Chapter 40

6.8K 197 22
                                    

Artemis
Pasipol-sipol ako ngayong naglalakad sa company namin dahil good mood ako sa balita ng fiancee ko kahapon, habang naglalakad ako ay parang naweweirdohan sa akin ang mga empleyado ko dahil minsan ay late akong pumapasok

"Goodmorning Ma'am" Bati nila sa akin "Morning!" Sagot ko naman at pumasok na sa aking opisina at bumungad naman sa akin ang bago kong secretary si Bella

"Goodmorning Ma'am!" Bati nito "Morning!" Bati ko rin dito at umupo na sa swivel chair niya, lumapit naman siya sa akin at inilapag ang mga papeles na dapat kong tapusin

Napansin kong hapit na hapit sakanya ang damit niya at nakabukas ang tatlong butones sa kanyang uniporme kaya medyo nakikita ko ang cleavage niya kaya napaiwas ako ng tingin, Ayaw kong magkasala sa fiancee ko

"Mukhang good mood tayo Ma'am ah" untag nito sa akin "Ah yeah... May magandang balita lang sa pamilya namin" sabi ko rito "Wow, Ano naman po yun Ma'am?" Tanong nito "My fiancee is pregnant for our 4th child" nakangiti kong sabi rito

Napansin kong natahimik naman ito ng ilang segundo bago magsalita "A-Ah G-Ganun po ba... Good news nga po talaga yan... congrats po" sabi nito kaya nginitian ko na lang ito bilang ganti "Ahm pwede ka nang bumalik sa table mo Bella, Tatawagan na lang kita pag may kailangan ako" sabi ko rito kaya tumango naman ito at lumabas na sa opisina ko

Time check 12:09 pm na at hindi pa rin ako tapos sa trabaho ko, Naudlot ang aking ginagawa ng may kumatok sa pinto ng opisina ko "come in" wika ko kaya bumukas ang pinto at iniluwa nito ang aking sekretarya "Yes Bella? May kailangan ka?" Tanong ko dito

"Ahm Ma'am gusto ko lang po sana kayo imbitahan na kumain muna sa canteen kase mukhang hindi pa po kayo kumakain" sabi nito kaya tumango naman ako "Ok.." sabi ko at tumayo na para sumama sakanyang pumunta sa canteen

Siya na ang umorder habang ako naman ay naghihintay lang sakanya, Ilang minuto lang ay nakita ko siyang papalapit sa napili naming table at inilapag nito ang tray ng mga pagkain

"Thanks" pasalamat ko sa kanya at kumain na kami, 12:36 na nang makabalik ulit ako sa opisina ko kaya ipinagpatuloy ko na ang mga trabahong kailangan kong tapusin dahil gusto ko nang makauwi sa bahay namin

6:37 pm na ng gabi ako nakatapos kaya tumayo na ako para ayusin ang mga gamit ko nang may kumatok sa pintuan ng opisina ko "Come in" sabi ko rito kaya bumukas ito at iniluwa nito si Bella na sa tingin ko ay handa na ring umuwi

"Ah Ma'am..." tawag nito sa akin "Yes Bella?" Tanong ko dito "May gusto lang po sana akong sabihin sa inyo" wika nito kaya naman nagtaka ako "Ano yun?" Tanong ko ulit "Gusto po sana kita imbitahan sa bahay ko bukas... Birthday ko po kasi eh" nahihiyang sabi nito

Hays paano na ako makakatanggi nito? "Okay, after ng trabaho natin ay dumeretso na lang tayo sa bahay niyo" sabi ko dito kaya napangiti siya at nagulat ako nang yumakap ito sa akin kaya napakiskis ang kanyang dibdib sa akin

"Thank you Ma'am!" Masayang sabi nito, naaawkwardan na ako sa posisyon namin kaya ako na ang bumitaw sa yakapan namin "Ok sige, Mauna na ako" paalam ko dito at tumango naman siya kaya lumabas na ako para magtungo sa parking lot

Nagdadrive na ako pauwi nang may tumawag sa aking telepono, Nang tignan ko kung sino tumatawag ay ang fiancee ko pala kaya sinagot ko agad ito

"Hi Babe, pauwi ka na ba?" Tanong nito sa kabilang linya "Yeah, On the way na ko" sagot ko rito "Anong gusto mong ulam?" Tanong nito "Kahit anong lutuin mo Babe masarap para sa akin eh" sweet na sabi ko "Naku nambola ka na naman" kahit hindi ko ito nakikita ay alam kong nakangiti na ito ngayon

"Anyways may gusto akong ipabili sayo babe" sabi nito "Ano yun Babe?" Tanong ko "Gusto ko kase ng kulay green na apple tyaka melted chocolate..." sabi nito kaya napangiti ako, Naglilihi na naman ang mapapangasawa ko

"Okay, dadaan muna ako sa supermarket para bilhin ang gusto mo" sabi ko "Thank you so much Babe, I love you!" Masayang sabi nito "Yeah yeah I love you too" sabi ko at binaba na ang tawag

Fast Forward.......

Ipinark ko na ang sasakyan sa garahe at kinuha ko na ang mga pinabili sa akin ng fiancee ko, Papasok palang ako ng bahay namin ay naririnig ko na ang mga anak ko na nagtatawanan sa sala

Tumungo ako dito at nadatnan kong nakikipaglaro pala sila sa Mommy nila, Kaya pala sila tawa ng tawa ay may mga face paint ang mga mukha nila

"I'm home!" Malakas na sabi ko sapat lang para marinig ng mag-iina ko "Dada!" Sabay-sabay nilang sambit at tumakbo papalapit sa akin "Oh anong nangyare sa mga mukha niyo?" Natatawang sabi ko

"We painted our face, Dada" sagot ni Ariana "Oh, I see" sabi ko at pinaghahalikan ang mga anak ko bago ako lumapit kay Jacel "Hi Babe, Are you feeling good?" Sabi ko dito "I just had a morning sickness this morning, but don't worry I'm fine our baby is fine" sabi nito kaya naman napangiti ako at lumapit sa kanya

Yumakap ako sa kanya na parang pagod na pagod at gumanti naman siya sa yakapan namin "I miss you.." mahinang sabi ko dito "You're tired, aren't you?" Tanong nito kaya tumango-tango at ibinaon pa lalo ang aking mukha sa kanyang leeg

"Wawa naman ng baby damulag ko, Don't worry I'll do you a hot massage later..." seductive nitong sabi kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko "Really?" Nakangiting tanong ko "Yeah, Ayaw mo?" Tanong nito "Sino bang nagsabing ayaw ko?" Sabi ko habang nakangiti

"Akala ko ayaw mo eh, Umakyat ka na at magbihis para makakain na tayo at mamasahe na kita..." sabi nito "Okay" sabi ko at dali-daling umakyat kaya naman natawa siya, Oh yeah a Hot Massage later.

—-Author—-
Update! Hello ulit! Enjoy Reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now