Chapter 23

9.6K 258 25
                                    

Jacel
"Umalis ka dito! Sinungaling ka akala ko hindi mo sasaktan ang ate ko...Perong anong ginawa mo?" Napabalikwas ako sa kama ng makarinig ako ng sigaw

Nang tignan ko ang anak ko ay laking pasalamat ko dahil hindi siya nagising sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay namin

Mabilis akong tumayo para puntahan ang pinanggalingan ng ingay na yon dahil baka kung ano na ang nangyayari, Nang makalabas ako ng bahay ay laking gulat ko na si Ryan ang sumisigaw at nasa harap niya si Art na may dala pang bulaklak at mga paper bag

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa kaya nabaling ang tingin nilang dalawa sa akin "Wala ate, pumasok ka na sa loob ako na bahala dito" sabi niya at pilit akong pinapapasok sa loob

Nang tignan ko naman si Art ay parang nagmamakaawa ang tingin kaya naman napabuntong hininga ako "Ryan pumasok ka na ako na ang bahala dito" mahinahon kong sabi sa kapatid ko

"Pero Ate!" Pagrereklamo niya "Sige na ako nang bahala dito.. pumasok ka na sa loob" sabi ko sa kanya kaya wala naman siyang nagawa kundi pumasok na

Ilang minuto kaming nagtitigan bago siya magsalita "Flowers for you" nahihiyang sabi niya sabay abot ng bulaklak sa akin "Salamat" sabi ko at ngumiti ng tipid "Pwede ba tayong mag-usap?" Mahinang sabi niya

"Okay... Pasok ka" pagyayaya ko at pumasok na kaming dalawa sa loob "Maupo ka" naupo naman siya at inilapag ang mga paper bags na dala niya "Para nga pala sana sa anak natin" sabi niya

Nang tignan ko ito ay puro laruan ang laman ng mga paper bag na dala niya "Salamat, Matutuwa si Ariana dito" nakangiting sabi ko "A-Ariana ang pangalan niya?" Medyo utal na sabi niya

"Oo, Ariana Jane Rivera" dahil sa sinabi ko ay bigla naman siya napatahimik sandali "Gising na ba siya?" Pag-iiba niya sa usapan "Hindi pa, siguro mamaya-maya pa siya magigising dahil maaga pa" sabi ko

Biglang may narinig kaming iyak mula sa kwarto ko "Mama!" Kaya mabilis kaming tumungo doon, Nadatnan namin si Ariana na umiiyak habang nakayakap sa unan

"Bakit umiiyak ang baby ko?" Tanong ko rito, niyakap naman niya ako na tila ako ay mawawala "Napanaginipan ko umalis daw si Dada iniwan na daw niya tayo" umiiyak na sabi niya

"Shh.. hindi tayo iiwan ng Dada mo" sabi ko at napatingin kay Artemis "Wag nang umiyak ang baby ko ha? May surprise si Mama sayo" sabi ko habang hinahagod ang likod niya at pinupunasan ang mga luha niya

"Ano po yun?" Tanong niya sakin "Andito na si Dada mo, umuwi na siya" masayang balita ko sa kanya "talaga po asan na po siya?" Biglang sumigla ang mood niya ng banggitin ko ang Dada niya

Tumingin naman ako kay Art at sinenyasan na lumapit sa amin "Siya, Siya si Dada mo" nakangiting sabi ko at bigla naman siyang lumapit sa Dada niya at nagpakarga "Dada!" Mabilis naman siyang binuhat ni Artemis

Wala ng mas sasaya pa sa kanilang dalawa ngayon dahil nakilala na ng anak ko ang tatay niya "Yes, I'm your Dada" mangiyak-ngiyak na sabi ni Artemis sa anak ko habang yakap niya ito

Nang maghiwalay sila ay tinitigan mabuti ng anak ko ang Dada niya "Kamukha po kita" sabi niya sabay hawak sa mukha ng Dada niya kaya naman natawa si Artemis "Syempre anak kita" sabi ni Art

"May pasalubong sayo si Dada" sabi ni Art habang buhat ang anak namin papunta sa salas, Ibinaba ni Art si Ariana at kinuha ang mga paper bag at ibinigay rito

"Akin po ito lahat?" Manghang tanong ni Ariana at tumango naman si Art, Binuksan ni Ariana ang bawat paper bag "Wow! Mama tignan mo ang daming laruan" sabi niya kaya nginitian ko lang siya

Nang mahagip ang tingin ko kay Art ay nagulat ako dahil nakatingin rin pala siya sa akin kaya ako na ang nag-iwas ng tingin "Magluluto muna ako, Art ikaw na muna ang bahala kay Ariana dito ka na rin kumain" sabi ko at tumango naman siya at nakipaglaro na sa anak namin

Habang nagluluto ako ay may biglang yumakap sa bewang ko kaya naman napakislot ako "I miss you" mahinang bulong niya "Art ano ba..bakit mo iniwan si Ariana dun sa salas baka lumabas yun" sabi ko sakanya

"Don't worry kasama niya si Kaitie" sabi niya "I'm sorry... I'm sorry sa mga naging kasalanan ko sa inyo, kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan ay hindi ko gagawin ang mga bagay na nagawa ko noon" sincere na sabi niya kaya pinatay ko muna ang kalan at humarap sa kanya

"Art, may pagkakamali din naman ako eh inilayo ko ang anak natin sa iyo kaya parehas lang naman tayong may mali kaya kalimutan na natin ang nakaraan ang mahalaga ay yung ngayon kaya matagal na kitang mapatawad at sana naman ay mapatawad mo din ako" paliwanag ko sakanya

"Shh... matagal na din kitang pinatawad dahil alam kong may rason kung bakit ka umalis, Gusto kong bumawi sa inyo ng anak ko kaya sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa inyo" sabi niya

"Binibigyan kita ng chance pero hindi ito para sa sarili ko kundi para sa anak ko dahil gusto kong maranasan niya na magkaroon ng pamilya" sabi ko sakanya at bigla naman niya akong niyakap "salamat, pangako hindi ko kayo bibiguin" sabi niya habang yakap niya ako

Kaya gumanti naman ako sa yakap niya "We all deserve a second chance" sabi ko at humiwalay na sa yakapan namin "I love you mahal na mahal ko kayo ng anak natin" sabi niya at sa hindi ko inaasahan ay ang mabilis niya paghalik sa aking mga labi

Bago pa ako makareact ay mabilis siyang umalis sa harapan ko "Art!" Naiinis na sabi ko, Pero sa loob-loob ko ay may kung anong kiliti ang namumuo rito na tila ba ako'y kinikilig sa ginawa niyang paghalik sa akin.

——Author——
Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa aking kwento!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now