Chapter 34

7K 219 15
                                    

Jacel
Nakapag empake nako ng mga gamit na dadalhin ko at nandito na ako ngayon sa labas ng bahay namin kasama ang mga anak kong iyak ng iyak na akala mo ay mangingibang-bansa ako

"Mama! Wag ka na kaseng umalis.." umiiyak na sambit ng anak kong lalake "Oo nga Mama..." segund naman ng kakambal niya "Mama wag kang masyadong matagal don ha? Tyaka mag-iingat ka don" pagpapa-alala sa akin ng aking panganay kaya tumango-tango naman ako

"Wag kayong mag-alala saglit lang naman si Mama doon eh.. tyaka pagdating ko mayroon akong pasalubong sa inyo na mga laruan ayaw niyo ba non?" Paliwanag ko sakanila "Gusto" sabay na sabi ng kambal

Humarap naman ako sa aking panganay "Baby ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo pag-alis ko ha?" Bilin ko sakanya kaya tumango naman siya, responsableng anak si Ariana minsan siya ang tumutulong sa akin sa pag-aalaga ng mga kapatid niya

"Oh siya, mga apo andyan na ang sundo ng mama niyo maggoodbye kiss na kayo sa Mama niyo" sabi ni Mama kaya nag-uunahang pumunta sa direksyon ko ang mga anak ko at pinudpod ako ng halik sa aking mukha

Pumasok na ako sa sasakyan at pinagmasdan sila na kumakaway sa akin, Malayo-layo din ang kailangan naming ibyahe kaya umidlip na muna ako

Fast Forward....

Nandito na ako ngayon sa hotel na binook sa akin ni Mama "Wow" Hindi na talaga ako magtataka sa mahal ng presyo ng silid na ito, Nagpahinga na muna ako dahil napagod ako sa byahe

Zzzz

Kasalukuyan na akong nasa labas ngayon sa parke to be exact dahil gusto makapagmeditate, Nang may makita akong pamilyar na mukha

Hindi baka namanalikmata lang ako.. kaya ipinagpatuloy ko na ang pagmumuni-muni, Nang makarinig ako ng sigaw ng isang bata "Andyan na si Ate!" Malakas na sigaw ng mga bata at pinagkaguluhan ang isang babae na pamilyar

Dahil sa kuryosidad ay lumapit ako sa nagkukumpulang mga bata para makita yung sinasabi nilang Ate, Pagsilip ko ay nanlaki bigla ang mata ko sa aking nakita

Buhay siya.. Buhay si Art...
Gusto kong umiyak sa tuwa dahil nakita ko na siya, Pagkatapos ng ilang taon nakita ko na siya

Nang hindi ako makatiis ay mabilis akong pumunta sa kinaroroonan niya at mahigpit na niyakap siya "Art, Buhay ka.." mahinang sabi ko

Ngunit mabilis niya ring tinanggal ang pagkakayakap ko sakanya at nakakunot ang noong tumingin naman siya sa akin, Kaya naman nagtaka ako sa inasal niya

"Ah, miss baka po nagkakamali lang kayo.. hindi po Art ang pangalan ko" Casual na sabi niya kaya naman nagtaka ako, Bakit hindi niya ako nakikilala?

"H-Hindi mo ba matandaan kung sino ako?" Nauutal na sabi ko at umiling naman siya "Ako toh si Jacel... Ang fiance mo" paliwanag ko naman sakanya "Ha? Sorry miss baka nagkakamali lang kayo dahil ang pagkakaalam ko ay wala akong fiance at hindi kita kilala tyaka ang pangalan ko po ay serenity"

Dahil sa sinabi niyang iyon ay tuluyan nang tumulo ang aking mga luha pero agad ko rin itong pinahidan "Ah ganun ba? Sorry nagkamali lang siguro ako" sabi ko at umalis na sa harapan niya

Bakit ganun? Hindi niya ako maalala? Hindi kaya may amnesia siya? Yan ang mga tanong na nasa aking isipan

Kung hindi niya ako maalala hindi parin ako susuko.. Ipapaalala ko sakanya kung sino ako sa buhay niya kahit anong mangyari, Determinadong bulong ko sa aking sarili

Pinanood ko lang siya habang nakikipaglaro sa mga bata hanggang sa maghapon na at nagsiuwian na ang mga bata, Sinundan ko siya habang naglalakad siya pauwi sa kung saang bahay man siya tumutuloy ngayon dahil gustong-gusto ko talaga siya makausap

Huminto siya at lumingon sa gawi ko kaya agad-agad akong nagtago sa isang poste para hindi niya ako makita, Sumilip ako ng konti ngunit sa hindi inaasahan ay nadulas ako kaya napapikit na lang ako at hinintay na bumagsak ang aking katawan sa lupa ngunit hindi ito nangyari at may mga brasong umalalay sa aking ulo at bewang

Pagdilat ko ay ang mukha ni Art ang aking nadatnan kaya dali-dali akong tumayo "S-Salamat" nahihiyang pasalamat ko sakanya ngunit naka smirk at cross arms lang ito sa aking harapan

"Sinusundan mo ba ako?" Parang detective na tanong niya sakin "H-Ha? Hindi ah" todong deny ko "Eh bakit ka nagtatago diyan sa poste?" Tanong niya uli "H-Ha Ah.. gusto lang sana kitang makausap.." mahinang sagot ko

"Ok.. tara pasok ka sa bahay namin para makapag kape ka na rin dahil malamig ang panahon ngayon" mahinahong sambit niya at ginaya ako papasok sa isang bahay na maliit

"Maupo ka muna.. ipagtitimpla kita ng kape mo" sabi niya kaya tumango naman ako at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay na tinutuloyan niya, Maliit lang ito at may nahagip akong litrato ng dalawang matandang mag-asawa

"Sila ang mga tumayong mga magulang ko noong wala akong matuluyan, Wala kasi silang anak kaya kinupkop nila ako.." malungkot na sabi niya "Asan na sila ngayon?" Tanong ko "Patay na sila.. 2 years ago pa"

"So.. ano nga pala ang pag-uusapan natin?" Pagdadivert niya sa topic "Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" Tanong ko at umiling naman siya

"Sino ang mga magulang mo?" Tanong ko ulit bigla naman siyang napatahimik "H-Hindi ko alam..." mahinang sabi niya "Paano ka napunta rito?" Ako

"Nagising na lang ako na nandito na ako sa bahay ng mga kumupkop sa akin" paliwanag niya kaya lumapit naman ako sakanya "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo toh pero dadahan-dahinin ko para hindi ka mabigla" sabi ko at sabay kuha ng telepono ko sa bulsa

Binuksan ko ito at pinakita sakanya ang litrato namin dati na wallpaper ko "Siya si Art ang fiance ko" paliwanag ko sakanya at nanlaki naman ang mata niya sa kanyang nakita

"A-Ako ba yan?" Nauutal na tanong niya kaya tumango naman ako at ipinakita ko naman ang litrato ng mga anak namin "Ito si Ariana ang panganay natin at itong dalawa naman ang kambal natin na sina Andrew at Anastasia" paliwanag ko

"May mga anak tayo.." mahinang sabi niya at tumango naman ako "Artemis Jade Montenegro ang pangalan mo at sila ang mga magulang mo" sabi ko sabay pakita sakanya ang litrato ng mga magulang niya

"Ughhhh" napatingin naman ako sakanya at nakahawak siya ngayon sa ulo niya kaya mabilis akong umalalay sakanya "Art.. Art.. okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko

"Ok-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang mawalan siya ng malay, Agad ko naman siyang inalalayan papunta sa couch at tumawag ng tulong

Sana lang talaga at walang mangyari sakanyang masama, bulong ko sa aking isipan.

—-Author—-
Update! Sorry medyo late..
Enjoy reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now