Chapter 9

11.5K 362 3
                                    

Jacel
Maaga akong pumasok dahil ayokong malate, Habang naglalakad ako papunta sa elevator ay nakasabay ko si Art

"Aga natin ah" bati niya sakin "Ayoko nang malate eh" tumango tango naman siya "Kamusta yung mga kapatid mo?" Tanong niya "Ayun Okay naman sila kaso si Kaitie umiiyak hinahanap ka bakit daw paggising niya wala ka na namimiss ka na daw niya" sumbong ko sa kanya dahil hindi talaga titigil si Kaitie kakaiyak kanina kung hindi ko sinabing dadalaw ulit don si Art sa susunod

"Ganun ba? Hayaan mo kapag may time ako dadalaw ulit ako" sabi niya "Okay" maikling sagot ko

Bumukas na ang elevator at lumabas na kami Ginawa na namin ang aming mga trabaho

Lunch break na akong nakatapos at akmang lalabas na ako ng opisina para mag lunch ay tinawag ako ni Art

"Maglalunch ka na ba? Sabay na tayo" pagyaya niya sakin "Sige tara nugugutom na ko" yaya ko sa kanya

Habang kumakain kami ng lunch ay binasag niya ang katahimikan sa pagitan namin "May gusto ka ba kay Raven?" Nabigla naman ako sa tanong niya "Bakit mo naman naisip yan?" Nagtatakang tanong ko din "Kasi pagkausap mo siya parang kang kinikiliti eh tyaka kung makangiti ka para kang nageendorse ng toothpaste sa sobrang lapad ng ngiti mo"sabi niya

Nagseselos ba siya? "Di naman sa gusto ko siya ang sarap lang kasi niyang kausap eh yun bang kaya niyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin sa akin" paliwanag ko "Bakit di ba ako masarap kausap?" Kunot noong tanong niya Confirmed nagseselos nga siya, yung puso ko ang lakas ng tibok na para bang sumali sa fun ran

"Iba ka naman sa kanya masarap ka din naman kausap kaso siya kase matapang na honest pa ikaw ganun ka din ba?" Tanong ko sa kanya, Ilang saglit siyang napatigil na para bang nagiisip "Kaya ko rin maging ganun gusto mo ngayun pa eh" mayabang na sabi niya

"Okay, sige nga kung matapang ka ano ang gusto mong sabihin sa akin ngayon?" Tanong ko "Gusto kong sabihin sayo na pag malapit ka sa akin biglang bumibilis ang pintig ng puso ko at nagiinit ang ulo ko kapag may kasama kang iba okay na?" Siya

Nagulat naman ako sa mga sinabi niya di ko ineexpect na parehas kami ng nararamdaman, Ilang minuto pa ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita "Sinasabi mo bang may gusto ka sakin?" Kung ano man ang magiging sagot niya ay tatanggapin ko

"Kung iyon ang depinisyon mo sa nararamdaman ko siguro ganun na nga" nakayukong sambit niya na para bang nahihiya, tignan mo tong babaeng toh pinagtawanan niya pa si Raven na torpe eh siya din pala

"Pero diba may girlfriend ka?" Nagaalalang tanong ko "Huh? Sinong girlfriend?" Balik tanong niya sakin "Ade si Sofia sabi niya girlfriend mo daw siya" paliwanag ko kahit deep inside ay masakit

"Ah si Sofia Ex-girlfriend ko siya kaya niya lang sinabing girlfriend ko siya ay hindi niya parin matanggap na hiwalay na kami" paliwanag niya kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko

"Natatakot akong sabihin sayo ang nararamdaman ko kasi akala ko may gusto ka na kay Raven at huli na ang lahat" paliwanag niya

"Wag kang mag-alala magkaibigan lang kami ni Raven kaya may chance ka pa pero bago yun ligawan mo muna ako" Oh diba papakipot muna ako noh first relationship ko toh kaya kailangan isure ko munang siya na talaga ang para sa akin

"Oo naman kahit araw-araw pa kitang ligawan gagawin ko basta mapasakin ka lang pero may gusto lang akong irequest sayo" siya

"Ano naman yun?" Tanong ko "Pwede wag kang masyadong lumapit sa ibang lalake lalo na kay Raven" request niya

"At bakit naman?" Takang tanong ko
"Because You're Mine" dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko mapigilang kiligin dahil kahit manliligaw ko pa lang siya Very territorial na.

———Author———-
Update ulit hehe..sinisipag po ako eh anyway Enjoy reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon