Chapter 32

7.7K 206 12
                                    

Jacel
Nagising ako sa bisig ni Art dahil bigla akong nagutom at nagcrave sa santol kaya niyugyog ko si Art para gisingin "Babe.." tawag ko sakanya "Hmmm" antok na sabi niya

"Bili mo ako ng santol please!" Paglalambing ko kaya naman napamulat siya at tinignan ang oras "Babe naman 3:40 palang ng umaga saan naman ako makakabili non?" Tanong niya "Aba ewan ko sayo basta yun ang gusto namin ni Baby, bili kana please!" Pagmamakaawa ko

Kaya naman napabuntonghininga na lang siya, Sabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis eh

Tumayo na siya hindi alintana ang kanyang kahubadan at nagbihis siya sa harap ko, hinila ko naman ang kumot para takpan ang kahubaran ko dahil malamig

Lumapit siya sa akin "I'll be back, mabilis lang ako" sabi niya sabay halik sa noo ko kaya napangiti naman ako "Ingat ka" pahabol na sabi ko at tumango na lang siya at lumabas

Artemis
Nagdadrive ako ngayon papunta sa supermarket para bumili ng santol na gusto ni Buntis, laking pasalamat ko dahil may nakita akong supermarket

Mabilis akong nagpark at pumasok na sa loob, Agad akong nagtungo sa bilihan ng Prutas biglang nagningning ang mga mata ko ng makakita ako ng santol

Kumuha ako ng 1kilo at nagbayad na sa cashier "250 po sir" sabi ng cashier at malagkit na nakatingin sa akin ngayon hindi ko mapigilang mapairap dahil ang dami talagang higad sa mundo, nag-abot ako ng 500 "Keep the change" sabi ko at akmang aalis na ng hawakan niya ako sa braso

"Ah S-Sir? Free po ba kayo Ton-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita "Sorry miss may asawa na ko" sabi ko at umalis na dahil naiirita ako sakanya

Nagdrive na ako pauwi dala ang santol na pinabili sa akin ni Buntis, Umakyat na ako at nadatnan kong natutulog siya kaya dahan-dahan kong hinalikan ang kanyang noo at inilagay ko na lang ang mgasantol niya sa ref namin dito sa kwarto

Pagkatapos kong ilagay ang santol sa ref ay hinubad ko na ang jacket ko at dahan-dahang tumabi sakanya, Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin at ng silipin ko ito ay nakapikit pa ang kanyang mga mata kaya niyakap ko na lang siya pabalik at natulog na...

3 months later.....

Jacel
"Babe! Mangga pa pleaseeee" sigaw ko sa fiance ko na nasa kusina, kasalukuyan akong nanonood ng TV kasama ang anak ko na kanina pa kinakausap ang mga kapatid niyang nasa tiyan ko pa

"Coming!" Tugon niya "Mama.. kelan lalabas ang mga kapatid ko?" Inosenteng tanong ng anak ko kaya napatingin ako sakanya "Malapit na.. ilang days na lang lalabas na sila" nakangiting sabi ko at pinagpatuloy naman niyang kausapin ang tiyan ko

"Here babe" sabi ni Art sabay abot sa akin ng mangga, Actually nagleave muna siya sa opisina dahil gusto niya siya daw ang mag-aalaga sa akin "Thank you" masayang sabi ko at hinalikan siya sa labi

Tumabi na siya sa amin ng anak niya "Dada, ano pong pangalan ng mga kapatid ko?" Tanong ng anak namin at nagpakandong pa "Hmmm.. di pa kami nakakaisip ni Mama mo eh, Babe ano nga bang ipapangalan natin sa twins?" Tanong ni Art

"May naisip na ko pero di ko pa sasabihin ngayon gusto ko surprise" sabi ko at lihim na napangiti

Ring Ring Ring

Nagring ang cellphone ni Art at tinignan niya ako kaya tinangoan ko na lang siya, Lumayo siya ng bahagya sa amin

Siguro sa work niya yon dahil ang tagal na niyang nakaleave dito, natapos siyang makipagusap at nagmamadaling umakyat sa kwarto

Bumaba siyang nakabihis at huminto sa amin ng anak niya "Babe I need to go may emergency sa Company" mahinang sabi niya "Okay, Anong oras ka uuwi?" Tanong ko "Hmm.. siguro mga 9:00 pm" sagot niya

"Ok sige, Ingat ka" sabi ko at hinalikan siya sa labi "I will" tugon niya "Dada saan ka po pupunta?" Tanong naman ng anak ko "May work si Daddy ngayon eh.. Ikaw muna ang mag-alaga kay mommy at sa mga kapatid mo ok?" Sabi ni Art kaya tumango-tango naman ang anak niya "Ok Dada! take care" sweet na sabi ng anak ko at humalik sa Dada niya

"Bye" sabi Art bago umalis

Fast Forward.....

It's already 10:06 pm pero hindi parin umuuwi si Art kaya nagsisimula na akong mag-alala nakatulog na nga ang anak ko kakahintay sa Dada niya kaya pinaakyat ko na siya sa yaya niya

Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot...

Ring Ring Ring

Biglang nagring ang phone ko kaya bigla akong natuwa dahil baka si Art na ang tumatawag pero na dismaya ako ng Unknown number ang lumabas, dahil nacucurious ako kaya sinagot ko na

"Hello?" Sabi ko "Hello? ito po ba si Ms. Jacel Ann Rivera ang fiance ni Art jade Montenegro?" Sabi niya kaya napakunot ang noo ko "Opo ako nga po" sagot ko "Naaksidente po si Ma'am Art at kasalukuyan po siyang hinahanap ngayon dahil siya lang po ang nawala sa paglubong ng yate na sinasakyan nila.."
dahil sa sinabi niya ay biglang nanlambot ang mga tuhod ko kaya humawak ako sa upuan para hindi ako matumba

"A-Art.." mahinang sabi ko at nabitawan ko ang aking telepono...

——Author——
Update! Enjoy reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum