Chapter 43

7.3K 187 9
                                    

Artemis
All things are settled inayos ko na ang dapat ayusin sa kasal surprise wedding namin ni Jacel from the interior design hanggang sa mga bisita salamat sa tulong ni Bella ang aking secretary

Maaga akong nagising kaysa kay Jacel kaya't napagpasyahan kong magluto ng breakfast ngayon para sa kanya at sa mga anak ko, habang nagluluto ako ay dalawang bata na yumakap sa aking magkabilang hita "Goodmorning Dada!" Bati nilang dalawa kaya napangiti ako at hinalikan sila sa ulo "Goodmorning!" tugon ko

"Dada what are you doing?" Tanong ni Andrew "I'm cooking breakfast for us" sagot ko "Do you want to help Dada?" Tanong ko dito at sunod-sunod naman na tumango ito "I want to help too!" Magiliw na sabi ni Anastasia "Okay you'll both help Dada" sabi ko dito at binuhat sila paupo sa counter

Nang matapos kami ay nagvolunteer na ang kambal na sila na ang gigising sa Mommy nila kaya ako na lang ang natira sa kusina habang inaayos ang hapag

Jacel

Nasa kasarapan ako ng tulog ng naramdaman kong umuuga ang kama namin ni Art "Mommy! Mommy! Wake up!" Panggigising ng kambal sa akin kaya napangiti ako at iminulat ang aking mga mata "Okay! Okay, Mommy's awake" sabi ko at umupo na sa pagkakahiga ko

Lumapit naman sila sa akin at niyakap ako sabay halik sa aking magkabilang pisnge "Goodmorning Mommy!" Bati ni sa akin "Goodmorning Babies ko.." wika ko at hinalikan sila sa noo pareho "Why are you two so up early?" Natatawang sabi ko at kiniliti sila

"We helped Dada cook breakfast" sabi ni Andrew "Come Mommy, Dada's waiting in the dining room" sabi naman ni Anastasia at hinitak nila akong dalawa papunta sa dining room, Nadatnan ko si Art na nagkakape habang nakasandal sa counter "Goodmorning Babe!" Wika nito at lumapit sa akin sabay halik sa labi ko

"Morning.." sagot ko at nginitian siya at pinaghila naman niya ako ng upuan "Where's Ariana?" Tanong ko dahil saturday naman ngayon kaya wala itong pasok "Maybe she's still asleep... I'll get her" sabi nito at pumunta sa kwarto ni Ariana, Ilang minuto pa ay bumalik si Art sa dining room habang si Ariana ay nakapasan sa kanyang likod

"She's a heavy sleeper.. Mana sa Mommy" natatawang wika nito at pinaupo na si Ariana, kaya naman inirapan ko siya Hmpp.. Di naman ah?

Nag-umpisa na kaming kumain at namangha naman ako dahil ang sarap ng niluto ng mag-aama ko, Pagakatapos ay pinaliguan na namin ang mga anak namin at binihisan dahil ihahatid na namin sila sa Lolo't Lola nila dahil may pupuntahan daw kami ni Art

Nang matapos kami ay hinatid na namin sila sa bahay ng Lolo't Lola nila, Nagdadrive na si Art ngayon papunta sa pupuntahan daw namin... Ewan ko ba sakanya ayaw niya talagang sabihin sa akin kung saan kami pupunta...

Kapag tinatanong ko isa lang ang magiging sagot niya 'You'll see' ang sagot niya... Haysss

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko dito "Hmm.. Maybe 2hrs pa bago tayo makapunta don, You can sleep if you want Babe. Gigisingin na lang kita pag nandoon na tayo" sabi nito at hinawakan ang kamay kong nasa lap ko "Okay.." maikling sagot ko dahil inaantok na din talaga ako

••••••••••••••••

"Babe.." mahinang bulong sa aking tenga "Hmm.." tugon ko "Andito na tayo, Wake up na" sabi nito kaya idinilat ko na ang aking mata at lumantad sa akin si Art na nakangiti "Come on" yaya nito at inalalayan akong tumayo, Luminga-linga naman ako at nagulat ako dahil may dagat

"Asaan tayo?" Tanong ko "Nandito tayo sa Private resort na ipinatayo ko" wika nito at tumawag siya ng mga care taker para buhatin ang mga gamit namin, Naglakad kami papunta sa isang 2 storey house at pumasok dito

Namangha naman ako dahil ang ganda ng disenyo ng buong bahay, Umakyat kami sa taas kung asan ang master's Bedroom at lumabas ako sa balcony kung saan makikita mo ang view mula sa dagat

"Ang ganda..." manghang sabi ko at may bigla namang yumakap sa akin at sininghot-singhot ang aking leeg.. Amoy palang kilala ko na "Do you like it?" Tanong ni Art "Yes" sagot ko at humarap sa kanya habang hawak niya ang waist ko

"Good, Tara bumaba na tayo Babe nagugutom na ako" sabi nito at niyaya akong bumaba sa dining ng bahay kung saan ay mayroon nang nakahandang mga pagkain para sa amin, Kumain na kami at pagkatapos ay naglibot sa tabing dagat

"Art upo muna tayo sa buhangin napapagod na ako.." reklamo ko at tumango naman siya at inalalayan akong umupo, Hindi naman na mainit dahil papalubog na ang araw

Inakbayan niya ako at isinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat "It's beautiful isn't it?" Wika nito at tumango naman ako "I always dreamed about this momment... Sitting on the sand while watching the sun down with the love of my life in my side, Akala ko hindi ko na makakamit ang pangarap na iyon dahil marami sa mga tao ay hindi tanggap ang kasarian ko... For them I am a freak, But then.. when you came into my life all of the loneliness in me disappeared. You changed my life.. you and our kids, Now I have the reason to continue my life because I know that you need me our family need me.. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala pa kayo sakin, I love you and our kids more than my life" sabi nito at nakita kong may tumulong luha sa kanyang mata

Hinalikan niya ang aking ulo "Promise me that you will never leave me again" sabi nito kaya napangiti naman ako, She must've really love me so I am to her "I promise.." sabi ko at hinalikan siya sa labi

Ipinapangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na siya iiwan, Ngayon pa ba na mag-aapat na ang anak namin? I will fight for our love no matter what..

——Author——
Update!! Hayss wala na naman akong pera kaya hindi na naman ako nakapag update... Sorry sa mga nainip sa update ko, Naghihirap na si Author eh XD
Enjoy Reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon