Special Chapter part 2

10.8K 272 64
                                    

7 months later.....

Artemis
Habang nagdadaan ang araw ay mas lalong nagiging moody si Jacel at the same time clingy, yung tipong aalis lang ako saglit para pumunta sa opisina ay pinipigilan niya ko, ang dahilan niya ay ayaw niya daw akong hindi nakikita sa tabi niya

Kinausap ko naman ang mommy ko tungkol dun at sabi niya ay normal lang naman daw ang ganoon kaya isinawalang bahala ko na lang, simula kasi ng mag 6 months ang tiyan niya ay hindi na ko pumapasok pa sa opisina dahil gusto ko siyang alagaan habang buntis siya, which is hindi ko nagawa sa tatlong anak namin dahil sa problema at trahedyang nangyari sa amin

Actually dahil sa pagiging moody niya ay halos gabi-gabi niya akong pinagdududahan na may kabit ako which is wala naman...

Flashback....

Kasalukuyan akong nasa garden at kausap ko sa telepono ang sekretarya ko na si Bella dahil dito na lang ako sa bahay nagtatrabaho at kailangan ko lagi ng update sa opisina, habang kausap ko ang sekretarya ko ay feeling ko may nakatingin sa akin kaya nagpalinga-linga ako at halos matumba ako sa pagkagulat dahil ang asawa ko lang naman ay nasa likuran ko habang nakacross-arms pa at matalim na nakatitig sa akin

Dali-dali akong nagpaalam kay Bella at pinatay na ang tawag, pagakatapos ay lumapit ako sa misis ko na ngayon ay nakaupo na sa isang bench dito sa garden

"B-Babe" tawag ko rito at akmang hahawakan ang kamay niya ng tabigin niya ito "Sinong kausap mo?" Mabangis na tanong nito na tila isang tigre na gusto akong lapain "S-Si Bella, yung secretary ko babe..." medyo utal na sagot ko dahil sa tono ng pagkakatanong niya mukhang away na naman ang hahantungan nito

"Yung secretary mo o yung kabit mo?" Tanong ulit nito kaya medyo uminit ang ulo ko dahil wala naman talaga akong kabit "Napag-usapan na natin ito diba? Babe, wala nga akong kabet at alam kong alam mo iyon!" naiinis na sabi ko rito

Nang tumingin ako sa mga mata niya ay biglang lumambot ang puso ko dahil medyo nanunubig na ang mga ito "H-Huwag m-mo akong sigawan dahil hindi ako bingi!" Medyo nagcrack ang boses niya sa pagkakasabi nito kaya hindi ko na nakayanan, lumapit ako sakanya at niyakap siya

"Babe, I'm sorry.. hindi ko sinasadyang sigawan ka.. It's just that hindi ko macontrol ang galit ko dahil alam ko sa sarili kong hindi kita kayang ipagpalit, kayo ng mga anak natin.." mahinahong wika ko rito at hinalikan ang kanyang ulo

Ngunit tinabig niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at tumayo "Nahihirapan na akong pagkatiwalaan ka dahil sa nangyari satin dati Artemis, Natatakot ako na baka maulit-ulit iyon pero sa mga sinasabi mo sakin ngayon ay medyo napakalma ako ngunit ang hindi ko lang matanggap ay sinigawan mo ako gayong hindi naman ako bingi at kung gusto mong magpaliwanag ipaliwanag mong mabuti hindi yung sinisigawan mo ako" galit na sabi nito bago umalis at tumungo na sa loob ng bahay

Ilang minuto akong tulala nang maisipan ko siyang sundan at sinabi sa akin ng mga katulong na nasa kwarto na namin siya, kaya tumungo ako doon at kinatok siya dahil nakalock ang pinto "Babe, let's talk.. I-I'm sorry, please... talk to me.. pag-usapan natin toh" sabi ko dito sabay katok sa pintuan ng kwarto namin

"N-No, h-hayaan m-mo muna ako ngayon.. ayaw kitang makita please.. go away" humihikbing sabi nito kaya napabuntong hininga ako dahil ang ayoko sa lahat ay ang makita siyang umiiyak "Okay fine, Papabayaan muna kita ngayon but promise me that we'll talk about this okay?" Wika ko bago ako tumungo sa guestroom at doon ay nagpalamig muna ng ulo

End of flashback...

After that day of our argument halos 2 days niya na niya akong hindi kinakausap at naiinis akong isipin na hindi niya ako pinapansin sa loob ng 2 araw na iyon

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon