Chapter 11

11.4K 325 12
                                    

Artemis
Nagdadrive ako ngayon papunta sa condo ko para dun muna matulog ngayong gabi hindi ko namalayan na nakangiti pala ako habang iniisip ang halik ni Jacel sa pisngi ko

Buti na lang talaga at close na kami ni Kaitie para may kakampi ako sa panliligaw sa ate niya, Nang makarating ako sa condo ko ay agad akong naghanda para matulog dahil napagod ako ngayong araw

Hindi ako makatulog kakaisip kay Jacel dahil iniisip ko kung kami ang magkakatuluyan gagawin ko siyang isang reyna ng isang napakalaking palasyo kung dumating man ang araw na yun

Oh diba Advance akong magisip nanliligaw palang ako niyan ha, Nang ipikit ko ang aking mga mata ay tyaka lang ako tinangay ng antok

Kinaumagahan....

Inagahan ko ang gising dahil gusto kong isabay si Jacel sa pagpasok para na rin safe siya

Kumatok ako ng tatlong beses sa Gate nila at pinagbuksan naman ako ni Ryan "Ate Art ikaw po pala yan bakit po kayo nandito? Diba po may pasok kayo?" Nagtatakang tanong niya sakin "Ah Oo gusto ko lang sunduin ang ate mo andyan pa ba siya?" Tumango naman si Ryan at pinapasok ako sa loob

Dala ko ang boquet ng red roses na binili ko bago ako pumunta dito "Ate Art para kanino yang red roses?" Tanong ni Ryan "Ito ba? Para sa ate mo" sabi ko sabay taas ng roses "Nanliligaw po ba kayo sa ate ko?" Parang detective na tanong niya

"Ah yes" sabi ko sabay kamot sa batok, Hays bakit ba kasi ang torpe ko pagdating kay Jacel "hmm.. kung sasagotin man po kayo ng ate ko please wag niyo po siyang sasaktan ok?" Sabi niya habang nakacrossed arms pa

"I won't I promise!" Nakangiting sabi ko sa kanya

Nang pumasok kami sa loob ay pinaupo niya ako sa sala nila "Ate Art dyan po muna kayo tatawagin ko lang si Ate" magalang na sabi niya

Tinawag niya ang ate niya at nakita kong sumilip si Jacel sa pinto pero ng makita niyang nakatingin ako doon ay agad siyang nagtago, Kusa na lang akong ngumiti dahil don

"Ahm.. Art" tawag sa akin ni Jacel kaya napalingon ako sa kanya, Ang ganda niya talaga kaya lalo akong nafafall eh

"Art?" Ulit niya dahil nakatulala lang akong nakatingin sa kanya "Ha? Ah ready ka na ba?" Tumango naman siya "Sige tara na sabay na tayong pumasok" yaya ko sa kanya "Ahm flowers pala para sayo" sabay abot sa kanya ng red roses

"Salamat ha" siya "Walang anu man" sabi ko with matching ngiti kaya alam kong labas ang dimple ko ngayon, Nakita kong namula naman siya na halatang kinikilig

Nagdrive na ako papunta sa building at pinark ang kotse ko, pinagbuksan ko siya ng pinto syempre pagnangliligaw ka first thing you need is to be a gentleman

Habang naglalakad kami ay hinawakan ko ang kamay niya kaya ang nangyari HHWW ang datingan namin Holding Hands While Walking

Di naman siya tumanggi kaya ipinagpatuloy ko lang 1 pt for me! Dahil sa HHWW namin ay maraming empleyado ang napapatingin sa amin

At itong kasama ko ay parang di mapakali kaya binulungan ko siya "Wag mo silang pansinin" pagaasure ko sakanya kaya naman napakalma siya

Nang makarating na kami sa opisina ay ipinagpatuloy na namin ang aming mga gawain, Di ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil siya lang ang nasaisip ko

Habang binabasa ko ang mga documents ay panaka-nakang tumingin ako kay Jacel at kapag nararamdaman niyang may tumitingin sa kanya ay agad akong nagbababa ng tingin sa binabasa ko

Oh diba parang teenager lang kami

Lunch break na pero hindi parin siya tumatayo para kumain man lang kaya naman may naisip akong ideya

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now