Chapter 27

9K 245 7
                                    

Jacel
Pagkatapos kumain ni Art ay agad kong hinugasan ang kanyang pinagkainan, Habang naglilinis ako ay biglang sumulpot ang isang maid ni Art sa aking gilid

"Ma'am ako na po" pagiinsist niya "Ah, hindi okay lang" pagiinsist ko "Pero Ma'am baka po magalit si Ma'am Art at tanggalin niya ako sa trabaho, May 3 kapatid pa po akong pinapaaral" dahil sa sinabi niya ay napabuntong hininga na lang ako at pinabayaang siya na ang maglinis ng mga pinagkainan ni Art

Dahil wala akong magawa ay umakyat na ako sa 2nd floor para checkin ang anak ko, Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nadatnan kong tulog na ito kaya inayos ko na lang ang kumot niya at dahan-dahang lumabas

Dumeretso na ako sa kwarto namin ni Art para matulog at pagkabukas ko ng pinto ay isang mabangong halimuyak ng bulaklak ang aking naamoy, Pagtingin ko sa kabuuan ng kwarto ay may mga kandila sa bawat gilid at mga rose petals naman sa kama

Nakita ko si Art sa tapat ng bintana waring may malalim na iniisip Hindi siguro niya ako napansin ng pumasok ako dito kaya minabuti ko na itong lapitan "Baka malunod na ako niyan" medyo napakislot siya dahil sa pagkagulat pero agad din itong nakabawi

"What do you mean?" Takang tanong niya "Ang lalim kasi ng iniisip mo eh" sabi ko naman kaya napangiti siya at inakbayan ako habang nakatanaw kami sa mga bituin sa langit

"Iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte kasi dumating kayo sa buhay ko" sweet na sabi niya kaya lihim naman akong napangiti dahil sa kilig

Humarap siya sa akin "Babe... I'm sorry sa lahat ng kasalanan ko sa inyo... Kung pwede ko lang sana ibalik ang panahon ay itatama ko ang mga maling nagawa ko at hindi na sana nasayang ang mga oras na wala tayo sa piling ng isa't-isa, Sana mapatawad niyo ako" sincere na sabi niya kaya naluluhang napangiti naman ako at hinwakan ang kanyang mukha

"Matagal na kitang pinatawad at isa pa may kasalan din naman ako dahil tinago ko sayo ang anak natin, Sana mapatawad mo din ako" dahil sa sinabi ko ay napangiti siya at kinuha ang aking mga kamay sa kanyang mukha at dinala ito sa kanyang mga labi

"Pareho lang tayong may kasalanan kaya patawarin na natin ang isa't-isa at mag simula ng bagong buhay kasama ang anak natin at ang mga kapatid mo" dahil sa sinabi niya ay tumulo na ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo sa aking mata

Pinunasan niya ito gamit ang kanyang daliri, Hinalikan niya ako sa ulo at pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit "I love you babe.." mahinang bulong niya sa aking tenga "I love you too.." tugon ko

Sinimulan niyang halik-halikan ang aking leeg at alam ko na kung saan patungo ang rutang ito kaya ako na ang tumulak sa kanya sa kama at sinimulan na ang ritwal naming dalawa

Then we made love all night long..

Kinaumagahan...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha

Nang idilat ko ang aking mga mata ay ang mukha ng mahal ko ang lumantad sa akin dahil nakaunan ako sa chest niya at tanging kumot lang ang nakabalot sa aming dalawa

Ilang minuto ko munang pinagmasdan ang kanyang mukha at nang magising siya ay unti-unting humigpit ang kanyang yakap sa akin

"Morning" nakangiting bati niya habang nakapikit pa ang mga mata at hinalikan ako kahit na hindi pa kami nagtutooth brush "Morning" ngiting bati ko din sakanya

Ilang minuto kaming nagstay sa ganung posisyon hanggang sa nagpasya na kaming bumangon na, Sabay kaming naligo pagkatapos ay lumabas na din

Nadatnan namin na pinapakain na ni Eliza ang anak namin "Goodmorning Mama! Goodmorning Dada!" Sabi ng anak ko sabay kiss sa amin, Ginulo naman ni Art ang buhok niya at nagkulitan na naman silang dalawa

"Goodmorning my little monster!" Sabi ni Art at kiniliti ang anak niya napailing na lang ako at kumuha na ng pagkain namin ni Art

Ipinagsandok ko na si Art at nang matapos ang baby kong kumain ay agad itong nagtungo sa sala para manood ng spongebob, pagkalapag ko ng pagkain namin ay nagulat ako ng hilahin ako ni Art paupo sa kandungan niya

"Art ano ba! Baka makita tayo nila Eliza nakakahiya" mahinang bulong ko sakanya "Shh! Don't mind them kumain na lang tayo, feed me please" parang batang sabi niya sakin

Kaya wala na akong nagawa at kinuha na ang kutsara at sinubuan siya "Babe.. Aalis tayo ngayon" sabi niya habang kumakain kami "Bakit saan tayo pupunta?" Takang tanong ko

"Sa bahay ng parents ko" dahil sa sinabi niya ay bigla tuloy akong kinabahan dahil hindi ko pa namemeet ang parents niya, Nang mapansin naman niyang natahimik ako ay agad naman niya akong pinaharap sa kanya

"It's okay mabait sila, and I know that you can easily get along with my mother because she has your personality too" pagaasure niya kaya medyo nawala ang kaba ko

Sana lang talaga ay magustuhan ako ng mga magulang niya.

—-Author—-
Update! Yes! Yes! Yes! 👏

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن