Chapter 42

6.8K 200 5
                                    

Jacel
Nagising ako na wala na akong katabi kaya hinila ko ang kumot para pagtakpan ang aking kahubaran, Akmang kukunin ko na ang aking telepono para tignan ang oras ay may nakita akong maliit na papel na nakapatong sa side table

Kinuha ko iyon at binuksan 'Goodmorning beautiful! Hindi na kita ginising dahil ang sarap ng tulog mo, Take your breakfast na ayaw ko na nagugutom kayo ni baby. I love you! Love Art❤️'

Napangiti na lang ako dahil sa sulat na iniwan niya, Hays ikaw lang talaga ang nagpapakilig sakin ng ganito...

Agad-agad ko naman siyang tinawagan "Hello Babe?" Sabi nito sa kabilang linya "I got your letter" sabi ko dito kaya narinig ko naman siyang tumawa ng mahina "Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising kanina pag-alis ko" paliwanag nito

"Okay, magbebreakfast na ko dahil nagugutom na kami ni baby" sabi ko dito "Okay okay, Bye I love you!" Sabi nito "I love you too" sagot ko naman bago ibaba ang tawag, Tumayo na ako para maghilamos pagkatapos ay lumabas na ako para icheck ang mga anak ko

Nakarinig ako ng tawanan sa baba kaya alam kong sila na yun "Goodmorning Mommy!" Bati ng kambal sa akin "Goodmorning mga babies ko, Where's ate?" Tanong ko naman at pinaghahalikan sila sa ulo "She went to school na po.." sagot ni Anastasia, Oo nga pala may pasok si Ariana ngayon...

Nagbreakfast na kami at pagkatapos ay pinaliguan ko na silang dalawa dahil balak kong pumunta ng mall at ibili sila ng damit tutal mamayang hapon pa naman darating ang mga kapatid ko

Nang matapos ko na silang bihisan ay tinext ko na ang fiancee ko para magpaalam "Babe, pupunta ako ng mall kasama ang kambal ibibili ko sila ng mga bagong damit dahil di na sakanila kasya yung mga damit nila" text ko dito ilang minuto pa ay nagreply kaagad siya "Okay, Just keep safe and tell manong na ipagdrive kayo papunta sa mall.. I love you!" Reply nito kaya naman agad akong napangiti "Okay po... I love you more!" Huling reply ko at sumakay na sa kotse

Nang makarating kami sa mall ay agad nagyaya ang aking prinsipe na maglaro kaya ang una naming pupuntahan ay ang bouncy house pagkatapos kong bayaran ang entrance ay umupo na ako sa bakanteng upuan kung saan pwede ko silang panooring maglaro at paminsan minsan ay pinipicturan sila para ipakita sa Dada nila mamaya pag-uwi

Habang pinapanood ko sila ay may umupo sa tabi ko kaya umusog ako nang konti para makaupo ito "Hey" tawag nito kaya lumingon ako dito "Hi?" Parang nagdadalawang isip na sabi ko "Ako nga pala si Blaze" sabi nito at inilahad ang kanyang kamay, Hindi naman ako masunget kaya tinganggap ko ang kamay niya

"Jacel.." sabi ko kaya tumango-tango naman siya kaya bumalik na ako sa panonood ng mga anak ko "Mga kapatid mo?" Tanong nito habang nakatingin sa tinitignan ko kaya natawa ako "Ah No, Mga anak ko sila" sabi ko dito "Oh, so you're married?" Tanong ulit nito

"No, I'm Engage" sabi ko dito "Ah, Sayang naman I thought you're single ang ganda mo pa naman.." wika nito kaya natawa ako "Nambola ka pa" natatawang sabi ko rito "Ikaw wala ka bang asawa o mga anak?" Tanong ko rito

"Nah.. I'm single" sabi nito "Ah.." maikling pahayag ko "So asan na nga pala ang fiancee mo bakit di mo siya kasama ngayon?" Tanong ulit nito "Ah may work kasi siya ngayon" paliwanag ko kaya naman tumango-tango siya

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ang sarap niya kasing kausap hanggang sa matapos na ang oras ng mga anak ko "Mommy!" Sabay na sabi nito at yumakap sa binti ko "Oh pano ba yan? Mauna na kami mamimili pa kasi kami ng mga damit nila eh" sabi ko dito at tumango naman ito "Mommy who is he?" Tanong ni Andrew "Siya si tito Blaze niyo kaibigan siya ni Mommy" paliwanag ko sa anak ko

"Oh siya Blaze tutuloy na kami, Oh magbabye na kayo sa tito Blaze niyo" sabi ko sa mga anak ko at sumunod naman ito "Bye! See you when I see you!" Sabi nito at tuluyan nang umalis habang kami naman ay nagtungo na sa department store para bumili ng mga damit nila at ibibili ko na rin ng damit ang mga kapatid ko pati na si Art

Nang matapos ako sa pamimili ay kumain muna kami sa McDo dahil nagugutom na daw ang prinsesa ko pagakatapos namin kumain ay tumungo na kami sa parking lot para umuwi dahil kinontact ko na ang driver namin

Habang nasa byahe ay tinignan ko sa likod ang dalawa kong anak at napangiti ako dahil tulog na ang mga ito "Ma'am mukhang napagod ang kambal ah" sita ni Mang Rodolfo "Oo manong eh nagtatakbo kase tyaka naglaro pa sa bouncy house" sabi ko dito

4:06 pm na kaming nakauwi at nadatnan ko ang panganay ko na nanonood ng movie sa sala at humalik naman ito sa akin pinabuhat ko na kay manong si Andrew habang buhat ko naman si Anastasia papunta sa kwarto nilang dalawa, Nang masiguro kong tulog na tulog na sila ay bumaba na ako para magluto ng dinner

5:30 pm na nang matapos ako magluto at sakto namang nagsidating ang mga kapatid ko "Hi sa maganda kong ate!!" Maingay na sabi ni Katie sabay yakap sa akin at dahil sa boses na yun ay agad-agad tumakbo sa kanya si Ariana "Tita Katie!!" Masayang bati nito at yumakap sa tita niya

Kaya napailing na lang ako sa dalawang ito at humarap kay Ryan "Hi ate" casual na sabi nito at yumakap sa akin "Oh magbihis na kayo at kakain na tayo" sabi ko rito at agad-agad naman silang nagpunta sa kanya-kanyang kwarto para magbihis na

Tinulungan ko na ang mga maid na maghanda sa lamesa, Habang naghahanda ako ay may biglang yumakap mula sa aking likuran kaya napakislot ako "Haist... Art Mamamatay ako sayo sa takot eh" sabi ko dito at humarap sa kanya na ngayon ay nakangiting aso

"Masyado ka namang matatakutin Babe.. tyaka hindi kita papatayin sa takot kundi sa sarap.." bulong nito sakin kaya hinampas ko siya "Ikaw talaga napaka mo" naiinis na wika ko sakanya "Just kidding Babe" natatawang wika nito at hinalikan ako sa labi

"Oo nga pala asan ang kambal?" Tanong nito "Nasa kwarto ntutulog napagod sa byahe eh" wika ko dito "I'll get them" sabi nito at tuluyan nang umalis sa kusina, Nang makaalis na siya ay siya namang nagsidatingan ang panganay ko at ang mga kapatid ko at umupo na ito para kumain

Ilang minuto pa ay bitbit-bitbit na ni Art ang kambal kaya nagsimula na kaming kumain, Pagkatapos kumain ay umakyat na ako para paghalf-bathin ang kambal habang si Art naman kay Ariana

Nang matapos ay pinatulog na namin ang mga bata at pumunta na kami sa kwarto namin ni Art, Habang nagbabasa ako ng baby book ay humiga siya sa hita ko kaya kapantay na niya ngayon ang aking tiyan

Marahan niya itong hinimas at paminsan-minsan ay kinakausap rin niya ito, napangiti na lang ako dahil sa kasweetan niya kaya hinimas ko ang buhok niya

"Babe.." tawag nito "Hmm?" Sagot ko "May pupuntahan pala tayo bukas ah?" Sabi nito kaya nagtaka naman ako "Ha? Saan naman?" Tanong ko rito "Basta.. It's a secret" sabi nito at ngumisi "Paano yung mga bata?" Tanong ko ulit "Don't worry doon muna sila sa parents ko habang wala tayo" sabi nito kaya napatango na lang ako, May magagawa pa ba ako?

Hmmm... Saan kaya kami pupunta ni Art?

—-Author—-
Update again! Sinisipag na naman ako hahaha Enjoy Reading!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon