Chapter 24

9.7K 272 9
                                    

Artemis
Papunta ako ngayon sa mag-ina ko dahil gusto ko silang makasama at para na rin maipasyal sila sa mall, naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada dahil hindi na kasya ang sasakyan ko sa eskinitang daan papunta sa bahay nila

Malapit na ako ng makarinig ako ng malakas na sigaw na sa tantya ko ay galing sa bahay nila Jacel kaya't mabilis akong tumungo rito, At naabutan kong inilalabas ng isang babae ang mga gamit nila Jacel kaya't minabuti ko na silang lapitan

"Lumayas kayo! Di na kayo nahiya 5 buwan na kayong hindi nakakabayad sa bahay na ito at ilang beses ko pa kayong binigyan ng palugit pero ni kalahati di niyo nabayaran? Layas! Lumayas kayo sa pamamahay ko!" Sigaw ng matandang babae na sa tantya ko ay 50 anyos na ang tanda

Nakita ko namang lumapit si Jacel sa matanda "Manang parang awa niyo na po wala na po kaming matutuluyan pangako magbabayad po ako" pagmamakaawa ni Jacel, Nahagip ang aking mga mata sa anak ko na umiiyak at yakap ni Eliza ngayon

Ikinuyom ko ang aking kamao at lumapit sa kanila dahil hindi ko masikmurang panoorin na ginaganito sila ng ibang tao "Anong problema dito?" Tanong ko kay Jacel, Medyo marami na rin ang mga taong nakikiusyoso sa paligid

"Limang buwan kaming hindi nakabayad sa renta dito sa bahay dahil pinambayad ni Eliza ang pera sa Nahospital niyang kapatid sa Leyte" Medyo namumula na ang kanyang mga mata sa pag-iyak kaya kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at pinunasan ang kanyang mga luha

"Shh.. wag ka nang umiyak ako ng bahala rito" sabi ko at tumango-tango naman siya "Magkano ba ang dapat nilang bayaran?" Tanong ko sa matanda "10,000 pesos bakit may pangbayad ka ba?" Maangas na tanong niya

Dinukot ko sa wallet ko ang 15,000 at ibinigay ito sa kanya "15k yan sobra pa sa presyong ibinigay mo sakanila dahil hindi na sila dito titira, and one more thing wag po sana kayong masyadong mapanghusga ng tao dahil baka karma ang bumalik sa inyo" sabi ko at binuhat na ang anak ko, pinabuhat ko na rin ang mga gamit nila papunta sa sasakyan ko

Binuksan ko ang likod ng sasakyan ko para mailagay nila ang mga bagahe nila doon at pinagbuksan ko rin sila ng pinto sasakayan para makasakay na sila, Nasa likuran sina Ryan, Kaitie at Eliza habang katabi ko naman ang mag-ina ko ngayon sa harap

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang tignan ang mag-ina ko habang sila ay natutulog, Kung tinanggap ko na lang siguro ang anak namin ng mas maaga ay sana buo na ang pamilya namin nagyon

Napabuntong hininga na lang ako sa aking iniisip at pinagpatuloy ang pagdadrive pauwi sa bahay na ipinatayo ko para sa pamilya namin, Actually matagal ko na itong ipinatayo dahil gusto ko pag nahanap ko na ang mag-ina ko ay mayroon na kaagad kaming bahay na matitirhan

After 5 hours ay sa wakas at nakarating na kami sa bahay, inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng gate at bumusina ilang minuto pa ay binuksan ito ng maid namin

"Welcome home ma'am" sabi niya ng buksan ko ang bintana "Manang pakiayos na po ang mga kwarto dahil doon po magpapahinga ang mga kasama ko" magalang na sabi ko at tumango naman siya sabay alis

Pinaandar ko na ang sasakyan para ipark sa garahe at pagkapark ko ay ginising ko na ang mag-ina ko "Jacel gising na andito na tayo" mahinang sabi ko at iminulat naman niya ang kanyang mga mata at tumingin sa paligid "Andito na tayo?" Tanong niya

At tumango naman ako "Ryan, Kaitie, Eliza nandito na tayo" paggising niya sa mga ito, Bumaba naman ako at pinagbuksan sila ng pinto bago pa makababa si Jacel ay kinuha ko muna ang anak naming tulog na tulog na halatang napagod sa byahe

May lumapit sa aming isa pang maid at binilinan ko na kunin ang mga gamit sa likod ng kotse ko at ipasok sa loob ng kwarto, Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay "Wow! Ang ganda dito ate kaninong bahay toh?" Manghang tanong ni Kaitie

"Hindi ko rin alam eh, Art kanino nga palang bahay toh bakit tayo nandito?" Tanong sakin ni Jacel "Sa ating bahay ito mula ngayon dito na kayo titira" simpleng sabi ko at umakyat na para dalhin ang anak ko sa kwarto niya at sumunod naman sa akin si Jacel habang ang mga kapatid niya ay naglilibot pa sa ibat-ibang sulok ng bahay

Binuksan ko ang pintuang may nakapintang pangalan na Ariana, Actually ng mahanap ko na sila ay ipinaayos ko lahat ng gamit dito sa bahay kasama na ang mga kwarto nila

Nang buksan ko ito ay bumulagta sa aking mata ang kulay pink na disenyo ng kwarto at puno ng laruan ang bawat gilid nito, Ako mismo ang nagpadisenyo ng kwartong ito habang nasa Antipolo pa ako

Inihiga ko ang anak ko sa malabot na kulay pink niyang higaan nang makapagpahinga siya, Humarap naman ako ngayon kay Jacel na halata sa mukha ang pagkamangha niya sa kanyang nasisilayan

"Dito din ba ako matutulog kasama ang anak ko?" Wala sa sariling tanong niya "Nope, Doon ka matutulog sa Kwarto natin" Casual na sagot ko "Pero-"

"Wala ng pero-pero may anak na tayo kaya wag ka ng maarte" sabi ko sakanya kaya naman namula ang mukha niya "Tara ituturo ko sayo kung saan ang kwarto natin" sabi ko sabay hila sa kamay niya papunta sa Master's Bedroom

Binuksan ko na ang pinto at muli na naman siyang namangha sa disenyo ng kwarto may malaking tv, wardrobe, Bathroom at mayroon din itong sariling sala kulay grey naman ang kulay ng kwartong ito

"Ang ganda..." mahinang sambit niya "Kasing ganda mo.." sabi ko sabay yakap sa kanya bale naka back hug ako sakanya ngayon

Sinimulan kong halik halikan ang kanyang leeg kaya medyo napaungol siya sa ginagawa ko, Akmang tatanggalin ko na ang kanyang t-shirt nang pigilan niya ako "Art teka, Teka lang baka hinahanap na ako ng mga kapatid ko" siya

"Don't worry nasa kanya-kanyang kwarto na sila ngayon at nagpapahinga" paliwanag ko at akmang hahalikan na naman ulit ang leeg niya ng magsalita ulit siya

"Art, wag muna ngayon" mahinang sabi niya kaya naman nagtaka ako "Why? You don't like it?" Takang tanong ko "Gusto ko pero may problema eh" sabi niya

"Bakit ano ba yung problema?" Tanong ko sakanya

"Meron ako ngayon eh..." dahil sa sinabi niyang iyon ay para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sabay tago sa Jun-Jun kong galit na kaya natawa na lang siya sa inasta ko

"Hays.. bakit ngayon mo lang sinabi" sabi ko habang nagdadabog na tumungo sa Bathroom para maligo ng malamig na tubig.

——Author——
Update! Sinipag ako eh..😊

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ