit.

Maayos naman ang kalagayan ng mga Tiya Aurora mo. Ang iyong Tiyo Agapito ay nagpapagaling na rin.” sabi ni Aida.

Pinakiusapan ko kasi si Aida na alamin kung ano ang nangyari kina Tiya Aurora at Tiyo Agapito. Nang dakipin ako ng mga guwardiya sibil ng gabing iyon ay naiwan kong sugatan si Tiyo Agapito kaya’t hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kanila. Ngayong nalaman ko na maayos na ang kanilang kalagayan ay nakahinga-hinga na ako ng maluwag.

Muling ginamot ni Aida ang mga sugat ko. Pati na rin si Baste , mabuti nga’t bumabalik na kahit paano ang lakas niya.

Magpahinga ka na. Ilang araw mo na kaming inaalagaan dito baka ikaw naman ang magkasakit.” nag-aalalang sabi ko kay Aida. Ilang araw na niya kaming binabantayan. Madalas ko na makitang humihikab siya dahil siguro sa puyat at pagod.

Huwag kang mag-alala sa akin. Ang isipin mo ay ang sarili mo.”tugon nito.

Hindi naman ako makasarili binibini para ang aking sarili lamang ang isipin ko.” malungkot kong sabi. “Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa iyo sa oras na malaman ni Crisanto na ikaw ang tumulong sa amin para makatakas. Tiyak na pati ang iyong Inang ay magagalit sa iyo.” nakapako lamang ang tingin ko sa mga mata niya. Ilang segundo itong nanahimik bago nagsalita.

Hindi ako sasaktan ni Crisanto kaya huwag kang----”kaagad kong pinutol ang sasabihin niya.

Dahil ikaw ang mapapangasawa niya?”umiwas na ako ng tingin sa kanya.

Magaling pa ay kumain ka na para makapagpahinga ka.” sabi nito.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa pagkakahiga. Si Baste naman ay ganun na din ang ginawa. Namaalam na sina Aida at Feli at sinabing babalik na lang ulit sila. Nag-iwan sila ng mga pagkain para sa amin na sasapat ng mga dalawang araw.

Lumipas nga ang dalawang araw at nanatili lamang kami ni Baste sa musuleyo ng mga Ibarra , sa kagitnaan ng kagubatan. Maayos na ang pakiramdam ko kaya ako na ang gumagamot sa mga sugat ni Baste. Kahit  naman paano’y humihilom na ang mga ito.

Mga bandang tanghali ay dumating si Aida.

Bakit nag-punta ka kaagad dito gayong ma-araw pa.” kaagad akong sumilip sa labas baka may nakasunod sa kaniya. Kaagad nitong tinanggal ang kanyang talukbong at pumasok sa loob.

Huwag kang mag-alala , nag-ingat ako at siniguradong walang nakasunod sa akin.” sabi nito para alisin ang pangamba ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka sumunod sa kanya.

Mamaya dadalhin ni Feli ang mga pagkain nin’yo.”

May pagkain pa naman kami dito kaya sana’y huwag ka nang mag-abala pa. Magaling na ako kaya naman ako na lamang ang mag-aalaga kay Baste.”

Inaalam ko lang naman ang kalagayan n’yo.” nakangiting sabi nito saka lumapit kay Baste at kinamusta ito.

Dumating ang hapon, napatigil ako sa pagbabasa  ng libro na pinahiram sa akin ni Aida nang may biglang kumatok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Aida at nakiramdam kug sino ang kumakatok dito.

Kaagad lumapit si Aida kaya inilapag ko ang librong aking hawak saka nagtungo sa may pinto.

Kumatok ng tatlong beses si Aida sa may pintuan. Iyon ang palatandaan namin para malaman kung sino ang darating. Tumugon naman ng apat na katok mula sa labas. Nakahinga kami ng maluwag nang malaman naming si Feli ito kaya pinagbuksan kaagad ito ni Aida.

Ngunit nanlaki ang mata ko nang makita ang nasa labas ng pintuan. Pati si Aida ay bahagyang napaatras nang makita ang mga tao sa harapan namin.

Pa--pasensya na binibini, pi--pinagbantaan nila na ako na pa--paslangin nila ang aking pamilya kapag hi--hindi ko itinuro sa ka--nila kung na--saan kayo.” umiiyak na sabi ni Feli habang may nakatutok na baril sa leeg niya at ang may hawak nito ay walang iba kundi si Crisanto.

Dito ko lang pala mahuhuli ang dalawang daga na nakatakas sa aking lungga.” sabi ni Crisanto na nakatuon ang paningin sa akin.

Kaagad naman akong lumapit kay Aida at hinigit siya papunta sa likuran ko.

Walang kinalaman dito si Binibining Aida kaya huwag mo siyang idadamay dito.” matigas kong sabi. Napangiti naman bigla si Crisanto.

Natural. Mapapangasawa ko ang binibining sinasabi mo kaya hindi ko siya magagawang saktan at idamay dito.” pagkakasabi ay kaagad niyang kinalabit ang gatilyo at ipinutok sa leeg ni Feli kaya humandusay na kaagad ito sa sahig.

Feliiiiiiiiii!” malakas na sigaw ni Aida. Tumakbo siya papalapit kay Feli nang bigla siyang higitin ni Crisanto at ng isang guwardiya sibil.

Huwag n’yo siyang sasaktan!” pinukpok ako ng isang guwardiya sibil kaya napaluhod ako. Samantalang, hinigit naman nila si Baste.

Ibalik sa kuwartel ang mga daga na iyan!” utos ni Crisanto sa mga guwardiya. Hinigit niya si Aida palabas ng musuleyo na pilit nagpupumiglas dahil sa pagkamatay ni Feli.

Kaagad kaming tinalian at muling dinala sa kuwartel. Samantalang, si Aida naman ay dinala na ni Crisanto sa kanilang bahay.

Muli kaming ibinalik sa madilim  na piitian na walang alam kung ano ang aming kahihinatnan kinabukasan.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now