Chapter 19

9.4K 260 26
                                    

Artemis
Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa aking mukha ng imulat ko ang aking mga mata ay kakaibang kisame ang lumantad sa aking harapan

Teka di ko naman toh kwarto ah?

Nang tignan ko ang aking kabuuan ay nagulat ako dahil wala akong suot na kahit anong saplot, Hinila ko ang kumot at napaupo na lang sabay hawak sa aking ulo na kumikirot

Napadapo ang aking mata sa isang piraso ng papel na nakapatong sa side table ng kama, Nang buksan ko iyon ay isang mensahe ang nakasulat

"Thank you for tonight!"
               -MsB

Pilit kong inaalala ang nangyare kagabi pero ang naaalala ko lang ay nagpunta ako sa bar ni Lorenzo at doon uminom, Pagakatapos ay may babaeng lumapit sa akin pagkatapos non blackout na

Sh*t

Mabilis akong nagbihis at pagkatapos ay sumakay sa isang taxi dahil naiwan ko ang aking sasakayan na nakapark sa bar ni Lorenzo

Nang makarating ako sa unit ko ay nakakapagtaka dahil napakatahimik at walang batang makulit na tumatakbo sa paligid

Di kaya... Mabilis akong nagtungo sa kwarto namin ni Jacel at binuksan ko ang wardrobe namin ay puro damit ko na lang ang natira at may papel na nakalagay rito

Para sa babaeng una at huli kong mamahalin, Salamat sa lahat ng bagay na ibinigay mo sa amin ng mga kapatid ko, Salamat sa lahat nang nagawa mo sa amin, Siguro hanggang dito na lang tayo... Magpapakalayo na lang muna kami, Lagi mong iingatan ang sarili mo, Sana makahanap ka ng babaeng magpapatibok muli sa puso mo, Paalam Art.

                                      -Jacel

Habang binabasa ko ang sulat ni Jacel ay patuloy ang pag-agos ng aking mga luha, Iniwan na niya ako....

Siguro ito na ang karma ko sa mga babaeng pinaglaruan ko, Hindi ako susuko, Hahanapin ko sila at sa pagkakataon na ito ay hindi ko na sila iiwan

Totoo nga ang sinabi nilang "Nasa Huli ang Pagsisisi"

4 years later.....

Jacel
"Mama!!" Sigaw ng anak ko habang umiiyak, Siya nga pala si Ariana Jane

"Bakit ka umiiyak anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko, Kinuha ko ang bimpo sa aking balikat at ipinahid ito sakanya dahil basang-basa siya ng pawis

"S-Sila Russel hinaharot ako wala daw akong T-Tatay" pasinok-sinok niyang sumbong sa akin, Dumipa siya sa akin na waring gustong magpabuhat kaya binuhat ko siya habang hinihimas ang kanyang likod

"Shh.. tahan na ang baby kong maganda, Hayaan mo sila wag mo na lang pansinin diba sabi ko sayo nasa abroad ang Dada mo" sabi ko sa kanya habang kinakantahan siya hanggang sa makatulog ito dahil sa pag-iyak

Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa papag na higaan namin, Pinagmasdan ko lang siya habang siya ay natutulog

Kamukhang-kamukha siya ni Art mula sa mga labi, ilong, kutis at lalong-lalo na ang kanyang mga mata

Kamusta na kaya siya ngayon? Mayroon na kaya siyang pamilya? Yan ang mga katanungang lagi sa aking isipan

Napailing na lang ako sa sarili ko dahil sigurado akong mayroon na siyang pamilya ngayon, It's been 4 years mula ng iwan ko siya

Sa 4 years na ito ay naging tahimik naman ang pamumuhay namin ng anak at mga kapatid ko, Sa ngayon ay nagtatrabaho ako sa isang drugstore sa palengke dahil walang mga building at company dito sa probinsya

Ayoko din na manirahan kami sa dati naming apartment dahil alam kong pupuntahan kami don ni Art dahil kung don din kami maninirahan ay parang mawawalan rin ng say-say ang pag-alis namin

Ngayon ay nasa grade 10 na si Ryan habang si Kaitie naman ay grade 4 na, Sumasapat naman sa amin ang aking kinikita pero minsan nagigipit din dahil minsan ay may binabayaran sila sa kanilang eskuwelahan, Buti na nga lang ay tinutulungan ako ng aking kaibigang si Eliza sa mga gastusin dito

Aaminin kong nasaktan ako sa nakita ko ng gabing nahuli ko si Art na may kasamang babae sa isang Hotel pero naka move-on naman na ako ngayon at ang prioritze ko na lang ngayon ay ang mga kapatid ko at syempre ang anak ko

At higit sa lahat ay di na ako nagmahal ng iba kahit pa maraming nanliligaw sa akin dito sa probinsya dahil kahit na sinaktan ako ni Art ay siya pa rin ang mahal ko hanggang ngayon.

——Author——
Sorry po sa Irregular Update.. Busy po kami sa school eh

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon