Chapter 16

10.1K 253 16
                                    

Jacel
It's been 1 month ng sagutin ko si Artemis and so far so good naging maganda naman ang relasyon naming dalawa, Di din naman naiiwasan ang mga tampuhan pero at the end of the day hindi kami natutulog ng hindi kami okay

Sa condo niya na kami pinatira dahil ayaw niyang gumastos pa kami sa bahay na nirerentahan namin tyaka mas safe daw kami sa condo niya

"Babe nasaan ang susi ko? Baka malate na naman kami niyan" sabi ni Art, Hay naku napakaburara niya talaga

"Tignan mo diyan sa table natin sa kwarto, Ikaw talaga Oo napaka burara mo talaga" panenermon ko "Okay Got it! Guys let's go" tawag niya kila Kaitie at Ryan

"Bye babe" sabi niya sabay halik sa labi ko "Bye! ingat kayo" sabi ko at tumango lang sila at umalis na

1 week na rin simula ng hindi ako magtrabaho dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo at lagi akong nasusuka kaya pinahinto muna ako ni Art sa pagtatrabaho kaya ito taong bahay lang tayo ngayon, Napaka boring kaya dito ako lang mag-isa

Naglinis-linis muna ako hugas ng pinggan, lampaso at naligo then nanood ng movie sa TV pamaya-maya pa ay nakaramdam na ako ng pagkahilo kaya mabilis akong humawak sa aking bibig sabay takbo sa banyo

Halos isuka ko na lahat ng laman ng tiyan ko, di ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, Nanghihinang napahawak na lang ako sa doorknob ng pintuan dahil feeling ko anytime ay babagsak ako

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa couch para maupo dahil hilong-hilo na talaga ako, Ilang sandali akong naupo at tinuloy ang panonood ng movie

Ilang sandali pa ay napaisip ako ilan sa mga sintomas na buntis ang isang tao ay ang pagkahilo at pagsusuka kaya kinutuban na ako dahil medyo matagal na rin nung may nangyari sa amin ni Art at higit sa lahat ay fertile ako ng araw na yun kaya posible ngang buntis ako

Nang matanggal na ang hilo ko ay nagbihis ako ng pang-alis dahil gusto kong malaman kung buntis nga ba ako o hindi, bumili ako ng pregnancy kit sa isang drug store at bumalik na ulit sa condo para subukan ito

Umihi muna ako at naglagay ng ilang drop sa maliit na butas sa pregnancy kit at naghintay ng ilang minuto, habang naghihintay ako ay iniwan ko muna ito sa isang table at umupo na sa couch

Iniisip ko na kung buntis nga ako magiging masaya kaya si Art? Tyaka hindi pa kami kasal, Maraming mga katanungan ang namuntawi sa aking isipan

Pagkatapos ng 5 minuto ay tumayo ako para kunin ang pregnancy kit at ng tignan ko yun ay may dalawang guhit na lumitaw mula rito, Napaluha ako ng wala sa oras at para akong tangang nakangiti habang hawak ito, Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon magiging mommy na ko.

——-Author——-
Sorry po ang natagalan ang Update..
Pero babawi po ako promise😊

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon