Chapter 15

13.9K 276 2
                                    

Kinaumagahan...

Jacel
Nagising ako dahil sa ingay na nang gagaling sa labas, Nang sipatin ko ang aking katabi ay unan na lang ang natira rito

Tumayo ako at binalot ko ang aking kahubadan ng kumot para magbihis na, Nakakatawa lang isipin na ang taong nakauna sa akin ay siya ding mamahalin ko

Nang matapos akong magbihis ay paika-ika akong tumungo sa kusina kung saan nanggagaling ang ingay na nagpagising sa akin

Napangiti ako dahil sa nadatnan ko sa kusina, si Kaitie nakatung-tong sa isang upuan at masayang naghahalo ng kung ano mang niluluto nila habang si Art naman ay ginagabayan si Kaitie sa kanyang ginagawa

"Ehem!" Pekeng ubo ko para makuha ang atensyon nilang dalawa, Humarap naman sila sa akin at nanlaki ang mata ko dahil pareho silang madungis dalawa

"Oh anong nangyari sa inyong dalawa?" Natatawang sabi ko, Humagikgik naman si Kaitie sabay baling kay Art kaya napatingin din ako kay Art

"Hehe..Babe Nagluluto lang kami ng pancake eh itong si Kaitie makulit kaya nagkapahidan kaming dalawa" paliwanag niya habang nagkakamot ng batok

"Hay naku kayo talagang dalawa..Hala sige maglinis na kayo don at ako na ang magtutuloy nito" Sabi ko, Ipinasan ni Art si Kaitie sa kanayang likod at si Kaitie naman ay umaktong parang isang super hero na lumilipad habang papunta sila sa banyo

Napailing na lang ako sa kalokohan ng dalawang iyon at iniluto na ang pancake na ginagawa nila kanina lang, Habang nagpi-flip ako ng pancake ay may naramdaman akong mga brasong pumalupot sa aking tiyan at ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg sabay singhot rito

"Babe..ano ka ba baka makita tayo ng mga kapatid ko" nagaalala kong sabi "Shh..wag kang mag-alala naliligo na si Ryan at si Kaitie naman ay busy sa panonood ng Cartoons sa Sala" sabi niya

"Ang bango mo.." paglalande niya sakin at hinalik halikan ang aking leeg "Tskk ang lande mo din eh noh" sabi ko at pilit siya inilalayo sa akin

"Hmm.." siya, nararamdaman kong paba na ang kanyang mga kamay na para bang ahas kung gumapang at alam ko kung saan ito papunta

Hindi pa nakakarating ang mga ito sa gustong paroroonan ay biglang nagsalita si Kaitie sa likod namin "Ate luto na ba yung pancake? Nagugutom na ko eh" sabi niya habang kinakamot ang kanyang tiyan

Kaya mabilis pa sa alas kwatro ay naghiwalay kami ni Art "Ah, Oo nga pala..Oh eto na lagyan mo ng chocolate syrup para masarap" sabi ko at ibinigay na sakanya ang pancake

Nang mapatingin naman ako kay Art ay nanlaki ang mata ko dahil may nakabukol sa kanyang gitna kaya pinanlakihan ko siya ng mata at ininguso ko ang kanyang gitna

Nang tignan naman niya ito ay napakamot siya ng batok, Tinakpan niya ito at pumasok na sa loob ng kwarto

Hays muntik na talaga yun buti na lang at gutom tong batang toh at hindi na kami tinanong ng kung ano-ano.

——-Author——-
Sorry po at ngayon lang nakapag Update naging busy po kasi kami sa pagpapractice eh.. Pero promise po babawi ako sa weekend try ko pong mag-update ng 2 chapters in one day☺️

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now