KABANATA I

1.9K 123 9
                                    

HINAMPAS ko ang aking ulo sa pag-asang baka nananaginip lamang ako. Pero sakit lang ang inabot ko. So, totoo talaga ito?

Sinubukan kong isarado ulit ang pintuang nasa harapan ko ngunit pati ito ay nag-iba din ng anyo. Ang kanina’y glass door ay naging isang kahoy. Sa tingin koy puno ng narra. Napaatras ako dahil sa pagkalito nang biglang may sumigaw ng malakas sa aking bandang likuran. Kaagad akong lumingon para hanapin kung sino ito.

Nakaharap ako ngayon sa isang matandang babae na sa tingin koy nasa 40’s na ang edad. Nakapuyod ang buhok nito at nakasuot ng apron. At galit na galit itong nakatingin sa akin.

Yusebio ! anong ginagawa mo diyan.?” bulyaw nito.

Yusebio? Sino yun ? nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang tinutukoy ng matanda ngunit wala ni isa ang tumugon dito.

Anong ginagawa mo diyan? Di ba sabi ko’y tulungan mo si Sebastian na mag-ayos ng lamesa para sa mga bisita.” sabi nito habang nakatingin sa’kin.

Ako?” itinuro ko pa ang aking sarili para makasigurado.

Sino pa ba ang Yusebio dito? Ikaw na lang naman ang nabubuhay na Yusebio sa buong Binundok.” sabi nito sa’kin na medyo naiirita na ang boses.

Ako ba ang tinutukoy ng matandang ito? Ako si Yusebio?

Oh hala, kumilos ka na’t dalhin mo na itong mga pinggan sa lamesa dahil darating na ang bisita.” itinuro nito sa akin ang nakapatas na pinggan sa aking gawing kanan. “Bilisan mo na.” dagdag pa nito.

Kahit nalilito na ako sa nangyayari ay pinilit kong sundin ang inutos ng matandang babae. Maya-maya pa’y may lumapit sa akin na isang lalaki na sa tingin ko’y kasing edad ko lang din. Mas matangkad nga lang ako ng konti sa kanya. Nakasuot ito ng kupas damit at nakangiti itong lumapit sa akin na parang kilalang-kilala niya ako.

Napagalitan ka na naman ni Tiya Aurora.?” tanong nito habang pinupunasan ang mga pinggan sa aming harapan. Aurora pala ang pangalan ng matandang sumigaw sa akin kanina.

Hindi ko na talaga alam ang nangyayari kaya nilaksan ko na ang aking loob na magtanong sa kanya.

Par---- este anong kaganapan ngayon.?” napatigil ito dahil sa aking tanong. Tumingin ito sa akin na tila naguguluhan.

Nakalimutan mo na ba kaagad dahil sa sigaw ni Tiya Aurora sa iyo?” sabi nito. “May darating na bisita si Kapitan Tiago galing sa Europa.” dagdag pa niya.

Eu---europa? Ka--Kapitan Tiago? ” malakas kong sabi.

Kapitan Tiago? San ko nga ba narinig iyon? Tama ! Sa Noli Me Tangere. Teka. Bakit napunta si Kapitan Tiago dito?

Oo. Kaya may malaking handaang magaganap ngayon. Tanda mo na ba?” sabi nito saka pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Pero wait--- este sandali lang. Ano na bang taon ngayon?” napatigil ulit ito sa aking tinanong.

Malakas nga siguro ang epekto ng sigaw ni Tiya Aurora sa iyo.” sabi nito habang natatawa pa. May nakakatawa ba sa nangyayari sa akin ngayon? Ni hindi ko nga alam kung sang dimesyon ng mundo ako napunta.

Ngayon ay ika isang libo't walong daang walumpu't anim na taon.” dugtong nito.

Huh ? anong english nun ? Labing-walo ay eighteen. Walumpo ay eighty. Anim ay six. Eighteen —

18—?” malakas kong sabi kaya napatingin ang ibang tao.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa aking sinabi. Halos mabitawan ko ang hawak kong pinggan dahil sa aking narinig. Ano ? 1886 ? ibig sabihin ibinalik ako sa taong 1886 ?

Yu & Ai (1886) | CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora