Chapter 23

4.3K 97 13
                                    

*RUSS*


Papunta sa Parking lot si Russ dahil may natangap siyang text galing kay Razel na may pupuntahan daw sila. Pumayag naman siya dahil tapos na ang lahat ng klasse niya.


Tumaas ang kilay ni Russ ng salubongin sya ni Jerd Lim sa dinadaanan niya. "Bakit? May kailangan ka?"tanong ni Russ.

"Sundin mo nalang ang sinabi ni Savana Russ para walang mangyaring gulo, hindi mo alam kong anong kaya niyang gawin makuha lang ang gusto niya"saad nito na mas nagpataas ng kilay niya pero alam niya ang gustong ipahiwatig ni Jerd sa kaniya.


Napailing nalang siya "Sabihin mo dyan sa Savana na yan na hindi ako natatakot sa balak niyang gawin hindi ako aso para sundin ang gusto niya"aniya at nilampasan ang lalaki. Bigla nalang kasi siyang nainis dahil sa babala nito. Tsk


"Oh bakit naka simangot ka?"Agad na tanong ni Razel ng makapasok siya sa kotse nito.

"Wala nagugutom lang ako"aniya at bumaling kay Razel. Wala siyang balak na sabihin kay Razel ang maikling pag-uusap nila ni Jerd. Nonsense lang naman ang pinag-usapan nila. "San mo ba ako dadalhin?"tanong niya.


"Sa puso ko"pilyo nitong sagot.

Tinawanan niya lang ang hirit nito kahit na kumabog ang puso niya "gusto mo ng sapak? Korni nito"hindi niya napigilan ang ngiting sumilay sa labi niya. Tumawa naman si Razel at nanunuksong tinusok-tusok ang tagiliran.


"korni daw pero kinilig yiieee nag bablush sya"

"manahimik ka nga!"


Tumatawang binuhay naman nito ang kotse saka nagmaneho palabas ng skwelahan. Tumingin siya sa labas ng bintana at parang sira-ulong ngumi-ngiti ng mag-isa. Alam na alam talaga ni Razel kong paano pakabugin ang puso niya.




"What the? Race track to ah"sambit niya ng dahan-dahang nag pa-parking si Razel. Nilingon niya ito at nakitang may naglalarong ngiti sa labi nito. "Anong gagawin natin dito?"tanong niya.



"Nagkayayaan kaming magkakaibigan na mag racing lalo na't minsan nalang kami ma completo dahil sa ibang University ito nag-aaral"


"Okay, so anong ginagawa ko dito e mag bobonding pala kayong magkakaibigan?"



Ngumisi ito at nag tanggal ng seatbelt "Ipakilala kita sa kaniya, saka hindi lang naman dito tayo pupunta may pupuntahan pa tayong iba pagkatapos ng racing"


"Eeeh? Saan naman saka malapit ng mag-gagabi oh"


"Basta ako bahala sayo"



Kumindat pa ito. Pinagbuksan siya ni Razel ng pintuan at giniya siya papunta sa mga kaibigan niya. Nasa loob na sila ng race track ng matanaw niya ang limang magagarang sports car na halos magpalaglag ang panga niya. What the fuck?. Sa gitnang sports car ay merong apat na lalaking nag-uusap. Napamilyaran niya ang tatlong mukha. Sina Ryan, Brek at Jason, Ang pang-apat na lalaki ay hindi niya makita ang mukha dahil naka talikod ito. Baka ito ang kaibigan ni Razel nasa ibang University nag-aaral.



"Yow guys!"bati ni Razel ng maka-lapit sila sa apat na lalaki. Nagsi lingunan naman ang apat na lalaki at laking gulat niya ng makita ang bagong mukha. What the hell? Kahit ang bagong mukha ay halatang nagulat ng makita siya.


"What the hell? France?"

"Russ?"


Hindi makapaniwalang nagkatinginan sila ni France Marquez. Ang lalaking lagi niyang kalaban pag dating sa Racing. Ito ang ipakilala ni Razel sa kaniya? At kaibigan niya itong si France Marquez? Huh! What a small world.



"Teka magkakilala kayo?"takang sabat ni Razel sa titigan nila ni France. Sabay nila itong tinignan.

"Yes"siya ang sumagot at muling tumingin kay France na hindi parin maka paniwalang makita siya. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya ng maka-bawi sa gulat. "Ofcourse Razel kilalang-kilala ko ang kaibigan mo"aniya na hindi pinutol ang tingin kay France na mukhang nakabawi nadin sa gulat. "Diba France Marquez?"ngumiti sya ng pagka tamis-tamis. Nalukot naman ang mukha nito na ikinatuwa niya. Namiss niyang asarin ang asar-talong si France.



"Paano kayo nagkakilala?"usisa ni Razel na halata ang kuryosidad sa gwapo nitong mukha.


"Well.. Parehong University ang pinasukan namin ni France noon bago ako lumipat sa University natin ngayon"sagot niya


"At lumipat siya sa University nyo dahil natalo ko siya sa Deal namin"pagmamayabang na sabi ni France. Tsk! Hindi parin pala nag bago ang hambog na ito.


"Anong klaseng deal?"Si Ryan naman ngayon ang nag tanong na naka ngising sinagot naman ni France.


"Racing, pag natalo nya ako mag da-drop out ako at pag siya naman ang natalo ko mag da-drop out si Russ"


"ANO?"gulantang na gagad ng tatlo dahil sa rebelasyon na sinabi ni France. Napailing nalang siya, napaka hambog talaga. Eh isang beses palang naman nito natalo si Russ dahil nga may sakit si Russ nong araw ng Racing nila. Tsk.



"Russ?"nagtatanong ang mukhang tinawag siya ni Razel. Nilingon naman niya ito at ginawaran ng ngiti.


"Oo tama si France at oo sumasali ako sa racing"Aniya at pinagkruss ang mga brasong tinignan si France "At ikaw, proud na proud masyado dahil na talo mo ako eh isang beses mo pa naman akong natalo sa mga racing natin tsk"aniya at pinagtaasan ng kilay si France na sumama ang tingin sa kaniya, wala siyang paki.



"totoo France? Pffft-- akala ko ba ikaw ang pinakamagaling sa racing na sinalihan mo"natatawang sabi ni Brek


"Shut up brek o talagang babalian kita ng buto"banta nito at masama siyang tinignan, Nagkibit balikat lamang si Russ habang naka ngisi.



"okay i get it"muling pagsasalita ni Razel na mukhang naintindihan na ang lahat, Inakbayan siya nito na ikinakabog ng puso niya. Talaga naman oh. "hindi ko na pala kailangang ipakilala si Russ sayo France, magkakilala na naman pala kayo"anito at ngumiti


Tumaas naman ang kilay ni France "Mukhang close na close kayo ni Russ ano mo ba siya Girlfriend?"Usisa nito.



"Nako France masanay kana ganyan talaga yang dalawa parang linta pag magkasama pero walang sila sadyang naglalandian lang silang dalawa"hirit ni Jason



Pareho nilang sinamaan ng tingin ni Razel si Jason dahil sa sinabi nito pero tinawanan lang sila ni Jason "Pero malapit na silang mag jowa diba Raz?"bawi nito at tinapik ang balikat ni Razel.


Bigla namang nag-init ang mukha niya, hutangina talaga tong si Jason, pero na wala ang kilig niya ng magsalita si France.



"Hindi ko akalaing marunong ka palang pamulahan ng pisngi Russ"Anito at nang-aaasar na ngumiti. Masama naman niya itong tinitigan.


"talagang makakita ka ng pula pag dadanak ang dugo mo dito pagsasagasaan kita!"pambabara niya na kinainis naman ni France. Dali talagang mapikon ang hambog. Nagtawanan naman sina Razel sa pambabara niya kay France na naka simangot.


"Tama na yan simulan na natin ang racing! One k ang pustahan"annunsyo ni Ryan at lahat ay sumang-ayon maliban sa kaniya.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now