KABANATA IV

910 85 5
                                    

PATULOY kong sinundan si Sebastian , pumasok ulit kami sa isang maliit na daan at tumigil sa isang maliit na bahay.

Eto ba ang bahay mo?” tanong ko dito. Napatigil naman siya sa pagbubukas ng pintuan.

Bahay natin. Nabagok ba ang iyong ulo at hindi mo tanda na ito ang bahay natin.?” natatawa nitong sabi saka pumasok sa loob.

Sinundan ko na lang din ito.

Maliit ang bahay. Yari sa pawid at mga kahoy. Isang maliit na gasera ang nagsisilbing liwanag ng buong bahay.

May isang higaan sa may kanlurang bahagi malapit sa bintana.

May maliit na kusina na kahoy pa ang gamit sa pagluluto.

Umupo si Sebastian sa isang maliit na upuan nang makakuha ito ng tubig. Napahampas naman ako sa aking braso ng makaramdam ako ng kagat ng lamok.

Uubusan mo pa ako ng dugo ha .!

“Matulog na tayo dahil bukas ay maaga tayong pupuntang San Diego.” usal nito saka humiga sa higaang yari din sa kawayan at kahoy.

Kasya ba tayo diyan?” tanong ko dito. Malikot akong matulog aminado ako. Kahit masters bed pa ang aking higaan ay nahuhulog pa ako. Ito pa kayang maliit na higaan na kung tutuusin ay pang isahan lamang.

Wag ka lang malikot kakasya tayong dalawa dito.” sabi nito saka ipinikit ang mata.

Bumuntonng hininga na lamang ako. Nakaramdam na rin ako ng antok kaya pinili ko na lang mahiga sa tabi nito.

Sebastian?” mahina kong tawag dito.

Umungot lamang ito.

Pwede bang Baste na lang ang itawag ko sa iyo?” tanong ko dito. Naramdaman kong nagising ito sa aking sinabi.

Bakit naman iyan ang ipinangalan mo sa akin?” sabi nito saka humikab.

Masyado kasing mahaba ang pangalang Sebastian.” pagdadahilan ko dito.

Sa dalawampu’t dalawang taon nating magkasama ngayon ka pa nahabaan sa aking ngalan.” sabi nito sa akin. “Pero kung iyan ang nais mo sige. Matulog kana rin.” dugtong nito saka tumalikod sa akin.

Good night Baste.” mahina kong sabi. Marahil ay hindi na nito narinig ang aking sinabi dahil tulog na ito.

Nanatili pa rin akong nakatingala sa bubong ng bahay. Habang iniisip kung bakit nga ba ako napunta dito sa nakaraan? Ano ba ang dapat kong balikan ? Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Baste na galing akong kasalukuyan dahil baka isipin noon na nababaliw na ako.  Madaming katanungan sa aking isipan na gusto kong masagot. Ipinikit ko ang aking mata at umaasang bukas pagdilat ng mata ko wala na ako dito.

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako.

Yusebio !!” isang malakas na sigaw ang nagpagising sa akin. Sa gulat ko’y napabangon ako’t nawalan ng balanse kaya nahulog ako sa lupa.

Isang malakas na tawa ang nagpamulat sa aking diwang inaantok pa.

Si Baste pala. Na wala pa ring humpay sa pagtawa. Napakamot na lang ako sa ulo saka tumayo .

Akala ko nakabalik na ako sa kasalukuyan.

Tama! Sa tuwing papasok ako sa isang pintuan ay bumabalik ako sa kasalukuyan. Nagmamadali kong tinungo ang pintuan ng bahay at kaagad itong binuksan. Ngunit imbis na kasalukuyan ang tumambad sa akin ay isang malamig na tubig na malansa ang bumuhos sa mukha ko.

Naku ! Yusebio . Pasensya na. Hindi ko alam na lalabas ka kaagad ng pintuan.” sabi ng isang babaeng may dalang maliit na planggana.

Sa likuran ko nama’y si Baste na lalong lumakas ang tawa dahil sa nangyari.

Siguro naman ay gising ka na dahil maaga kang pinaliguan ni Esme.” pang-aasar nito sa akin. 

Para tuloy akong basang sisiw dito ngayon. Amoy ko pa ang malansang tubig na marahil ay pinaaglinisan ng isda. Grabe naman oh !

Binigyan ako ni Baste ng bihisan at hinugasan ko ang aking mukha dahil malansa ang amoy ko.

Sinuot ko ang isang kupas na damit at isang short na  lampas tuhod.

Walang kabuhay-buhay ang suot kong damit ngayon kumpara sa sinusuot ko sa kasalukuyan na puro branded.

Lumabas na ako ng bahay at nadatnan si Baste na nakikipagusap sa babaeng nagtapon sa aking ng tubig. Si Esme ata iyon. Sa pagkakatanda ko.

Tumigil sila sa pag-uusap ng makalapit ako sa kanila.

Pasensya na ulit Yusebio “ sambit nito sa akin.

Tumango na lamang ako dito. Ano pa nga bang magagawa ko.

Oh sya, lalakad na kami para makarating kami bago magtanghali sa San Diego.” sabi ni Baste saka naunang maglakad.

Sumunod na lamang ako dito. At naiwan si Esme.

Sumakay kami sa isang kalesa papuntang San Diego. Mabagal ang takbo nito mas mabilis pa siguro ang bisekleta. Ngayon lang din ako nakasakay dito kahit araw-araw kong nakikita ang mga ito sa kasalukuyan pag pumupunta ako sa Luneta at Intramuros.

Sariwa ang amoy ng hangin. Malamig sa balat. Sumisilip na ang araw sa gawing silangan na siyang nagbibigay ng kulay kahel sa kalangitan.

Magtatanghali na rin nang makarating kami sa San Diego. Tulad ng nasabi sa nobelang Noli Me Tangere. Ang bayan ng San Diego ay halos nasa baybay na ng lawa. At nasa gitna ng malalaking bukirin. Ang karamihan sa mga taong naninirahan dito ay mga manggagawa sa bukid. Kapansin-pansin din ang malawak na kagubatan ng bayan. At sa pagkakatanda ko sa gitna nuon ay matatagpuan ang isang lumang gusaling bato, iyon ang musuleo ng mga Ibarra.

Napaisip tuloy ako bigla kung nandun din kaya iyon ngayon.

Tumigil kami sa tulong nang paghampas ng lalaki sa kanyang kabayo. Bumaba kami ni Baste sa isang mataong lugar. Marahil ito ang plaza ng bayan.

Bago tayo pumunta sa bahay ng mga Tiya Aurora, dumaan muna tayo sa tindahan ng mga gulayin.” sabi ni Baste nang makakababa kami sa kalesa. Sinundan ko na lamang ito.

Maraming mga tao. Bata man o matanda. Abala sa kanilang sari-saring gawain.

Napaka simple ng pamumuhay ng mga tao ngayon. Kontento na sila sa maliit na bagay.

Sa aking pagmamasid ay hindi ko namalayan na may kasalubong na pala ako. Kaya nabunggo ko ito dahilan para siya’y mapaupo sa lupa.

Sor— ay pasensya na po.” sabi ko dito saka inalalayan para makatayo.

Napatulala ako nang makita ko sino ang aking nakabungguan.

Isang babae. Ang babaeng nakita kong nasakay sa kalesa kagabi.

Pareho kaming napatigil. Tila bumagal na naman ang takbo ng orasan sa pagitan naming dalawa.

Hanggang sa isang sigaw ang nagpabasag sa katahimikan sa pagitan namin.

Binibining Aida ! Kanina pa kitang hinahanap “ sabi ng issang babaeng sa tingin ko’y kasing edad niya lang.

Napansin kong hawak-haawak ko pa ang kaniyang kanang kamay. Kaagad ko itong binitawan. Tumalikod naman ito sa ‘kin at sumunod sa kasama niya saka naglakad palayo. Sinundan ko ito nang tingin hanggang sa lamunin na silang dalawa sa karamihan ng mga tao.

Isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa akin sa realidad.

Yusebio. Halika ka na.” si Baste pala.

Tumalikod na din ako at saka siya sinundan.

Parang may kung ano akong naramdaman sa aking kaliwang dibdib. Naninikip na naman ito simula ng makita ko ang babaeng iyon.

Sino kaya siya?

Lumakad na ulit ako dala ang pag-asang sana’y magkita ulit kaming dalawa.

VOTE. VOTE. VOTE

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now