Chapter 10

11.8K 328 4
                                    

Jacel
Palabas na ako ng building para umuwi na nang makasalubong ko si Raven "Uh Jacel pwede ba tayong mag-usap?" Nagtataka naman ako sa kinikilos niya dahil mukang seryoso siya, Tumango na lang ako

At Sinundan ko siya kung saan niya gustong mag-usap pumunta kami sa maintenance room at inilock niya ito kaya naman napaatras ako dahil kinakabahan nako sa mga kinikilos niya tumingin siya sakin na nakangisi

"So? Tayo na lang dalawa dito at wala ng mangugulo sa ating dalawa" sabi niya habang nakangising parang demonyo "U-h Raven sa tingin ko hinahanap nako ng mga kapatid ko sa bahay u-uwi na lang ako" Nauutal na sabi ko

Akmang lalabas na ako ng humarang siya "Hep! Saan ka pupunta?" Nakakatakot na tanong niya "U-Uwi na ko" nanginginig na talaga ako sa takot

"Papauwiin naman kita pero bago yun pagsasawaan ko muna yang katawan mo" Ikinulong niya ang dalawang kamay ko at saka pinaghahalikan ang leeg ko No! Please iligtas niyo ako sa demonyong ito

Umiiyak ako habang ginagawa niya ang mga bagay na ito dahil hindi ko siya kayang pigilin dahil hawak niya ang mga kamay ko samatalang wala naman akong lakas para manlaban dahil mas malakas parin siya sa akin

Boogsh
Napatingin kaming dalawa sa pinto ng may marahas na taong nagbukas nito "Ma-m" Bago pa matapos ang gusto niyang sabihin ay dumapo na ang kamao ni Art sa kanyang mukha

Habang ako ay nakatunganga lang na nakatingin sa kanya ng makabawi ako at pinigilan ko ang kamaong dadapo na naman sa mukha ni Raven dahil wala na itong malay "Art tama na yan please hayaan mo ng batas ang magparusa sa kanya ayokong makapatay ka ng dahil sa akin" umiiyak na sambit ko

Binitawan na niya si Raven at tinawag ang mga guwardiya para dakipin siya "Wag na wag niyo ng papasukin ang walang hiyang  yan sa building na toh maliwanag?" Bilin niya sa mga guwardiya nagsitango naman ang mga ito

Bumaling ang tingin sa akin ni Art "Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" Nagaalalang tanong niya "O-Okay lang ako" nanginginig na sagot ko "Tara ihahatid na kita para mas masigurado kong safe ka" yaya niya kaya tumango na lang ako dahil natrauma nako sa nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw

Habang nagdadrive si Art ay katahimikan ang namayani sa loob ng kanyang sasakyan nagred ang stop light "Jacel?" Tawag niya kaya napalingon ako sa kanya

Nang lingonin ko siya ay may hawak siyang isang boquet ng red roses "Para pala sayo" sabi niya na halatang nahihiya, Nakangiting inabot ko naman iyon "Salamat ha" buti na lang at may magandang nagyari sa akin ngayon araw "Walang ano man, Sorry wrong timing ang pagbibigay ko niyan dahil sa nangyari kanina pero wag kang mag-alala hindi ko na hahayang makalapit sayo si Raven" pagaasure niya tipid na ngumiti ako sa kanya at ibinalik ulit ang tingin sa daan

Nang makarating kami sa bahay Hindi ko pa nabubuksan ang gate ay kusa na itong nabuksan at iniluwa nito ang kapatid kong si Kaitie

"Ate Art!!!!" Masayang tawag niya kay Art, Binuhat naman siya ni Art "Hey there little monster! Kamusta ka na?" Tanong ni Art sa kapatid ko "Okay lang po kaso paggising ko nung isang araw wala ka na po sa tabi ko" malungkot na sabi niya habang nakapout pa ang cute lang tignan ng dalawang toh

"Sorry ha di ako nakapag paalam kasi umuwi na ako sa amin eh pero next time dito ako matutulog kung pwede sa ate mo" sabi niya habang nakatingin sa akin

"Oo naman basta pagwala lang pasok si Ate Art" dahil sa sinabi ko masayang umakap si Kaitie kay Art "yehey!" Siya

"Oh siya bumaba ka na diyan sa Ate Art mo at baka hinahanap na siya sa kanila" pagpapababa ko sa kapatid kong parang tukong nakakapit sa leeg ni Art

"Ate naman eh!" Pagmamaktol niya "It's okay sa susunod dadalawin kita ng madalas tapos kakain ulit tayo sa McDo gusto mo ba yon?" Tumango tango naman si Kaitie "Oh sundin mo muna ang ate mo para next time pwede ulit tayong gumala kasi pag di mo sinunod ang ate mo baka hindi na tayo makagala" paliwanag niya sa bata

Sumunod naman si Kaitie at nagpababa na "Oh siya mauna na ko Bye Kaitie!" Siya habang kumakaway "Sige ingat ka ha" ako

Bago pa siya makaalis ay nagsalita si Kaitie "Ate Kiss mo naman si Ate Art sa pisngi kawawa naman siya mukang pagod diba ganun ang ginagawa mo sakin pag pagod ako sa kalalaro" nagulat naman ako sa sinabi niya napatingin din si Art sa kanya

"Kaitie ano ba yang sinasabi mo? Wag ka ng maingay" pagpapatahimik ko sa kanya "Ah basta kapag di mo kiniss si Ate Art di na tayo bati!" Pagmamaktol niya kaya para tumigil na ang kapatid ko ay ginawa ko ang sinabi niya

Hinalikan ko si Art sa pisngi nakita kong namumula naman siya "A-h S-Sige mauna na ako" utal na sabi niya

May epekto din pala ako sakanya kahit papaano, Nang makaalis siya ay pumasok na kami ni Kaitie sa bahay upang mamahinga na dahil napagod ako sa mga nangyari ngayong araw.

———Author———
Update! Chapter 10 done!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedWhere stories live. Discover now