Chapter 13

5K 112 2
                                    

*Russ*




“Russy paabot ng maliit na brush”sabi ni Maurine at agad namang inabot ni Russ sa kay Maurine ang pinakuha. “Thankie”



Busy ang buong BSBA students dahil sa paggawa ng mga praps para sa booth nila. Horror booth kasi ang kanila kaya madaming gawain.




Gumawa ng ulo, kamay, paa at katawan si Russ gamit ang mga news paper at karton, Busy sya sa ginagawa ng may sumulpot na mineral water sa mukha nya kaya agad nyang tiningala ang may gawa no’n.


“Napaka seryoso mo sa ginagawa mo ah, Uminom ka muna ng tubig baka na-uuhaw kana, kanina pa kita na papansin na hindi man lang tumayo sa kina-uupuan mo”sabi ni Razel at nag indian seat sa tabi nya.


“Thanks, kailangan kasing matapos ko agad ‘to dahil tutulong pa ako sa ibang gagawin na praps”aniya at uminom sa mineral water na bigay ni Razel




“I see, need help?”


“Ikaw bahala”



Natapos nasa paggawa ng paa, ulo at katawan si Russ ng mapansing hindi parin natapos si Razel sa kamay. Tagpo ang kilay nito at bahagyang naka simangot pa, ngumisi sya saka tinapik ang balikat ni Razel.


“Baka himalang mag snow hindi ka parin tapos dyan”mapang-asar na sabi nya.



Naka simangot na binitawan ni Razel ang ginawang kamay saka tinignan sya “Paano ba kasi gumawa ng kamay? hindi mo man lang ako tinuruan bago ako nag simula”naka simangot nitong sabi


Mahina nyang pinalo ang braso ni Razel “Aba malay ko, akala ko marunong kang gumawa eh hindi naman pala”aniya at tumawa



“Kesa pag tawanan mo ako turuan mo nalang kaya akong gumawa ng kamay”anito, Ngumisi sya at umiling. Para kasing bata si Razel na inagawan ng candy.



“Ganito kasi ang pag gawa, Kumuha ka ng pitong news paper saka gawin mong bola, pagkatapos kunin mo yong glue at ipag dikit-dikit mo ‘yong pitong bolang news paper dapat pa straight---Hoy wag ka sakin tumungin dito sa ginagawa ko”sabi nya ng mapansing naka titig sa kaniya si Razel at hindi ito tumingin sa ginawa nya.



“Sorry nakaka distract kasi ang kagandahan mo”ngumisi ito saka kumindat.



Hinampas nya naman ito ng glue sa noo “Bolero, makikinig ka o pababalikin kita sa booth nyo?”pinagtaasan nya ito ng kilay.



Ngumisi lang ito habang naka taas ang dalawang kamay “makikinig na po”anito at pabirong umirap sya.





Hindi naman nag tagal ay nakuha ni Razel kong paano gumawa ng kamay. Dahil na gawa na nila ang apat na parte ay pinag dikit-dikit na nila ito sa katawan hanggang sa nabuo ang katawan ng tao. Nilagyan din nila ‘yon ng bandage ang buong katawan, kaya nag mukhang mommy.



“Ang galing natapos na ang mommy!”masayang sabi ni Russ sabay aper nila ni Razel



“Saan ka natutong gumawa nito? ang galing ah gawa lang sa news paper at karton may mommy na”tanong ni Razel at halata ang pag hanga nito sa boses.



“Kagabi ko lang din ito natutunan, nag hanap ako sa youtube then pinag-aralan ko”


“Aba fast learner ah”





“Huy Razel kong tulungan mo kaya kami dito sa booth natin!”malakas na sigaw ng ka block ni Razel na nasa kaliwang bahagi ng field. Tatlong booth lang ang pagitan kaya narinig ang pag sigaw nito.




She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now