Chapter 18

9.4K 257 14
                                    

Jacel
Simula ng umalis si Art ay walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha dahil akala ko ay tatanggapin niya ang batang nasa sinapupunan ko at pangalawa ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko

Nang tumigil na ako sa kakaiyak ay inilaan ko na lang ang aking oras sa pagbabasa ng libro para kahit papaano ay makalimutan ko ang aking problema

Ilang oras pa ang nakalipas ay hindi pa rin nakakauwi si Art, kahit na sinabi niyang wag ko na siyang hintayin ay ginawa ko pa rin dahil nag-aalala na ako sa kanya dahil baka kung napano na siya

Biglang may nagtext sa akin isang unknown number kaya nacurious ako at binasa ang text

Nandito si Artemis Montenegro sa ****** Hotel room 17

Nireplayan ko naman siya

Sino ka? At paano mo nalaman ang number ko?

Tanong ko pero hindi na siya nagreplay pa, Ilang minuto akong nakatingin sa address ng hotel na itinext ng isang estranghero at nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ito o hindi

Sa huli ay napagpasyahan kong puntahan na ito dahil sa aking kuriosidad, Nang makarating ako rito ay agad akong nagtanong sa front desk kung saan ang room 17 itinuro niya ang daan papunta rito

Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa room 17 ay parang may nararamdaman akong mali at nakakaramdam din ako ng kaba hindi ko alam kung bakit

Pinagpatuloy ko ang paglalakad at ng makarating na ako rito ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at laking pasasalamat ko dahil hindi ito nakalock

Halos mawalan ako ng balanse sa aking nakita, Si Artemis nakahubad habang may nakayakap na babae at tanging kumot lang ang takip sa kanilang hubad na katawan

Dahil hindi ko masikmura ang nasaksihan ko ay dahan-dahan ko ulit sinara ang pintuan at umalis na sa lugar na iyon

Pagbalik ko sa Condo ay kinatok ko sila Ryan at Kaitie sa kanilang kwarto "Ate?" Pupungas-pungas na sabi ni Ryan "magbihis na kayo at mag-empake aalis na tayo dito" sabi ko sakanya "Ha? Bakit Ate may problema po ba?" Takang tanong niya, Umiling ako "Wala sige na gisingin mo na si Kaitie at sabihin mo na ring magbihis na din siya" huling sabi ko sa kanya bago pumasok sa kwarto namin ni Art

Tumutulo ang aking mga luha habang ako ay nageempake ng aking mga damit, Hindi ko talaga inakalanag magagawa niya sa akin ang bagay na iyon

Buo na ang desisyon ko na umalis dito kasama ang aking mga kapatid siguro dun muna ako sa Antipolo sa bahay ng Best friend ko, Nang matapos ako sa pageempake ay tinulungan ko na ang aking mga kapatid sa kanilang mga gamit na iniimpake

Nag-iwan ako ng sulat sa table sa loob ng kwarto namin at katabi nun ang pregnancy test na ginamit ko kanina lang "Don't worry baby kahit di tayo tanggap ng dada mo kakayanin natin toh andito naman si mommy" sabi ko habang nakahawak sa aking tiyan, Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't-isa

Sabi nga nila Expect the Unexpected, Yung tipong akala mo hindi ka niya kayang lokohin dahil mahal ka niya pero nagawa pa rin niya.

——Author——-
Sabi ko sa inyo babawi ako eh 3 chapters in 1 day😉

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon