Prologue

34.6K 420 45
                                    


Mabilis na umikot sa likod si Russ at malakas na sinipa ang batok ng lalaki. Naramdaman nyang may parating na ataki sa likuran nya kaya mabilis syang yumuko at humarap sa lalaki saka hinuli ang pulsuhan sabay suntok sa mukha at sipa sa sikmura.



Maingay na nag hihiyawan ang mga taong nanood sa laban nila, Lalo na ng mapa bagsak ni Russ ang dalawang lalaki, isa na doon ang lider ng Bloods.
Ngumisi si Russ at tinignan ang groupo nya.



“As expected Black Logic Win!”malakas na annunsyo ng MC



Mas lalong nag ingay ang mga tao dahil sa annunsyo ng MC, Expected na talagang manalo ang Black Logic (Ang groupong kinabilangan ni Russ) Ang Rank 1 sa Gangster World. Black Logic, The undefeated Legendary Gangsters.



Matapos makuha ang premyo ay lumabas na sila sa Arena.


“Ate April uuwi muna ako, susunod nalang ako mamaya”sabi ni Russ sa pinsang si April. Naka tanggap kasi sya ng text galing kay Gilbert, ang sekretarya ng Daddy ni Russ. Pinapauwi sya.



“Okay, magingat ka pauwi at dahan-dahan sa pag maneho”bilin nito sabay ngiti



Tumawa naman si Russ, Parang nasa Race track kasi si Russ pag nagmamaneho, parang sya ang may-ari ng highway.



Nag paalam nasi Russ sa groupo at pumunta sa bmw sports car nya na nasa parking lot.



“Russ wait!”



Napalingon sya sa likuran nya at nakita si Marcus na patakbong lumapit sa kaniya.


“Oh bakit?”tanong nya



“Tara sa kotse ko”hindi na nakapag salita si Russ ng hilain na sya ni Marcus papunta sa kotse nito.



“Bakit may sasabihin ka?”tanong ni Russ



“Wala pero gagamutin ko muna ang sugat sa gilid ng labi mo, Baka magalit na naman si Tito Robert pag nakitang may sugat ka na naman”



Napatingin si Russ sa Rearview Mirror at napa simangot “Bwesit na leon!”inis nyang sabi. Mahina namang tumawa si Marcus.


“Hayaan mo nalang napa bagsak mo naman sya kanina”



“Yeah right”anito at humagikhik.


Pinabayaan nya lang si Marcus na gamutin ang sugat nya. Gawain na ni Marcus ang mag gamot sa sugat ni Russ matapos ng Gang Fight, Inshort instant nurse nya si Marcus.


“Done, Parang walang sugat na nangyari sa gilid ng labi mo”sambit ni Marcus.



Tinignan naman ni Russ ang sugat na ginamot ni Marcus sa Rearview mirror, Oo nga at tama si Marcus parang walang sugat na nangyari sa gilid ng labi nya. Matapos kasing gamutin ni Marcus ang sugat ni Russ ay nilagyan nya ng kunting concealer ang sugat para magmukhang walang sugat don banda.



“Salamat Marcus”aniya at ngumiti



“Ano pa bang magagawa ko, Ayokong mapa galitan ka na naman ng Daddy mo”anito



Nag paalam nasi Russ kay Marcus at bumalik na sya sa Bmw sports car nya. Dahan-dahan lang ang pag maneho nya dahil nasa parking lot pa si Marcus, Baka isumbong sya nito kay April kong makitang mabilis ang pagmaneho nya. malalagot na naman sya kay April kong sakali. Last time na nahuli sya ni April na nag paharurut naka tanggap sya ng kurot sa tagiliran at hindi sya nito pinansin at ayaw nyang mangyari yon ulit.



Hindi sila magkapatid, mag pinsan lang. pero magkapatid ang turingan nila sa isat-isa lalo nat nag-iisang anak lang sila ng mga magulang nila.



“Abigail your principal called me sinabing nag drop out kana sa Liandale University, Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?”bungad ng Ama nya ng pumasok sya sa Opisina rito sa Mansyon nila.



Huminga ng malalim si Russ, Hindi nya akalain na ito pala ang dahilan kong bakit sya nito pinatawag. Komportableng umupo si Russ sa pang-isahang sofa na nasa unahan ng mesa ng ama nya.




“Dad may ginawa kaming deal ni France, Pag natalo ko sya sa racing aalis sya sa LU at Pag natalo naman niya ako aalis ako sa LU, unlucky natalo ako kaya nag drop out ako sa LU tulad ng deal namin, Kilala mo ako Dad may isang salita ako”simpleng sabi nya sa Ama para bang nag kwento lang sya ng fairytale story, Samantalang ang ama nya ay hindi maka paniwalang naka tingin sa kaniya at medyo masama ang tingin nito sa kaniya.




“Russ Abigail De Leon naririnig mo ba ang pinagsasabi mo? Maraming tulad mo ang gustong makapag aral at ikaw mag da-drop out ka lang ng ganun ka simple at sa walang kwentang deal nyo ng France na yon? Siniseryoso mo ba ang pag-aaral mo Russ Abigail? You Disappointed me Anak”




Tahimik na naka yuko lang si Russ habang pinapangaralan ng Ama, hindi sya nag salita dahil alam nyang tama naman ang ama nya. Kong hindi lang sya nilagnat nong panahong nag racing na sila ni France hindi sya natalo. Ikaw ba naman ang inaapoy sa lagnat at nakipag racing pa. Hindi ugali ni Russ ang pag atras pag may deal na pinag-usapan, Kahit anong mangyari hindi sya aatras. Kaya nga kahit inaapoy sa lagnat sinipot parin nya si France para makipag racing.



“I’m sorry Daddy”mahinang sabi nya habang naka yuko parin.



Malalim na napa buntong hininga ang Ama nya.




“Sasabihin ko kay Gilbert na ayusin nya ang paglipat sayo sa Prime University, And please Anak be a good girl and be serious this time”



“Yes Daddy Promise”




Matapos halikan ni Russ ang pisngi ng Ama ay nag paalam na syang pupunta sa kwarto nya.



Pang limang Unibersidad na ngayon ang lilipatan ni Russ, Dahil sa unang unibersidad na pinasukan nya ay na kick out sya dahil sa sinuntok nya ang anak ng may ari ng unibersidad, hindi lang anak ng may ari ng unibersidad pati narin ang ibang lalaki, at sa nangyari sa pangalawa at pangatlong unibersidad na pinasukan ay ganun parin ang nangyari at lagi ding nag ka-cutting classes, at sa pang-apat naman ay yong pinag-usapan nila ng ama ngayon lang.





***

MAIN CHARACTER: BLACKPINK LALISA MANOBAN❤

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now