Chapter 8

12.2K 350 1
                                    

Jacel
Ang sarap sa feeling na makita mo ang mga kapatid mo na masaya, Salamat kay Art dahil naranasan nila ang mga ganitong bagay kahit na mahirap lang kami

Ipinamili pa ni Art ang aking mga kapatid ng mga laruan, damit at iba pa kahit na sinabi kong wag na ang kulit kasi eh yan tuloy naspoiled ang dalawa kong kapatid sa kanya

Ginabi na kami ng uwi dahil ipinamili niya rin kami ng mga grocery yung dalawa naman ayun bagsak buhat ni Art si Ryan habang buhat ko naman si Kaitie na tulog na tulog ng makarating kami sa bahay ay dahan dahan naming ibinaba ang dalawa

"Art thank you ha" sincere na sabi ko "Wala yun nagenjoy naman sila eh" sabi niya "Gabi na di ka pa ba uuwi sa inyo di ka ba hahanapin ng mga magulang mo?" Tanong ko "Ay Oo nga pala sige mauna na ko sa susunod ulit ipapasyal ko ulit kayo pag may time" kaya tumango na lang ako

Nang makaalis siya pumasok na ako para magbihis, habang nakahiga ako sa kama iniisip ko ang lahat ng nangyari ngayong araw di ko akalain na mabait naman pala si Art kahit papaano

Sa kakaisip ko kay Art ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Artemis
Nagtaxi ako pauwi sa bahay namin dahil nga di ko dala ang kotse ko tyaka namimiss ko na rin ng parents ko

"Baby! I miss you ang tagal mo ng hindi nakakadalaw dito" pagpasok ko sa amin ay boses agad ni mom ang nabungadan ko

"Mom, di na ko baby I'm already 23 years old!" Pagmamaktol ko, Kasi naman 23 na ko pero baby parin ang tawag sakin ng nanay ko "Ah basta! Kahit na matanda ka na ikaw parin ang baby ko" sabi niya habang pinipisil pisil ang pisngi ko

"Oh andito pala ang magandang gwapo kong anak" bati sa akin ni dad "Ang tagal mo ng hindi bumibisita ah" puna niya sa akin "Busy lang po sa trabaho" paliwanag ko

"Busy o may kinabibisihan?" Nakangising tanong niya sakin bakit parang ang lakas ng pang-amoy ng tatay ko "Dad, meron pero di pa ako sure eh" sabi ko habang nagkakamot ng batok

"Anong hindi sure?" Takang tanong niya "Di pa ako sure sa nararamdaman ko" nahihiyang sabi ko "Well isure mo muna anak tyaka matanda na kami ng mom mo gusto na namin magkaroon ng apo" request niya sakin "Promise dad magkakaapo rin kayo soon" with matching taas ng kanang kamay

Ginulo niya ang buhok ko "Ikaw talaga" Nakangising sabi niya "Hay naku kayo talagang mag-ama kayo kung ano-ano ang pinaguusapan niyo tyaka ikaw Arthur wag mong kinukunsinte yang anak mo baka mamaya bumuntis ng bumuntis yan wag mong igaya ang anak mo sayo ha!" Panenermon ni mom

"Hon naman!" Pagmamaktol ng daddy ko kaya natawa na lang ako sa kanya, Saan kaya ako makakakita ng gaya ni mom Si Jacel Hays bakit ba lagi ko na lang siya naiisip? May gusto na ba ako sa kanya? Ewan..

Habang kumakain kami ay walang tigil sa paghaharutan ang parents ko nakakainggit naman buti pa sila eh, tinapos ko na ang pagkain ko at nagpaalam sakanila na matutulog na ko kaso di manlang nila ako pinansin dahil busy sila sa isa't isa kaya tumuloy na lang ako sa kwarto ko at nahiga na

Habang nakapikit ay hindi ko maiwasang isipin si Jacel, Iniisip ko kung bakit nitong mga nakaraang linggo ay siya ang laging laman ng isip ko nagagalit ako kapag may kasama siyang iba at natutuwa ako kapag nakikita ko siyang masaya

Hindi kaya inlove na ko sa kanya? Hindi maari dahil natatakot na akong masaktan katulad ng nangyari sa amin ni Sofia

Sisiguraduhin ko muna ang naraamdaman ko bago ako gumawa ng paraan para mapunta siya sa akin.

———Author———
Update! Chapter 8 done!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now