Chapter 14

4.7K 108 1
                                    

*Russ*



"Baka possible ngang si Savana ang Boss ng mga lalaking dumukot sa'yo Russ"sabi ni Marcus


"Hindi ko alam Marcus hindi pa ako sure kong sya nga ang boss ng mga lalaking 'yon"aniya


"May malaking posibilidad Russ dahil base sa sinabi nya kahapon sayo na buhay ka pa pala, clue na 'yon"


"Pwedeng clue 'yon Marcus pero kailangan ko pa ng malaking ebidensya kong sya nga ang Boss ng mga lalaking dumukot sa'kin"



Tumango-tango naman si Marcus "Basta mag-ingat ka lang palagi at pag may kailangan ka sabihin mo agad sakin okay?"sabi nito at ngumiti. Tumango naman sya saka ngumiti din. "Wag kang mag-alala 'yong mga lalaking dumukot sa'yo ay naka kulong parin ngayon, tinatanong parin sila ng mga polis kong sino ang boss nila"



Pinag-uusapan nila si Savana dahil sa sinabi nito kahapon sa kaniya na buhay pa pala sya. Dahil nababagabag sya dahil do'n kinuwento nya kay Marcus. Matapos mag-usap ay nag paalam na sya kay Marcus dahil kailangan nya pang pumunta sa University.




"Russ sa'n ka galing? pumunta ako sa inyo pero sabi ng kasambahay nyo umalis kana daw"sabi ni Razel ng makita itong naka tayo sa gate ng University, Mukhang hinihintay sya.



"Ah sorry Razel nakipag-kita kasi ako kay Marcus, meron lang kaming pinag-usapan"










*Razel*




"Ah sorry Razel nakipag-kita kasi ako kay Marcus, meron lang kaming pinag-usapan"




Nag pantig ang tenga nya ng marinig ang pangalan ng Karibal nya, Oo karibal ang tingin nya kay Marcus. Lalaki sya at alam nyang may gusto itong si Marcus kay Russ, Sa mga tingin palang nito kay Russ ay kakaiba. Kahit isang beses palang silang nag kita ni Marcus agad niyang nahalata na may gusto si Marcus kay Russ. at ano ang pinag uusapan nila?




Napa tiim bagang sya at mariing kinuyom ang mga palad, Nag seselos sya Oo. Sino ba naman kasi ang hindi mag seselos kong ang babaeng gusto mo may kinitang iba. Bwesit na Marcus 'yon.



Huminga sya ng malalim at kinalma ang sarili lalo na nong mapansin ang pag ka kunot ng noo ni Russ habang tinitigan sya.



"Okay ka lang ba?"tanong nito


Tumango at ngumiti "Oo naman bakit hindi? Magandang babae ba naman ang kaharap ko ngayon"sabi nya at ngumisi


Umikot naman ang mata ni Russ at tumawa "Heh! bolero ka talaga"


Nilapitan nya si Russ saka inakbayan "Game ka bang pumasok sa mga booth at mag laro?"tanong nya sabay ngisi



"Sige ba basta libre mo"biro ni Russ saka ngumisi.



Kahit biro 'yon ni Russ ay tinotoo nya parin. Syempre ililibre nya ang babaeng gusto nya at wala syang balak na pagastusin ito kahit piso.




First year to Fourth year college na booth ang pinuntahan nilang dalawa, Nag mistulang peryahan ang malawak na quadrangle ng Prime University dahil sa madaming booth na nag kalat. Madami din silang na laro at may na ibigay syang baby pink na teddy bear kay Russ ng manalo sya sa Shooting Gallery na booth ng Fourth year level.




"Ang cute nitong bear Razel thank you"maligayang sabi ni Russ, malaki ang ngiti nito na pati ang mga mata ay ngumingiti din.



"Welcome, Cute ang bear dahil cute din ang humawak"banat nya saka ngumiti ng wagas.




Matapos gumala sa mga booth ay pumunta sila sa booth nina Russ, Nandoon din ang mga kaibigan nila na nag uusap.



"Sa wakas dumating narin kayong dalawa!"malakas na sabi ni Maurine



"Tapos na kayong mag Date 'di ba? kami naman ni Maurine ang mga date ngayon at kayong dalawa ang mag bantay ng booth"sabi ni Ryan at hinila si Maurine at mabilis na nawala sa harapan nila.




"Una narin kami Raz, Russ mang chi-chix haunting muna kami ni Brek"naka ngising sabi ni Jason sabay kindat at mabilis na nawala ang dalawa sa harapan nila.



Napa sunod silang dalawa sa mga kaibigang biglang nag si-alisan. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na natawa. Kanina pa pala ang mga 'yon na nag hintay sa kanila.



"Dito ka muna bibila lang ako ng makakain natin, mabilis lang 'to okay"sabi nya




Ngumiti at tumango naman si Russ "Okay"sagot nito









*Russ*




"Wow ang dami nating customers!"masayang sabi ni Ivan, ang ka block ni Russ


"Oo nga eh kailangan nating mag print ng bagong tickets baka mamayang hapon mas dadami ang customers natin"sabi nya



"Oo nga tama ka Russ"



Hindi lang kasi PU students ang kasali sa foundation day, Nag papasok din kasi ng outsider ang Principle kaya madaming tao. Pero hindi ka basta-bastang maka pasok kong wala kang School ID na ipapakita.





*Ehem*




Napalingon sya sa taong tumikhim at agad na ngumiti ng makitang si Razel 'yon, naka balik na pala galing sa pag bili ng pagkain. "Razel naka balik kana pala"aniya ng naka ngiti.



Lumapit si Razel sa kaniya saka nilapag ang cellophane sa mesang kaharap nya. "Pagkain mo, Favorite mo lahat ng 'yan"sabi ni Razel at tinignan ang lalaking ka block ni Russ na nasa likuran. Tumingin sya kay Razel saka sa ka block nasi Ivan. Suplado ang tingin ni Razel kay Ivan.



"Uh Russ may bibilhin lang ako saglit, babalik din ako maya-maya"sabi nito at ngumiti


"Okay mabuti ngang kumain ka muna, ako na muna ang mag babantay ng booth natin"sabi nya at tumango naman si Ivan saka umalis.




Pinalo nya si Razel sa braso ng mawala si Ivan "Huy ba't ang suplado mong tumingin kay Ivan wala naman syang ginagawa sayo ah"puna nya



Umismid ito saka tumabi ng upo sa kaniya "Bakit ba? eh sa ayaw ko sa lalaking 'yon"sabi nito at nilabas ang mga pagkaing binili.


"Eh? bakit naman mabait naman si Ivan ah"



"Tsk wag na ngalang natin pag-usapan ang lalaking 'yon.."naka simangot na sabi ni Razel "Heto oh ubusin mo lahat, Binili ko 'yan lahat para sayo"patuloy ni Razel na ngayon ay nawala na ang simangot sa mukha dahil naka ngiti na ito.



Iba din ang pag palit ng emosyon ng lalaking 'to eh.



Nanlaki sa surpresa ang mga mata ni Russ, Oo nga at mga paborito nya ang mga binili ni Razel para sa kaniya. Lasagna, Fries at milktea ang mga 'yon. "Wow! Thank you Razel!"maligayang sabi nya at napapalakpak pa.



"You're always welcome Russ, Kumain kana at ubusin mo lahat ng 'yan"

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now