Chapter 38

7.4K 204 22
                                    

Kinaumagahan...

Artemis
Maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko ngayon at kasalukuyan ko nang inaayos ang aking neck tie sa harap ng salamin habang si Jacel naman ay tulog na tulog pa sa kama

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha habang natutulog dahil naaalala ko ang nangyari sa amin kagabi, Tinignan ko ang oras ay 7:45 na pala ng umaga kaya dali-dali kong kinuha ang aking bag at hinalikan si Jacel sa noo at tuluyan nang lumabas

Fastforward...

Nakarating ako sa aking opisina ng 8:05, Okay lang naman kahit na malate ako ng konti afterall ako din naman ang magmamay-ari ng kumpanya na ito

Umupo na ako sa aking swivel chair at saktong pagkaupo ko ay may kumatok sa aking pintuan "Come in" sabi ko at pumasok naman ang aking secretary "Ma'am.. Gusto ko lang po magpaalam dahil magreresign na po ako" sabi niya na ikinagulat ko naman

"Huh? Bakit ka naman magreresign?" Tanong ko dito "Ah Ma'am lilipat na po kasi kami ng asawa ko sa Marinduque dahil may sakit po ang nanay ko" paliwanag nito "Pero sino naman ang ipapalit ko sayo? Tyaka marami pa akong paper works na kailangan tapusin at ikaw lang ang nakakaalam ng mga ito" nag-aalalang sabi ko

"Ma'am wag po kayo mag-alala may nakuha na po akong ipapalit sa pwesto ko" dahil sa sinabi nito ay medyo gumaan naman ang loob ko dahil hindi na ako mahihirapang humanap ng kapalit niya "Actually kasama ko po siya ngayon, Wait lang po tatawagin ko lang siya" siya

Tinawag niya ang papalit sa kanya at nagulat naman ako dahil si Bella ang nakasunod sa kanya, Siya yung nakita namin sa McDo kahapon ah

"Ma'am si Bella po pinsan ko... Nangangailangan po kasi siya ng trabaho at sakto naman pong magreresign ako, Tyaka napaliwanag ko na po sakanya lahat ng dapat niyang gawin at tapusin para hindi na po kayo mahirapan ipaliwanag sakanya" paliwanag ng secretary ko

"Ok then...You can start tommorrow, you're hired" sabi ko sakanya kaya naman napangiti siya at nabigla naman ako ng yakapin niya ako "Thank you po Ma'am!" Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit kaya't nakadikit sa dibdib ko ang kanyang papaya

Oh tukso.. layuan mo ako....

Ako na ang unang humiwalay sa yakap niya at inayos ko ang aking damit dahil medyo nagusot ito "Sige po Sir aalis na kami" paalam ng secretary ko kaya tumango na lang ako hanggang sa makalabas sila

Time check it's already 6:05pm Sa wakas ay natapos ko na mga paper works ko kaya inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng opisina ko para umuwi na

Habang nagdadrive ako pauwi ay biglang nagring ang aking telepono kaya't sinagot ko ito "Hello, Babe?" Sabi ko dito "Babe, pauwi ka na ba?" Tanong nito

"Yes Babe, On the way na po ako.. anong gusto niyong pasalubong?" Tanong ko ulit "Ka- Mama! si Dada po ba yan?" Sasagot na sana siya nang may narinig akong nagsalita "Yes Baby, Come... kausapin mo si Dada mo" sabi ni Jacel

"Hello? Princess ko?" Malambing kong tawag sa bunso ko "Dada!" Magiliw na sagot naman niya "Anong gustong pasalubong ng prinsesa ko?" Tanong ko dito "I want donut Dada..." malambing na sagot niya

"Okay, how about your Ate and Andrew?" Tanong ko ulit "Wait Dada, I'll ask them..." sabi nito at ilang minuto pa ay bigla ulit itong nagsalita "Dada... Ate said she wants a chocolate cake and Andrew wants K-Kizza..." na bulol pa ang dulo nito

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now