Chapter 22

9.4K 256 0
                                    

Jacel
"Oh john! Napadalaw ka?" Takang tanong ko sa kanya dahil medyo madilim na sa labas, Siya nga pala ang bunsong kapatid ni Brent at isa sa mga masugid na manliligaw ko

"Ha? Ah wala napadaan lang, siya nga pala Flowers for you" sabi niya sabay abot sa akin ng mga bulaklak na dala niya

"John diba sabi ko sayo wala na akong balak na magkaroon pa nang panibagong relasyon focus muna ako sa anak ko tyaka masyado ka pang bata para sa akin" mahabang paliwanag ko sakanya dahil 21 palang siya habang ako ay 26 na

Hinawakan niya ang kamay ko "Sabi ko naman sayo Jacel age doesn't matter at hayaan mong patunayan ko sayo na seryoso ako sa panliligaw ko sayo" sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako

"Bahala ka John pero binabalaan na kita sa una pa lang na itigil mo na ang panliligaw mo sa akin wala akong oras sa relasyon-relasyon na yan" sabi ko sakanya na nagpangiti sa kanya, Para talagang abnoy tong lalaking toh eh

"Okay lang sakin yun atleast nagkaroon pa rin ako ng chance na ligawan ka, Oh siya sige aalis na ako at baka hinahanap na ko ni kuya bye!" Paalam niya, pagkaalis niya ay isinarado ko na ang pintuan at bumalik na sa pagluluto

Tok Tok Tok

Hays di na ko natapos magluto eh noh "Oh John akala ko ba umuwi ka n-" di pa natatapos ako sasabihin ko ng buksan ko ang pinto ay nagulat ako dahil si Artemis ang kumatok, Teka anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito? Tyaka paano mo nalaman kung saan kami nakatira?" Kunot noong tanong ko sa kanya

"I have my ways, At nandito ako dahil gusto kitang makausap" Flat na sabi niya, "Wag mo na kaming guluhin maayos na ang buhay namin" sabi ko sa kanya

"Hindi ako nandito para manggulo, gusto ko lang makita ang anak ko" sabi niya sakin, "Anak? The last time I check ay ayaw mong tanggapin ang sarili mong laman at dugo sa akin tapos ngayon gusto mong makita ang anak mo?" Medyo may pagkasarcastic na sabi ko

"Babe-" nagmamakaawang sabi niya akmang hahawakan niya ako sa kamay ng iiwas ko ito sakanya "Wag mo kong matawag-tawag na babe, Umalis ka na" nagtitimping sabi ko kaya napabuntong hininga naman siya

*sigh* "Alright, aalis ako ngayon pero babalik din ako para bawiin kayo ng anak ko" huling sinabi niya at tuluyan ng umalis, Hays ang sakit talaga sa bangs ng taong yun..

Isinarado ko na ang pinto at itinuloy ang pagluluto ng hapunan namin, Nang may magsalita sa likuran ko "Ate? Sino yung taong kumakatok kanina?" Tanong ni Ryan "Ah yun ba? Wala si John lang yun" pagsisinungaling ko "Okay.." Sabi niya buti na lang at di na siya nagtanong pa

Hinanda ko na ang hapag at tinawag na sila Kaitie, Ryan at si Eliza pero yung anak ko tulog pa rin hanggang ngayon kaya minabuti ko nang gisingin ito

"Anak? Gising na luto na ang hapunan natin, nagluto ako ng paborito mong patatas na may itlog" nakangiting sabi ko habang inaayos ang buhok niyang gulo-gulo

Nag inat-inat pa siya sabay kusot sa mata niya "Mama? Napanaginipan ko dumating na daw si Dada tapos pumunta kami sa lugar ma may maraming rides kaso Mama hindi ko makita ang mukha niya eh.. Mama kelan ba dadating si Dada namimiss ko na siya tyaka gusto ko na po siyang makita.." sabi ng anak ko sabay yakap sa akin, Hinagod ko naman ang kanyang likod at hinalikan ang kanyang ulo

"Shh.. Uuwi na si Dada malapit na okay? Kaya wag ng sad ang baby ko tara na kumain na tayo" sabi ko habang nakangiti, Binuhat ko siya papunta sa hapag at sinubuan siya

Siguro panahon na para makilala ng anak ko ang tatay niya.. Dahil kahit na may kasalan ang Tatay niya sakin ay wala namang kinalaman ang anak ko sa nangyari sa aming dalawa.

——Author——
Sorry sa pa delay-delay na Update!
#EpektoNgMathExam

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon