Chapter 7

12.9K 379 2
                                    

Artemis
"Hmmm.."
Nang iminulat ko ang aking mata ay tumambad sa akin ang isang batang babae na tulalang nakatingin sa akin

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya

Pero bago niya pa masagot ang tanong ko ay biglang kumirot ang ulo ko "Ouch!" Daing ko habang nakahawak sa ulo ko

"Ako si Kaitie tyaka sabi ng ate ko inumin mo daw yung gamot na toh para mawala ng sakit ng ulo mo" parang matandang nagpapainom sa akin ng gamot, Sa tantya ko mga nasa 6 na taon na siya

"Sinong ate?" Tanong ko ng iniabot niya sa akin ang gamot at tubig

"Sino pa ade yung nagdala sayo dito" sagot niya "Oh? Di mo pa rin kilala?" Naiinis na tanong niya, Umiling naman ako dahil wala talaga akong matandaan

"Hay naku si Ate Jacel" Naiinis na sabi niya, Ahh kala ko naman kung sino..

"Saan ang ate mo?" Tanong ko
"Nasa kusina nagluluto ng umagahan gusto mo samahan kita?" Tumango na lang ako at sumunod sa kanya palabas ng kwarto

Naabutan namin si Jacel na nagluluto habang kumakanta at sumasayaw-sayaw pa ang cute lang haha kaya pareho kaming napahagikgik ng batang kasama ko

"Sshh" sabi sakin ni katie na parang may gagawing kababalaghan, tumango-tango naman ako habang nakangisi

"Ate!" Tawag niya kay Jacel, at si Jacel naman ay halos mapatalon sa gulat habang nakahawak sa kanyang dib dib "Ayy kabayo! Jusko po ikaw talgang bata ka diba sabi ko sayo wag mo kong ginugulat" panenermon niya sa kapatid niya "hehe" tawa ni kaitie habang itinuturo ako kaya napatingin naman sa akin si Jacel

"Ay Ma'am I mean Art gising ka na pala kanina ka pa ba dyan?" Nahihiyang tanong niya

"Uhh Yes, actually kasama ko si Kaitie" sagot ko kaya naman napalaki ang mata niya bago pa siya magsalita ay nagsalita na ko "Huwag kang mag-alala di ko ipagsasabi ang nakita ko" bulong ko sakanya habang nakangisi kaya na face palm na lang siya sa sarili

"Ano nga pala yang niluluto mo?" Tanong ko dahil mukang masarap

"Ha? Ito ba ah tuyo, itlog at hotdog lang toh pagpasensyahan mo na ha ito lang kasi ang kaya kong bilhin" nahihiyang sabi niya "Hays wag kang mag-alala di ako pihikan" sabi ko

Nagdasal muna kami bago kumain "Ate anong pangalan niya?" Tanong ng batang lalake kay Jacel "Oo nga ate ano nga ulit yung pangalan niya?" Tanong din ni Kaitie

"Siya si Artemis siya ang boss ko" paliwanag ni Jacel sa dalawa "Ahh" sabay sabi ng dalawa

Habang kumakain kami hindi ko maiwasang magtaka kung ano ang isdang maliit na nakahain sa hapag, Habang iniespeksyon ko ito ay tumikhim si Jacel kaya napatingin ako sa kanya

"Ang tawag dito ay tuyo, hihimantingin mo muna sa kanin mo tyaka mo babahugan ng kape" pagtuturo niya sakin kaya ginawa ko ang sinabi niya, Nang tikman ko ito "Ang sarap!" Manghang sabi ko kaya natawa naman si Jacel at pinagpatuloy na ang pagkain

Si Jacel na ang naghugas ng plato, At nang matapos niyang maghugas ay lumapit ako sa kanya "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko tumango naman siya at naupo kami "Paano ako nakarating dito?" Panimula ko dahil ang natatandaan ko lang ay nasa bar akong mag-isa habang umiinom dahil nalilito ako sa nararamdan ko nitong mga nakaraang araw ng dumating si Jacel

"Tumawag ka sakin ang sabi mo nasa bar ka kaya pinuntahan kita at iniuwi kita dito dahil di ko alam kung saan ka nakatira" pagpaliwanag niya "Ganun ba? Salamat ha" sincere na sabi ko dahil nahihiya ako sa kanya

"Okay lang yon buti nga at sabado ngayon wala tayong pasok" sabi niya "Gusto kong bumawi sayo" sabi ko sa kanya "Huh? Wag na Okay lang" pagtanggi niya "I insist sama na rin nating ang mga kapatid mo maglilibot tayo" pagyaya ko sakanya "Sure ka?" Tumango ako "Okay mapilit ka eh" sabi niya at tinawag na sila Kaitie para magbihis

Tuwang tuwa naman si Kaitie dahil ngayon lang ulit siya makakapag libot sa ibang lugar

Sumakay kami ng taxi dahil di ko dala ang kotse ko pinahiram lang Ulit ako ni Jacel ng damit dahil wala akong damit na pwedeng suotin

Bumaba kami sa isang mall at kumain muna bago mamili "Saan niyo gustong kumain?" Tanong ko sa kanila "Kahit saan di naman kami pihikan eh" sabi ni Jacel "Ate sa McDo gusto ko ng laruan sa McDo"  masayang sabi ni Kaitie kaya pinanlakihan naman siya ng mata ni Jacel na para bang binabawal ito kaya napayuko na lang si Kaitie

"It's Okay sige kakain tayo sa McDo at ibibili kita ng laruan" masayang sabi ko sa kanya kaya nagangat naman ang tingin niya sa akin habang nakangit "Yehey!" Masayang sabi niya

Pumasok na kami sa McDo at nagorder ng aming makakain at binilhan ko na rin ng laruan si Kaitie, Habang kumakain kami ay di ko maiwasang matawa kay Jacel dahil may ketchup pa siya sa gilid ng kanyang labi kaya agad ang kumuha ng tissue at ipinunas ito sakanya

Nagulat naman siya sa ginawa ko at pinamulahan, Sus kinikilig eh?

———-Author———-
Thank you for Reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now