Chapter 17

9.8K 227 29
                                    

Artemis
1 month na since sagutin ako ni Jacel at sa 1 month na yan ang naging masaya lang kami pero minsan konting tampuhan lang pero naaayos naman kaagad

Nang maging kami na ay pinatira ko na sila sa aking condo dahil ayokong gagastos pa sila para lang may matirhan kung dati ay napaka tahimik at napaka lungkot sa condo ko ay ngayon sobrang ingay at saya na dahil may mga kasama na nga akong chikiting ay kasama ko pa ang napakaganda kong girlfriend

Actually hindi ko pa napapakilala sa parents ko si Jacel dahil nangako ako sa sarili ko na ipapakilala ko lang siya sa mga magulang ko sa oras na magpapakasal na kami

Nagdadrive na ako ngayon pauwi sa condo ko kasama ko ang dalawang kapatid ni Jacel na kakagaling lang sa eskuwelahan at halatang pagod tulad ko, Pinahinto ko muna si Jacel sa pagtatrabaho dahil nitong mga nakaraang linggo ay nagsusuka at nahihilo siya kaya pinag-stay ko muna siya sa bahay hanggang sa makarecover na siya

Nang makarating na kami ay sinusi ko na ang pintuan dahil parehas lang kaming may duplicate na susi ni Jacel para hindi na kami mahirapan pa, pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Jacel na kumakain ng pinya

"Babe" tawag ko sa kanya na para bang pagod na pagod sabay halik sa labi niya

"Oh Babe nandyan na pala kayo, Gutom na ba kayo? Magbihis muna kayo bago kumain" napangiti ako sa sinabi niya, Ganyan po talaga siya napaka maalaga niya kaya ako nainlove sa babaeng toh eh

Nagbihis muna kami bago kumain at napapansin kong ang dami ng kinakain ngayon ni Jacel kaysa sa natural na dami ng kinakain niya araw-araw "Babe dahan-dahan lang baka mabilaukan ka" biro ko kaya sinamaan naman niya ako ng tingin sabay irap sa akin at pinagpatuloy na ang pagkain

Pagkatapos naming kumain ay tumuloy na ako dito sa couch para manood ng Harry Potter, Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng tumabi sa akin si Jacel kaya inakbayan ko ito "Babe..." mahinang tawag niya sakin

"Hmm?" Hindi ko parin inaalis ang tingin sa aking pinapanood "Pwede ba tayong mag-usap?" Dahil sa sinabi niya ay automatikong kumunot ang aking noo dahil parang seryoso siya sa sasabihin niya

"Tungkol saan?" Tanong ko "Pwede sa loob ng kwarto na lang tayo mag-usap?" Sabi niya kaya pinatay ko na ang TV at pumasok na kami sa aming kwarto "Babe..why so serious? Anong meron?" Natatawang sabi ko to lighten up the mood

Nakayuko lang siya habang may kinakapa sa pants na suot niya "Buntis ako.." sabi niya sabay abot sa akin ng kulay puting bagay at nang tignan ko yun ay ilang minuto akong hindi nakapagsalita

Na para bang inaabsorb ko pa ang sinabi niya sakin "W-What? P-Pakiulit nga?" Parang tangang sabi ko kahit na narinig ko naman na "Buntis ako" ulit niya

Dahil sa sinabi niya ay parang nablanko ang aking utak "Pano nangyari yun?" Wala sa sariling sabi ko "Anong pano nangyari yun, Syempre may na satin at fertile ako ng araw na yun" paliwanag niya

"No! Hindi pwede.. hindi pa ko handa marami pa akong gustong gawin" sabi ko, Isang hindi inaasahang sampal ang natanggap ko sakanya

"Anong No? Anong hindi pwede? Ginusto natin toh kaya kailangan nating tanggapin at panindigan, Tyaka hindi lang naman ikaw ang may gusto pang gawin may panagarap din naman ako" umiiyak na sabi niya sakin, Kumikirot ang puso ko habang nakatingin sa luhaang mukha niya

Ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak pero heto siya sa harapan ko umiiyak dahil sa akin, Natatakot akong maging isang magulang di ko alam kung bakit pero ang bata ko pa kasi tyaka wala akong alam sa mga ganyang bagay

At ayokong madisappoint sa akin ang parents ko dahil nangako akong ikakasal muna kami ng babaeng mapipili kong mahalin habang buhay bago kami bumuo ng pamilya

"Anong gagawin natin? Ayokong madisappoint sa akin ang mga magulang ko" nag-aalalang saad ko "Anong gusto mong gawin ko ilaglag ang batang nasa sinapupunan ko?" Galit na sabi niya sakin

"Gusto ko muna ng space gusto ko muna mag-isip, wag mo na akong hintayin sa pag-uwi dahil hindi muna ako dito matutulog" malamig pa sa yelong sabi ko sakanya sabay alis sa harap niya, Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin

Umiiyak na hinawakan niya ang aking kamay "Art please wag mo naman akong iwan sa ganitong kondisyon" pagmamakaawa niya sakin pero tinanggal ko lang kamay niya sa akin at umalis na

Ngadrive ako papunta sa bar ng kaibigan ko "Oh! Art ngayon lang ata ulit kitang nakita dito?" Sabi ni Lorenzo "Busy lang" bagot na sabi ko at umorder na ng alak

"Okay.. sige maiwan muna kita may aasikasuhin lang ako" sabi niya at umalis na, Nakakailang shots na ako ng may lumapit sa aking seksing babae

"Hi Handsome! Want a company tonight?" Malanding sabi niya sakin habang ang mga kamay niya ay kung saan-saan na dumadapo dahilan ng pagkagising ng aking alaga

"No leave me alone" pilit ko siya tinataboy kahit na hilong-hilo na ako dala na rin ng alak "Shh.. alam kong may problema ka at ako ang bahala sayo" Di na ko nakatanggi ng bigla niya akong hinila kung san man at nataggpuan ko na lang ang aking sarili sa isang malambot na kama

Habang siya ay nasa ibabaw ko, Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa init na nararamdaman ko at sa kadahilanang gusto kong makalimot ngayong gabi

Gumamit kami ng proteksyon para iwas Aids at iwas Buntis na rin, natapos kami at hingal na hingal na yumakap siya sa akin habang nakabalot ang aming mga katawan ng kumot

May naramdaman akong sumilip sa pintuan ngunit ng tignan ko iyon ay wala naman, siguro dahil sa tama ng alak ay kung ano-ano na aking nararamdan kaya't tinulog ko na lang ito.

——Author——-
Salamat sa patuloy na pagsubay-bay sa aking kwento!
#TrueToLife

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now