Chapter 21

9.3K 262 3
                                    

Jacel
Papasok na ako ngayon sa trabaho ko kasama ang anak ko dahil walang magbabantay sa kanya ngayon dahil wala ang mga kapatid ko at si Eliza

"Mama bili mo ko ng laruan mamaya ha?" Lambing ng anak ko habang nakahawak sa akin habang naglalakad

"Sige kapag may sobra sa pangkain natin" nakangiting sabi ko dahil gusto ko kahit na mahirap lang kami ay maranasan man lang niya ang mga bagay na wala kami noon

Nang makarating kami sa Drugstore ay pinaupo ko muna siya sa isang sulok at binigyan siya ng lapis at papel dahil mahilig siyang magdrawing

"Dito ka muna ha? Wag kang aalis at tawagin mo lang si mama kapag may problema ok?" Sabi ko at tumango naman siya, Matalino ang anak ko na yan kahit na hindi pa siya nag-aaral dahil minsan pag-may time ako tinuturuan ko siya

Bumalik na ako sa trabaho at panaka-nakang tinitignan ko siya at nang masiguro kong nandoon parin siya

"Ah miss pabili nga ng pracetamol" sabi ng isang babae kaya lumipat ang tingin ko sa kanya "Ilan po?" Tanong ko "dalawa" sabi naman niya kaya kumuha ako ng paracetamol na binibili niya at binayaran niya ito

Nang tingnan ko ulit ang anak ko ay nanlaki ang aking mga mata dahil wala na siya sa pwesto niya kanina lang, Pinabantayan ko muna sa kasama ko ang Botika at lumabas para hanapin ang anak ko

Nahihilo na ako sa kakahanap pero hindi ko pa rin nahahanap ang anak ko, Biglang tumulo ang luha ko dahil baka nakidnap na siya

"Ate mayroon po ba kaung nakitang bata na ganito katangkad at mahaba ang buhok?" Pagtatanong ko Umiling naman siya, Patuloy lang ako sa pagtatanong at ilang oras pa ay...

"Mama!" Teka kilala ko yung boses na yun ah? Nang tignan ko ang pinanggalingan ng boses na yun ay mabilis kong tinakbo ang distansya namin dahil sa wakas ay nakita ko na ang aking anak

"Anak!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang nakayakap sa kanya at pinaghahalikan siya "Saan ka ba nagpunta ha? Alam mo bang nag-aalala na si mama sayo" sabi ko sa kanya

"May nakita po kase akong nagtitinda ng ice cream kaya pumunta ako don tapos nakalimutan ko pong wala akong dalang pera, babalik na po sana ako kaso hindi ko na po alam ang daan pabalik buti na lang at tinulungan po niya ako at alam mo ba mama binili pa niya ako ng ice cream" mahabang paliwanag niya sa akin at ngayon ko lang napansin na may kasama pala siya

Nang mag-angat ang ulo ko ay nasilayan ko ang taong kay tagal ko nang hindi nakikita si Art... Hindi pa rin siya nagbabago ganun pa din ang hitsura niya pero mas lalo lang siyang gumandang gwapo

Tumayo ako "Salamat sa paghahatid ng anak ko, Tara anak" casual na sabi ko at hinawakan na ang anak ko para bumalik na sa botika, Akamang aalis na kami ng hawakan niya ang braso ko "Pwede ba tayong mag-usap?" Namamag-asang tanong niya sakin

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa" pinal na sabi ko sakanya dahil totoo naman ano pa ba ang dapat naming pag-usapang dalawa?

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking braso at bumalik na kami ng anak ko sa botika para ipagpatuloy ang trabaho ko

Time check 5:10pm

Alas singko na ng makauwi kami ng anak ko binuhat ko na siya dahil sabi niya kanina habang namimili kami ng ulam ay inaantok na daw siya, Oh diba siya pa napagod sa aming dalawa

Habang naglalakad ako at buhat ko ang anak ko ay may naramdaman akong sumusunod sa amin kaya lumingon ako at wala naman tao kaya pinagsawalang bahal ko na lang ito dahil baka guni-guni ko lang yon

Nang makarating na kami sa bahay ay inilapag ko ang anak ko sa papag namin at gigisingin ko na lang siya kapag luto na ang hapunan namin

Habang nagluluto ako ay may kumatok sa aming pintuan kaya dali-dali kong binuksan ito at lumantad sa aking harapan si....

—-Author—-
Pasuspense muna haha
Thank you sa mga voters ng story ko!

Ms. PlayGirl's Obsession (gxg) CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin