Chapter 30

8.6K 215 9
                                    

5 months later....

Jacel

Ang taba-taba ko naaaaa....

Nandito ako ngayon sa harap ng salamin at pinagmamasdan ko ang sarili ko, Nakasuot ako ng floral maternity dress dahil may check-up kami kay doctora at ngayon na din namin malalaman ang gender ng baby

Excited na nga ang anak ko lalo na si Art habang yung mga kapatid ko naman ay nagpaplano na sa name ng baby kapag ito ay babae o lalake

"Babe" tawag sakin ni Art at yumakap sa akin mula sa aking likuran "Are you ready?" Tanong niya nagpout lang ako habang pinagmamasdan ang aking katawan

"Ang taba ko na.." pagdadrama ko habang hawak ko ang aking tiyan kaya natawa naman siya "Don't worry you're still the most beautiful girl for me" sabi niya at lumuhod sabay hawak sa aking tiyan "I'm so excited to meet you" sabi niya sa aking tiyan na waring nakikipag-usap rito at hinalikan ito

Hinaplos ko naman ang kanyang ulo "Tara na at baka hindi na naman ako makapagpigil at magkulong na lang tayo dito sa kwarto buong magdamag" pabirong sabi ko dahil simula ng magbuntis ako ay lagi na lang ako nakakaramdam ng init na tanging si Art lang ang nakakapagpalamig

"It's ok, I'm enjoying anyways" sabi niya kaya nahampas ko siya aga-aga eh manyak-manyak, Lumabas na kami habang magkahawak kamay at sinalubong naman kami ng anak namin

"Dada" tawag niya sa ama niya sabay pabuhat dito "Ready ka ng makita ang kapatid mo baby?" Tanong niya rito "Opo" magalang na sagot naman ng anak ko, Lumabas na kami at sumakay na sa kotse

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa clinic ng Obgyne ko na kinuha ni Art para sa akin and take note babae po siya alam niyo naman na napaka selosa ng fiance ko..

Pumasok na kami sa clinic at sinimulan na ni doc ang pag-uultrasound habang ang mag-ama ko naman ay nasa gilid habang hawak ang aking kamay "Ayan ang baby niyo" masayang sabi ni doctora, Hinalikan ni Art ang kamay ko habang nakatingin sa screen

"Thank you! Thank you! Thank you babe" naluluhang saad niya, Habang ako naman ay napapangiti na lang rin at hinihimas ang kanyang ulo "Mama..lalake po ba ang kapatid ko o babae?" Tanong ng anak ko kaya napatingin naman sa kanya si Doctora

"Sa nakikita ko mukang.... lalake" masayang sabi ni Doc "Narinig mo yun babe meron na tayong lalake" may galak na saad ni Art "Teka.. parang may nakikita pa ako.. isang babae" sabi ni Doc kaya nagtaka naman kami

"Huh? Doc akala ko po ba lalake?" Takang tanong ko "Kambal sila, isang babae at lalake" dahil sa sinabi ni Doc ay parang nagslow motion ang nangyari at ilang minutong hindi nakapagsalita

Nang makarinig kami ng malakas na kalabog, At nang tignan namin yun ay si Art pala ang tumumba kaya nagmadali akong tumayo sa kinahihigaan ko at tinulungan si Doc na buhatin si Art at ihiga ito sa isang kama

"Art?" Sabi ko sabay tapik sa mukha niya "hmmm" sabi niya at inimulat niya ang kaniyang mga mata at mabilis na tumayo "A-Anong nangyari?" Tanong niya "Nahimatay ka" sabi ko "Congratulations Art! May kamabal ka na" masayang sabi ni Doc at akmang mahihimatay na naman si Art nang balaan ko ito

"Subukan mong mahimatay hindi ka makakatabi sa akin mamaya" dahil sa sinabi ko ay agad nitong inayos ang sarili at tumingin ng diretso sa akin "Biro lang babe ikaw naman.." sabi niya sabay yakap sa akin kaya naman mahinang natawa si Doctora sa amin

Pagkatapos ng ultrasound namin ay dumaan muna kami sa mall para mamili ng mga gamit ng kambal, Hawak niya ang kamay ko habang buhat niya si Ariana

Habang naglalakad kami ay bigla na lang humigpit ang kapit ni Art sa aking bewang at ng tignan ko naman siya ay nakakunot ang kanyang noo na nakatingin sa grupo ng lalake na kumakain sa isang fast food restaurant

Nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang kanyang mukha "Babe.. what's wrong?" Tanong ko kaya napatingin naman siya sa akin "Nothing it's just that ang daming nakatingin sayong lalake kahit na buntis ka na" nakasimangot na sabi niya

Kaya napailing na lang ako sa pagkapossesive niya "Don't mind them alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh" dahil sa sinabi ko ay nawala na ang kunot ng noo nito at hinalikan ang aking noo

Pinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa department store at namili na ng mga gamit ng baby "Ah miss? Mayroon pa bang stock nito?" Tanong ni Art sa isang sales lady "A-Ah Y-Yes po" nauutal na sabi niya habang hinahawi ang buhok sa gilid ng kanyang tenga

Automatikong tumaas naman ang kilay ko sakanya, Bakit ba ang lalandi ng mga babae dito sa mall? Nang hindi ako makatiis ay lumapit ako sakanila at yumakap sa braso ni Art at ng tignan ko naman ang babae ay nakayukong umalis na ito

Siguro nahiya dahil di niya alam na hindi na single si Art.. Umangat naman ang tingin ko kay Art at bigla akong nainis dahil nakangiting aso ngayon ito kaya hinampas ko ang braso niya kaya napadaing siya sa sakit

Feel na feel naman niya... pinagpatuloy na namin ang pamimili ng may humarang na babae sa aming harapan, Maganda siya at mukhang mayaman dahil sa pananamit

"Hi Art! Long time No see" nakangiting bati nito kay Art at nakipagbeso pa ito namang isa parang gustong-gusto ang ginawa ng babae..

"Oh! Hi Ynna Long time no See, Kamusta ka na?" Bati rin ni Art sakanya "Ang tagal na nating di nagkita ah?" Sabi ng babae "Oo nga eh it's been years.. Siya nga pala this is Jacel my Fiance and Si Ariana anak ang anak namin" dahil sa sinabi ni Art ay parang biglang nalungkot ang babae

"Ahh.. Ikakasal kana pala" may panghihinayang sa boses ng babae "Ay yeah wag kang mag-alala invited ka" sabi ni Art "Oh sure, sure!" Feeling ko talaga plastic na ngiti na lang ang binibigay niya sa amin

"Oh siya, Mauna na kami" paalam ni Art "Ah ok see you when I see you" paalam din ng babae at tumango na lang si Art, Pinagpatuloy na namin ang paglalakad at nagtungo na sa parking lot para umuwi

Tahimik lang ako habang nasa byahe dahil naiinis ako sa mga babae na lumalapit kay Art kanina, Bakit ba kasi napaka gwapo niya kaya napapagkamalan siyang lalake.. kulang na lang takpan ko ang mukha niya para walang makapansin sakanya eh..

——Author——
Update! Haba noh? Haha pangbawi ko po yan.. Enjoy reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon