Chapter 13

11.2K 278 15
                                    

Artemis
Nakangiting nagdadrive ako ngayon habang iniisip ang nangyari kanina lang umaga dahil worth it lahat ng pinaghirapan ko dahil sinagot na ako ni Jacel

"Babe" Nabalik ako sa riyalidad ng tawagin ako ni Jacel And yes Babe po ang tawagan namin, Wag niyo pong sabihin na ang corny namin dahil magiging corny ka rin pagnagmahal ka na

Lumingon ako sa kanya na nagtataka "Po?" Sabay hawak ng kamay niya "Para kang ewan diyan kung maka ngiti" kaya napailing na lang ako sabay halik sa kamay niyang hawak ko

"Siguro may babae kang iniisip noh?" Tanong niya habang nakacrossed arm pa kaya napangiti naman ako dahil sa pagkaselosa niya

"Pano mo nalaman?" Ngising tanong ko dahil may naiisip akong plano "Aba wala pa ngang 24 hours ng sagutin kita tapos may iba ka na" Naiinis na sabi niya sabay palo sa balikat ko at ako naman ay nagpipigil ng tawa

"Gusto mo malaman ang pangalan niya?" Still nakangisi parin sa kanya "Oo ng makalbo ko" matapang na sabi niya ayan ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ang pagkamatapang niya yung tipong kaya niyang ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa

"Ang pagkakaalam ko eh Jacel Ann Rivera yung pangalan niya" sabi ko with matching kamot sa baba na para bang nagiisip "Ihhhh nakakainis ka talaga akala ko tuloy may babae ka" at hinampas na naman po niya ang aking braso

Sadista naman ng babae na toh pasalamat siya mahal ko siya "Haha kase naman selos ka agad eh sabi ko naman sayo ikaw lang ang mahal ko" sabi ko sa kanya at mabilis na hinalikan siya sa labi

Hindi na siya sumagot bagkus nag-iwas lang siya ng tingin kahit na alam kong kinikilig lang siya

Nakarating na kami sa bahay nila para sunduin ang mga kapatid niya dahil naisipan ko magdinner kami para icelebrate ang pagsagot sa akin ni Jacel

"Ate Art ready na po kami tara na!" Bibong yaya sakin ni Kaitie at pinagbuksan ko naman sila ng pinto para makasakay na

Restaurant....

Kakarating lang namin dito sa Restaurant pero itong si Kaitie ay di papatalo ang hyper talaga ng batang toh eh ng mahinto siya sa pagtakbo ay mabilis ko siyang ipinasan sa aking balikat

Habang hawak ko ang kamay ng girlfriend ko at hawak naman niya ang kamay ni Ryan Oh diba parang pamilya lang ang peg

Pumasok na kami at tumuloy na sa front desk "A table for four please" ako Titig na titig naman sa akin ang babae sorry miss pagmamay-ari na ako ni Jacel "This way po" itinuro niya sa amin ang table kaya umupo na kami

Katabi ko ngayon si Jacel habang magkatabi naman si Ryan at Kaitie, Binigyan na kami ng menu at umorder na kami

Hinihintay na lang namin ang aming mga pagkain ng may mahagip ang aking mga mata Oh no bakit siya nandito?

Pinulit kong itago ang sarili ko kahit na nawiwierdohan na si Jacel sa mga kinikilos ko, Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya para di na siya mag-alala

Nang lingunin ko ulit ang direksyon na yun ay nakita kong papalapit siya dito sa table namin Oh no I'm Doomed!

"Art is that you?" Tawag niya sakin, Lumingon naman ako sa ibang direksyon para di niya ako makilala kaso sadyang makulit ang babae na toh kaya ipinaharap niya ako sa kanya

"Art ikaw nga Ang tagal na kitang hinahanap bakit ngayon ka lang nagpakita?" Nakangiting sabi niya sabay yakap sakin, Pilit ko namang inilalayo ang katawan ko sa kanya

"Sofia tekalang" sabi ko sabay layo ng katawan niya na parang nakaglue na sa katawan ko dahil nararamdaman ko ang papaya niya

"Baby bakit ngayon ka lang nagpakita?" Malambing na sabi niya, Habang sila Jacel naman ay tulalang nanonood lang sa amin

"Sofia sa labas na lang tayo mag-usap sa labas" sabi ko sabay hitak sa kanya palabas sa restaurant

Nandito kami ngayon sa parking area ng restaurant "Baby I miss you" Sabi niya sakin sabay yakap na naman sakin, Yung totoo pinaglihi ba tong babae na toh sa tuko?

"Sofia, diba sabi ko sayo break na tayo" pinal na sabi ko dahil napakakulit niya, Hindi naman ako may kasalanan kung bakit kami nagbreak pero pilit pa rin niya akong ginugulo

"Baby please give me a chance, just one last chance aaminin ko nagkamali ako Baby please naman kahit isang chance na lang I promise that I will be faithful to you this time" pagmamakaawa niya pero bakit parang sarado na ang aking tenga para sa mga sasabihin niya

"I'm sorry Sofia but we are over at hindi ko na kasalanan kung hindi ka naging faithful sa akin nasasayo naman kasi yun kung lolokohin mo ko o hindi" paliwanag ko sa kanya, Ngunit nagulat ako ng higitin niya ang collar ko at mariing hinalikan ang aking mga labi

Ilang minuto akong napatulala dahil inaabsorb ko pa ang nangyayari, Nang mapatingin ako sa Entrance ng restaurant ay nakita ko si Jacel na luhaan

Kaya mabilis kong itinulak si Sofia dahilan para mapahiwalay siya sa akin "Sana ito na ang huli nating pagkikita at wag na wag ka nang magpapakita sa akin dahil kung hindi baka kung ano lang ang magawa ko sa iyo" malamig pa sa yelong sambit ko sa kanya

At inayos ko muna ang aking sarili bago muling pumasok sa loob ng restaurant dahil nagkalat ang lipstick ni Sofia sa labi ko at gulo-gulo din ang damit ko

Nang umupo ako ay nagtanong sa akin si Kaitie "Ate Art san po kayo galing tyaka sino po ang babaeng kasama niyo kanina?" Takang tanong niya

"Ah kaibigan ko lang, Oh andyan na pala ang pagkain eh" pag-iiba ko sa usapan, Buti na lang at sakto ang dating ng pagkain namin

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na rin kami dahil nararamdaman kong wala na sa mood itong katabi ko

"Babe? Okay ka lang ba? Ang tahimik mo" untag ko, Tumango tango naman siya at ngumiti ng tipid Kaya di na ako nagsalita Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila

Binuhat ko si Ryan habang siya naman ay buhat si Kaitie inihiga na namin silang dalawa sa kama at lumipat na kami sa kabilang kwarto

Desidido na kong matulog dito ngayong gabi, dahil minsan ay tuwing weekends lang ako natutulog dito

Pumasok na siya ng banyo upang mag half bath, Habang ako naman ay nagpalit na lang ng damit Hinintay ko siyang matapos dahil gusto ko siyang makausap

Nakabihis na lumabas na siya sa banyo at nagsuklay na ng kanyang buhok habang nakatayo, Kaya ang ginawa ko nag back hug ako sakanya at isinubsob ko ang aking mukha sa makinis niyang leeg

"Talk to me please ayokong ganito tayo" pagmamakaawa ko sa kanya, Humarap naman siya sa akin still nakapulupot ang aking mga braso sa kanyang beywang

"Bakit feeling ko panakip butas lang ako? Akala ko ba di mo na siya mahal pero bakit nakita kitang kahalikan siya kanina sa labas ng reataurant?" Naluluhang tanong niya sakin

"Shh.. Hindi ka panakip butas yan ang lagi mong tatandaan at para malinawan ka, siya ang humalik sa akin pero nang makita kitang luhaan ay agad ko siyang itinulak dahil ikaw lang ang mahal ko ok?" Paliwanag ko sa kanya habang pinupunasan ang kanyang mga luha

"Promise me na ako lang ang mamahalin mo" Sabi niya sa akin kaya napangiti naman ako dahil katulad ko takot din pala siyang mawala ako

"Kahit di ako magpromise mamahalin at mamahalin parin kita, I love you Babe" sincere na sabi ko sa kanya

"I love you too" tugon naman niya at kusang naglapit ang aming mga labi sa isa't isa at mas lalo pa namin itong nilaliman..

——-Author——-
Alam niyo na ang Next Chapter..
Rated SPG
Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon