Chapter 20

9.6K 257 11
                                    

Artemis
4 Years had passed pero hindi ko parin sila makita, Ginamit ko na lahat ng connection ko pero mi isa walang nakahanap sa kanila

Hanggang sa napagod na lang ako at umaasang babalik sila sa akin, Ginugol ko ang aking oras sa pagtatrabaho dahil alam kong ang anak ko rin ang makikinabang sa lahat ng ito

Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko habang hawak ang litrato namin ni Jacel, Nung mga araw na okay pa kami

Mabilis kong pinunasan ang aking luha ng may kumatok sa pinto ng opisina ko

Tok Tok Tok

"Come in" Casual na sabi ko, Pumasok ang secretary ko na may dalang files na kailangan kong piramahan

"Ma'am ito na po ang mga dapat niyong pirmahan ngayong araw and may meeting po kayo mamayang 2:30 with Mr. Rozales sa ****** Restaurant" Paalala niya sakin kaya tumango na lang ako "Okay you may go now" sabi ko at lumabas na siya

*Sigh

Minsan nakakapagod din pala... Lalo na kapag pag-uwi mo ng bahay ay ikaw lang mag-isa at walang kasama, Higit sa lahat ay walang naghihintay sayo sa pag-uwi mo

Fast Forward......

It's already 2:20 and on the way na ako sa meeting place namin ni Mr. Rozales, Maaga akong pumupunta sa mga pinagusapang lugar dahil ang ayoko sa lahat ay laging late

Pagbaba ko ng kotse ay dumeretso na ako sa Entrance ng Restaurant "Reserved table of Mr. Rozales?" Sabi ng secretary ko sa receptionist

"This way ma'am" Itinuro niya sa amin ang table at doon ay hinintay kong dumating si Mr. Rozales para sa presentation niya sa akin, Mayroon siyang iba't-ibang branches ng drugstore dito sa pilipinas

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na si Mr. Rozales "I'm Sorry I'm a bit late medyo traffic" paumanhin niya "It's Okay kararating ko lang din naman" sabi ko

At sinimulan na namin ang pag-uusap tungkol sa presentation niya, Pumayag ako sa plano niya pero bago yun ay gusto ko munang ispeksyonin ang ilan sa mga branches niya kung kumikita ba ito o hindi

Ang unang pupuntahan namin ay ang drugstore niya sa Antipolo, Pagkatapos ng meeting namin ay umuwi na ako agad sa aking condo dahil napagod ako sa mga trabaho ko ngayong gabi

Habang naghahanda na akong matulog ay nahagip ng aking mata ang litrato namin ni Jacel sa side table ko, Kinuha ko iyon at tinitigang mabuti

"Kahit anong mangyari hahanapin ko kayo pangako yan" Sabi ko sa aking sarili, Hinalikan ko muna ang litrato namin at humiga na para matulog.

Jacel
"Girl nabalitaan mo na ba na dadalaw daw ang big boss natin dito sa linggo?" Tanong sa akin ng baklang katrabaho ko, Bigla naman akong kinabahan di ko alam kung bakit

"Huh? Bakit ngayon ko lang alam yan?" Takang tanong ko dahil wala naman akong nabalitaang ganun

"Hays tinatatanung pa ba yun eh kay Sarah sinabi kaya wala kang natanggap na balita, Hay naku pag ako hindi nakapagtimpi sasabunutan ko na talaga ang babaeng yun eh palibhasa inggit lang sayo kase mas maganda ka kesa sa kanya" mahabang paliwanag niya

Hays wala naman kase akong ginagawang masama kay Sarah pero iba ang trato niya sa akin kumpara sa iba pa naming katrabaho

"Hayaan mo na lang, Wag mo na lang pansinin" Sabi ko kay Brent, Brent ang pangalan niya daw sa umaga pero sa gabi ay Brenda

"Oh siya sige 5:02 na uuwi na ako at baka hinahanap na ako ng anak ko, Bye!" Sabi ko sabay alis na dahil uwian na namin at baka umiiyak na naman ang anak ko kakahanap sa akin

Nang makarating ako sa bahay namin ay ang anak ko ang sumalubong sa akin "Mama!" Malakas na tawag niya sa akin na para bang ilang taon akong nawala at ngayon lang umuwi

Niyakap at binuhat ko naman siya sabay halik sa pisngi niya "Ang asim na naman ng baby ko" sabi ko sakanya sabay singhot sa leeg niya "Kasi po nakipaglaro ako kila Andrea kanina sa kanila" sabi niya habang nakapout napaka cute talaga nitong anak ko lalo na at na mana niya ang dimple ni Art

"Hmm.. Okay tara na at ng makakain na napagod si Mama sa work" malambing na sabi ko sa anak ko "Para mawala po ang pagod mo mama kikiss na lang kita" sabi niy sakin

Pinaghahalikan niya ako sa iba't-ibang parte ng aking mukha "Ayan tanggal na po ang pagod niyo" sabi niya sabay hagikgik, Hays stress reliever ko talaga tong bata na toh

"Opo, di na pagod si mama kase kiniss mo na ko" nakangiting sabi ko sa kanya, Pumasok na kami at kumain na dahil nagugutom na rin ang anak ko dahil sa kalalaro

Magkayakap kami ng anak ko sa higaan naming papag "Mama bakit di pa po umuuwi si Dada?" Out of the blue na tanong niya "Huh? Ah eh diba sabi ko sayo may kontrata siya sa ibang bansa kaya hindi pa siya pwedeng umuwi kasi may work pa siya" paliwanag ko sakanya

"Okay" sabi niya at sumiksik na sa akin dahil inaantok na daw siya, Habang ako ay gising pa dahil iniisip ko ang Dada niya

Paano kaya pag-nagkita kami? Magagalit kaya siya sa akin dahil umalis ako?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa aking iniisip, At maya-maya pa ay Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip sa kanya.

——Author——
Thank you sa paghihintay ng update!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now