Chapter 29

9K 245 5
                                    

Jacel
It's been 2 weeks nang dumalaw kami sa mga magulang ni Art at habang tumatagal ay mas nagiging sweet sa akin si Art, Araw-araw pagkagaling niya sa work lagi siyang may dalang bulaklak at chocolates

At kahit na pagod siya ay may time parin siya sa amin ng anak niya, At syempre hindi siya mawawalan ng time pag kami lang dalawa sa kwarto

Nagdadrive siya ngayon at wala akong ka ide-ideya kung saan kami pupunta samantalang ang mga kasama naman namin ay sobrang excited na lalo na ang anak namin "Babe saan ba talaga tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko kanina ko pa kasi siya tinatanong pero ganito lang palagi ang sagot niya "Basta" sabi niya

Ilang minuto pa ay huminto kami sa isang napaka gandang lugar, Isa siyang graden na punong-puno ng mga rosas na iba't-iba ang kulay at may mga kandila sa bawat sulok nito na nagsisilbing ilaw namin

"Ang Ganda" manghang sabi ko "Come" sabi niya sabay hila sa akin sa gitna "Nakikita mo ba ang mga bituin na yan?" Tanong niya kaya medyo natawa naman ako "Oo naman" natatawang sagot ko

"Parang ikaw yan, ikaw ang nagsisilbing ilaw sa madilim kong buhay" sabi niya, hindi na ako nakapagsalita dahil mukhang seryoso siya sa mga sinasabi niya

"Hindi ka man perpekto sa mata ng ibang tao pero sa akin ikaw ang perpektong babae na gusto kong makasama habang buhay.." sabi niya sabay luhod sa harap ko "Babe.. Will you be my wife? Will you marry me and be with me forever?" Tanong niya habang hawak ang red velvet na kahon na naglalaman ng napakagandang sing-sing isa itong diamond ring

Naluluhang tumango-tango naman ako "Y-Yes!" Naiiyak na sabi ko, Parang nagloading naman siya sa sinabi ko at tila inaabsorb pa niya ang sagot ko pero agad din naman itong nakabawi at niyakap ako

"She said yes!" Sigaw niya sa mga kasama namin at nagpalak-pakan naman ang mga ito muli siyang humarap sa akin "I promise mamahalin ko kayo ng anak natin sa abot ng aking makakaya hinding-hindi ko na kayo iiwan kahit ano pa ang mangyari mahal na mahal ko kayo" sabi niya sabay halik sa akin

Nang humiwalay na kami sa halikan ay nagsalita naman ako "Babe.." tawag ko sa kanya "hmm?" Sagot niya kinuha ko ang kamay niya at inilagay ko ang regalo na sana ay kanina ko pa ibinigay sa kanya kung hindi lang niya ako inaya sa lugar na ito

"What's this?" Takang tanong niya sa maliit na kahon na ibinalot ko sa gift wrapper at nilagyan ng ribbon "Open it" nakangiting sabi ko at nagtatakang binuksan naman niya ito

"A pregnancy test?" Nagatatakang tanong niya habang hawak ang kahon nito "Ano pa ang nakikita mo?" Tanong ko binuksan naman niya ang kahon at inilabas ang laman, Naestatwa naman siya sa kanyang nakita "It has two lines.. It means positive...." mahinang sabi niya

Tumingin naman siya sa akin waring gustong kumpirmahin ang katanungan sa kanyang isip "I'm two weeks pregnant!" Masayang sabi ko sakanya, Tulad kanina tila inaabsorb na naman ng utak niya ang aking sinabi at agad ulit siyang nakabawi "Yes! Yahooooo magiging Dada na naman ako!!!" Masayang sabi niya at yinakap ako

"Thank you! Thank you! Thank you very much! This is the best gift that I ever had!" Sabi niya sa akin, Biglang lumapit naman ang anak ko sa amin "Dada.." tawag niya kay Art sabay lahad ng mga kamay na tila gustong magpabuhat

Binuhat naman siya ni Art "Mama, Ano po yung nasa kamay ni Dada? Laruan po ba yan?" Tanong niya kaya natawa naman kaming dalawa ni Art "No baby, hindi siya laruan" natatawang sabi ni Art "Eh ano po yan?" Curious na tanong ng anak ko

"Ito ang nagpapatunay na magiging ate kana" paliwanag ni Art "Wow talaga Dada magiging ate na po ako?" Excited na tanong ng anak ko "Yes at alagaan mo ang mga magiging kapatid mo ok?" Sabi ni Art at tumango-tango naman ang anak namin

Umuwi kaming masaya, sana lang talaga ay parati na lang ganito...

—-Author—-
Update! Wassup I'm Back!!😊 sorry sa delay na update muntik na kasing masira ang phone ko eh.. Thank you sa mga nagbabasa ng story ko!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon