Chapter 4

15.9K 400 2
                                    

Jacel
Ilang minuto na akong nakatayo dito sa labas ng opisina ng boss ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang boss ko at ang babaeng kasama niya, nang mahagip ng tingin ko sa boss ko ay tiim bagang itong nakatingin sa akin na para bang isa akong daga na handa niyang kainin "You're late Ms. Rivera" basag niya sa katahimikan "Sorry Ma'am" paumanhin ko "Pwede ba sa susunod kumatok ka muna bago ka pumasok" mataray na sabi ng babae sa akin sabay irap, Aba kala mo naman boss ko rin siya hmmp.. kung wala lang si boss dito naupakan ko na tong babae na toh eh "Sorry po" labas sa ilong na paumanhin ko "It's okay, Next time wag mo nang gagawin yun" pagbibigay payo niya "Babe I need to go tawagan mo na lang ako kung kailangan mo ko" sabi ng babae sabay halik sa labi ng boss ko at umalis na "What are you waiting for? Get back to work" utos ng boss ko di na ko umimik at bumalik na ko sa trabaho

Fast forward...
10:00 pm na pero di pa ko tapos sa trabaho ko at nagsi-alisan na ang iba pang empleyado pero ako nakatutok parin sa laptop ko dahil ang daming clients na nageemail sa boss ko, Nang biglang bumukas ang pinto kaya napakislot ako "Boss! Jusko akala ko naman may multo na dito sa opisina mo" gulat na sabi ko "magbreak ka muna di ka pa kumakain ng hapunan tara saluhan mo ko nakapag order na ko ng pagkain" pagyaya niya sakin ang sweet ata ngayon ng boss ko? "Okay lang po busog pa naman ako eh" katwiran ko pero deep inside nagugutom na talaga ako "No, I insist tara na at baka lumamig ang pagkain" pamimilit niya kaya wala na akong nagawa kundi kumain kasabay siya

"Ah ma'am uuwi na po ako kasi medyo late na din eh baka naghihintay na sakin ang mga kapatid ko" paalam ko sakanya "Sumabay ka na lang kaya sakin? Medyo madilim na sa daan oh baka may mangyari pa sayong masama" pamimilit na naman niya "Ayy wag na po nakakahiya naman nilibre niyo na nga po ako ng pagkain pati ba naman sa pag-uwi ko kayo pa din? Kaya ko na po magtataxi na lang po ako pauwi" napabuntong hininga siya "Okay..Fine pero magiingat ka" siya "Sige po aalis na ko at baka mawalan na ako ng masasakyan Bye Ma'am thank you po sa dinner" pasalamat ko at umalis na

Naglalakad ako papunta sa kabilang kanto dahil wala ng taxing dumadaan malapit sa pinagtatrabahuhan ko may grupo ng mga lalaking nakasabay ko sa paglalakad "Wow pare sexy!" Sabi ng matangkad na lalaki kaya nagmadali akong maglakad ngunit may kalbong lalaking humarang sa aking dinadaanan "Hi miss gusto mo ihatid ka na namin sa inyo?" Nakangising sabi niya "Okay na ko mga kuya magtataxi na lang ako pauwi" pilit kong tinatapangan ang pagsasalita ko kahit na deep inside natatakot ako sa maaring mangyari sakin ngayon

"Alam mo miss wala ka nang masasakyang taxi sa ganitong oras kaya ihahatid ka na namin" pamimilit ng isa pang lalake

Biglang may huminto na magarang sasakyan sa gilid ng kalsada at lumabas rito ang boss ko at inakbayan ako "Sorry mga pre pero sakin sasabay ang girlfriend ko" mariin na sabi niya sa mga lalake "Ha? Ah sige miss aalis na kami" sabay takbo paalis, Nakakapagtaka lang bakit takot sa kanya ang mga lalaking yon..

"Ano pa hinihintay mo? Sumakay ka na" naiinip na sabi niya sakin kaya wala akong nagawa kundi sumakay na, Binuksan ko ang pinto sa likod "Oh? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya "Sasakay?" Patanong  din na tugon ko "Dito ka sa harap ano ko driver mo?" Pikon na sambit niya kaya mabilis akong sumakay sa harap, katahimikan ang namayani sa loob ng kotse niya itinuro ko na lang sa kanya ang address ko

"Dapat kasi di kana tumaggi na ako na ang maghahatid sayo pauwi yan tuloy muntik ng may mangyari sayong masama" pagsesermon niya, ito talagang boss ko parang boyfriend lang kung umasta "Sorry na po malay ko po bang ganun ang mangyayari sakin" paumanhin ko "Fine, pero sa susunod wag ka nang maglalakad ng walang kasama understand?" Siya "Yes ma'am" tugon ko "At pwede ba wag mo na kong popoin parang ang tanda ko naman tyaka Art na lang ang itawag mo sakin kapag nasa labas tayo" ang dami naman niyang request.. "Okay Art"

Nakarating na kami sa bahay at as expected nakapatay na lahat ng ilaw namin at sa palagay ko ay tulog na sila "Ahm Art thank you sa paghatid ah kung di dahil sayo baka kung ano na ang nagyari sakin" sincere na sabi ko "You're welcome" with matching ngiti pa ang cute lang tignan "So.. pano papasok na ko?" Ako "Ah sige alis na ko" paalam niya "Sige ingat" sabi ko ngumiti lang siya at nagdrive na paalis

Pumasok na ko sa gate at nang maisara ko na ito ay napahawak ako sa aking dib dib dahil ang bilis ng tibok nito, sino ba naman kasi ang hindi kikiligin eh isang magandang gwapo ang naghatid sayo Hayss Art wag ka naman ganyan baka mafall ako sayo ng di oras.

——-Author——-
Chapter 4 done Thank you for reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon