Chapter 12

10K 293 7
                                    

6 Months Later...

Jacel
It's been 6 months at hanggang ngayon ay nangliligaw parin sa akin si Artemis, Syempre dalagang pilipina ako kaya pakipot muna ang peg natin

Sa 6 months na panliligaw niya sa akin ay kahit papaano ay napatunayan niya sa akin na seryoso siya sa akin at marami din akong nalaman tungkol sa kanya at ganun din siya sa akin

Minsan dinadala niya ako sa parke o sa romantic na lugar na alam niya at minsan naman ay kasama namin ang mga kapatid ko sa date namin

Pero take note sa 6 months na yan hindi pa kami nag-aano ha.. yung alam niyo na
Kasi sabi niya nirerespeto niya ako tyaka gagawin lang daw namin yun pag ready na ako

Oh diba parang hindi siya ang nakakuha ng virginity ko noh, Pero kahit na ganun sweet naman siya kasi alam niya ang limitasyon naming dalawa hanggang kiss at hug lang kami

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin hinihintay siya dahil ng manligaw siya sa akin lagi niya na lang ako hinahatid sundo Sabi ko naman na sanay naman akong magcommute pero pilit niyang iniinsist na siya ang maghahatid sundo sa akin tyaka para daw sa seguridad ko

Napangiti ako ng matanaw ko na ang sasakyan niya sa di kalayuan, Huminto ito sa harap ko at lumabas siya mula sa driver's seat upang pagbuksan ako ng pinto, Nginitian ko lang siya bilang pasasalamat at sumakay na

"Flowers para sa pinakamagandang babaeng nakilala ko" sabi niya sabay abot ng red roses "Di kaya mapuno na ang bahay namin ng bulaklak niyan?" Pabirong sabi ko kaya naman natawa siya

Nagdrive na siya papunta sa building, Habang papasok kami ay nagatataka ako kung bakit nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob at Nang makapasok kami ay biglang nawala si Art "Art?" Natatakot na tawag ko "Art nasan ka magpakita ka na please!" Nakuluhang sabi ko dala na rin ng takot

"Shh I'm here wag kang matakot andito lang ako sa tabi mo" Sabi niya sakin kaya napakalma naman ako

Biglang bumukas ang ilaw at lahat ng empleyado ay nakangiting nanonood sa gilid namin at ng yumuko ako ay nakita ko si Art na nakaluhod sa aking harapan

"Art? Ano ba yang ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan" Utos ko sa kanya, Umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko

"Jacel hindi man maganda ang una nating pagkikita pero sasabihin ko sayo na iyon ang pinakamasayang araw ko dahil nakilala kita, After that day dito ka nagaapply ng trabaho kaya naman sobrang tuwa ko dahil don, but then dumating ang araw na naconfused ako sa nararamdaman ko sayo kaya ako uminom sa bar non at sobrang tuwa ko ng ikaw ang sumundo sa akin nung gabing yun pagkatapos nun ay pinagtapat ko ang nararamdaman ko sayo tinanong kita kung may chance pa ako at sinabi mong Oo, At ngayon iba naman ang tatanungin ko sayo at sana ay Oo din ang magiging sagot mo" mahabang sabi niya

May dinukot siya mula sa bulsa ng kanyang pantalon at isa yong maliit na velvet box at saka binuksan sabay tanong

"Will you be my girlfriend?" Dahil sa tanong niyang iyon ay lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata, pero alam ko na ang isasagot ko

Tumango-tango ako sa kanya sabay sabing "Yes!" Kaya naman lumapad ang ngiti niya at mabilis akong niyakap "Yes! Sa wakas girlfriend na din kita!" Malakas na sabi niya at kinuha niya ang kamay ko para ilagay ang sing-sing sa aking daliri

At nagpalapakan naman lahat ng tao sa gilid namin na tila ba masaya sa aming dalawa

"Pinapangako kong mamahalin kita sa abot ng aking makakaya, pero di ko ipinapangakong hindi kita mapapaiyak bagkus iiyak ka sa sobrang saya dahil magkasama tayong dalawa, I Love You so much Jacel" sabi niya habang hawak ang aking mukha

"Mahal na Mahal din kita Art" tugon ko sakanya at kusang nagdikit ang aming mga labi na tila ba ninanamnam namin ang bawat oras na mayroon kaming dalawa.

——Author——-
Charraan sabi ko senyo may kasunod pa yan eh.. Thank you for reading!!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now