Chapter 26

8.9K 261 8
                                    

Artemis
Kakatapos lang nang trabaho ko at nagdadrive na ako ngayon pauwi dahil kanina pa ako excited umuwi, dahil alam kong may nagiintay sa akin sa pag-uwi, di tulad ng mga taon na gusto ko lang lunurin ang sarili ko sa trabaho dahil alam kong pag-uwi ko ay ako lang mag-isa sa bahay

Dumaan ako sa Jco para bumili ng donut para sa anak ko at para na rin sa mga kapatid ni Jacel, hindi na muna ako nagshopping ng damit nila dahil gusto ko sila mismo ang pumili ng gusto nilang damit dahil balak ko silang ipagshopping sa weekend dahil wala naman akong pasok sa araw na yun

Ring Ring

Dinukot ko ang telepono ko mula sa aking pantalon para tignan kung sino ang tumatawag sa akin, At nang makita kong si Mommy ang tumatawag ay mabilis ko itong sinagot

"Hello Mom?" Ako "Artemis Jade Montenegro! aba ang tagal mo nang hindi dumadalaw dito sa bahay ah? Baka nakakalimutan mong may pamilya ka pa?" Sabi niya, Hays itong nanay ko talaga kapag nanermon sagad hanggang atay

"Sorry Mom, may inaasikaso lang tyaka pangako bukas na bukas dadalaw ako dyan at may surprise ako sa inyo ni Daddy" nakangiting sabi ko "At ano namang surprise yun aber? Baka kung ano na naman yan ah" masungit na sabi niya

"Promise Mom, matutuwa kayo sa surprise ko" sabi ko "Hmp.. oh siya ibababa ko na toh at naiinip na ang Daddy mo dahil maglalaro daw kami" sabi niya sakin kaya naman napairap na lang ako dahil ang tatanda na gumaganon pa rin

"Okay bye Mom, I love you!" Sabi ko at ibinaba na ang tawag napailing na lang ako sa parents ko, Di na talaga ako magugulat kapag isang araw ay may kapatid na ako

Time check 6:05pm

Nang makarating ako sa bahay ay bumusina ako at binuksan ng isa sa mga maid ang gate at pinark ko ang aking sasakyan sa garahe at bumaba na habang hawak ang donut na binili ko

Pagbukas ko palang ng pinto ay may maliit na bata na ang sumalubong sa akin "Dada!" Sabi niya at agad ko naman siyang binuhat at hinalikan sa pisngi

"Kamusta ang baby ko? Di ka ba nagpasaway sa mommy mo?" Tanong ko at umiling naman siya "Hindi po Dada, naglaro po kami nila yaya tyaka nagswimming kami kanina sa pool" sabi niya na may galak sa kanyang boses

"Very good!" Sabi ko at pinaghahalikan siya sa leeg na ikiniliti naman niya "Oh tama na yan pakainin mo muna si Dada mo baby" sabi ni Jacel kaya naman napatingin kami ng anak ko sa kanya at nginitian ko siya at muling humarap sa anak ko

"Baby, here's your donut kumain muna kayo nila tita Kaitie mo nito sa sala habang kumakain si Dada ok?" Sabi ko at tumango naman siya, At naglakad papunta sa sala habang dala ang donut na ibinigay ko

Lumapit ako kay Jacel habang busy ito sa pag-aayos ng pagkakainan ko, At niyakap siya mula sa likod "Babe, I miss you" sabj ko habang sinisinghot ang leeg niya kaya naman natawa siya

"Kanina ka lang umalis miss mo na kaagad ako?" Natatawang tanong niya kaya tumango naman ako habang nakapout, napailing na lang siya at hinawakan ang mukha ko

"Wag ka ngang magpout para kang tuta eh" natatawang sabi niya "This Tuta will show you its wildness later" I playfully said at nagwink sakanya

"Ikaw talaga, Oh siya kumain ka muna para may lakas ka mamaya" dahil sa sinabi niyang yon ay mabilis akong tumingin sa kanya at inispeksyon kung seryoso siya, At nang mabasa niya ang nasa isip ko ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin

"P-Para may lakas ka mamaya sa pagtulog" pag-iiba niya kaya naman napangiti ako "Okay.." sabi ko at kumain na habang siya naman ay pumunta sa salas para icheck ang mga bata

Kumain ako ng marami dahil alam ko ang nasa isip niya kanina at gusto kong maghanda para sa bakbakang magaganap mamaya...

—-Author—-
Sorry for the long update! medyo busy eh...

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now