Chapter 28

9.1K 254 6
                                    

Jacel
Nandito na kami ngayon sa sasakyan at kasalukuyang nagdadrive si Art papunta sa bahay nila para imeet ang parents niya, Ang daming tanong ang sumasagi sa isip ko

Paano kapag di nila kami nagustuhan? Paano kapag ayaw nila sa amin?

Naudlot ang pag-iisip ko nang hawakan ni Art ang kamay ko dahil magkatabi nasa driver's seat siya habang ako naman sa passenger's seat at kandong ko ang anak kong tulog, Sila Eliza naman ay nasa likod at sa palagay ko ay tulog

"Babe.." tawag niya kaya napalingon ako sa kanya "Hmm?" Ako "You're spacing out are you ok? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya kaya napangiti ako at hinawakan ang kanyang kamay

"No, I'm okay medyo napagod lang siguro ako" sabi ko sakanya "You better take a nap there gigisingin na lang kita pagnandon na tayo" kalmadong sabi niya at ibinalik na ang mata sa pagdadrive

Niyakap ko naman ang anak ko at umiglip muna...

"Babe.. Wake up andito na tayo" nagising ako dahil sa mahinang boses na tumatawag sa akin at nang idilat ko ang aking mga mata ay ang mukha ni Art ang aking nasilayan kaya dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang aking mga mata

"Parang kakatulog ko lang" parang batang reklamo ko kaya napailing na lang siya at binuhat ang anak namin, inalalayan niya akong bumaba at sabay-sabay kaming pumasok sa bahay nilang mala building ang laki

"Dada! kanino pong house toh?" Tanong ng anak ko "This is your Lola and Lolo's house, nakatira dati dito si Dada" paliwanag niya magsasalita pa sana ang anak ko nang makarinig kami ng malakas na tili

Galing ito sa isang babae na sa tantya ko ay nasa 45 na pero ang bata parin ng hitsura niya at ang ganda pa niya

"Art! Anak ko! Bakit ngayon ka lang ha? Kung hindi pa kita tatawagan para dumalaw dito hindi ka dadalaw" panenermon niya kay Art, Ibinaba niya si Ariana at niyakap niya ang Mommy niya

"I miss you Mom! Sorry medyo natagalan ako sa pagdalaw sa inyo kasi ang dami kong inaasikaso" sabi ni Art at naghiwalay na sila sa yakapan

"By the way, sino sila?" Nakangiting tanong ng ginang, lumapit sa akin si Art at inakbayan ako sa harap ng nanay niya "Mom this is Jacel my soon to be wife" proud na sabi niya kaya namula naman ako dahil nahihiya ako

"H-Hi po-" nahihiyang sabi ko pero hindi ko pa naitutuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin "Atlast! Nakahanap na rin ang anak ko ng babaeng kasing ganda ko" masayang sabi

Mukhang magkakasundi nga kami ng mommy niya..

Artemis
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang dalawang importanteng babae sa buhay ko, Biglang may humila naman sa T-shirt ko at ang anak ko pala iyon

Binuhat ko siya at lumapit kila Mommy "Mom.." tawag ko sa kanya kaya napalingon naman silang dalawa sa akin "This is Ariana my Daughter" proud na pagpapakilala ko sa anak ko

Ilang minuto siyang nakatulalang nakatingin sa anak ko ng makabawi din siya "Ahhh!!! May apo na ko?!! Ohmaygad! Apo kooo!" Tili niya at kinuha sa akin si Ariana at pinaghahalikan niya ito

"Ang ganda-ganda mo kamukha kita" sbai niya at hinawakan ang anak ko sa mukha, Hinawakan din siya ni Ariana sa mukha "Lola?" Ani ni Ariana "Ahh!! No! Please don't call me lola tawagin mo na lang akong mamila" sabi ng nanay ko

"Arthur come! Bilis may apo na tayo" masayang sabi ni mom, lumabas naman si Dad galing sa office niya "Hon, ano ba yang sinisigaw mo at halos mabulabog lahat ng tao dito sa bahay?" Tanong ni Dad na tila hindi pa kami napapansin

"Arthur look may apo na tayo!" Magalak na sabi ni Mom kay Dad habang buhat si Ariana "Apo? Kanino?" Takang tanong ni Dad at pinagmasdan mabuti si Ariana "Kay Artemis kanino pa ba? Duh?!" Maarteng sabi ng nanay ko

Kaya medyo natawa kami nila Jacel sa inasal ng nanay ko, Luminga naman si Dad at ng matanaw niya ako ay lumapit ako sakanya "Hi Dad!" Sabi ko at niyakap siya gumanti naman siya sa yakap ko

"Long time no see anak" sabi ni Dad "Sorry Dad medyo naging busy eh, And by the way this is Jacel my soon to be Wife at sila naman ang mga kapatid niya at si Ariana anak namin" sabi ko at lumapit kila mom

"L-Lolo na ko?" Di makapaniwalang sabi niya at lumapit sa anak ko "Apo ko" aniya at binuhat si Ariana "Lolo" tawag ng anak ko kay dad at nang tignan ko naman si Dad ay maluha-luha niyang tinitigan si Ariana "She looks like you Art, kamukhang kamukha mo siya nung bata ka pa" sabi niya

"Hays ito talagang honey ko nagdadrama na naman" sabi ni Mom kaya natawa kami "Come on! let's eat" yaya ni Mom kaya sumunod na kami sa dining table dahil kanina pa din ako nagugutom

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami sa kanya-kanyang kwarto, Hindi namin makakatabi ang anak namin dahil nagrequest si Mom na dun muna ito matulog sa kwarto nila ni Dad

Habang kami ni Jacel ay nasa kwarto ko at sila Kaitie, Ryan at Eliza ay nasa Guest room, Tapos na akong magshower at nililibang ko lang ang sarili ko sa cellphone dahil gusto ko sabay kaming matulog ni Jacel na kasalukuyang naghahalf-bath

Biglang bumukas ang pinto at lumabas dito si Jacel na nakabathrobe "Art? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya "Hinihintay kasi kita, gusto ko sabay tayong matulog" sabi ko at tumango-tango naman siya at umupo na sa harap ng salamin para magsuklay

Tumayo naman ako at kinuha sa kamay niya ang suklay para ako na ang magsuklay sakanya, Habang sinusuklay ko siya ay hindi ko maiwasang tumitig sa maganda niyang mukha

"Babe.." tawag ko sakanya "Hmm?" Siya "You're so Beautiful" sabi ko kaya napingiti siya at hinampas ako sa braso "Ikaw talaga kahit kelan napakabolera mo" sabi niya "I'm just stating the fact" sabi ko at hinawi ang kanyang buhok para ito ay igilid at lumitaw naman ang kanyang maputing batok

Tinaniman ko ng maliliit na halik ang kanyang batok hanggang sa tumaas ito papunta sa kanyang labi, Nang hindi ako makatiis ay binuhat ko siya at dinala sa kama namin "You know what, I will make love to you right here right now" sabi ko habang nakapaibabaw sakanya

Ngumiti naman siya at kumapit ang kanyang mga kamay sa aking batok "Then do it, After all my whole is only yours" flirty na sabi niya "Yeah that's right your mine, From your body to your soul it's all mine" sabi ko at sinimulan na ang ritwal naming dalawa,

Then we made love all night long...

—-Author—-
Tagal ba ng update? Sorna😊

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now