Chapter 26

3.3K 80 4
                                    

*Razel*


Maraming nagkalat na mga bote ng beer sa sahig ng kwarto ni Razel habang ito ay naka salampak sa sahig habang umiinom ng beer. Tatlong oras na siyang umiinom na para bang isang tubig lang ito. Mariin niyang pinikit ang mga mata dahil sa hilo ng subukan niyang tumayo.

Nakapikit ang mga mata at isang tao lang ang nakita niya, Si Russ na naka ngiti. Iniling niya ang ulo at kumuha ng panibagong beer at ininom iyon. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa nalaman.



Matapos ang basketball training nila ay agad niyang hinanap si Russ para sabay silang mag Lunch, Imbis nasi Russ ang makita ay si Savana ang nakita niya. Naka ngiti itong sumalubong sa kaniya.

“Can we talk Razel?”

Ibubuka sana niya ang bibig ng muling itong magsalita. “About Russ”

Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nito at naging interesado dahil nabangit ang pangalan ni Russ. “Anong pag-uusapan tungkol kay Russ?”puno ng interest na sabi niya.

Gumuhit ang ngiti ni Savana sa labiYou want to know a little secret?”

“Deritsuhin mo ako Savana dahil kailangan ko pang hanapin si Russ”

Sarkasmong ngumiti ito habang may galit sa mata ng bangitin niya ang pangalan ni Russ pero hindi na niya iyon binigyang pansin.

“Alam ko ang storya ng ate mo Razel, Na ginahasa siya ng mga gangsters habang nasa ibang bansa siy----”

“Shut up! Ano bang gusto mong sabihin!?”nawalan na siya ng pasensya lalo na’t nabangit ang nangyare sa ate niya.

“You loathe Gangster right? Dahil sila ang may kasalanan kong bakit tinapos ng ate mo ang buhay niya”

Tiim bagang niyang tinitigan si Savana at mariing kinuyom ang palad.

“You want to hear a secret?”Mala demonyong ngumisi ito “She’s a Gangster, Russ is a Gangster”


Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig iyon hindi agad siya naniwala baka sinisiraan lang ni Savana si Russ sa kaniya para magalit siya kay Russ. Pero hindi dahil totoo ang sinabi ni Savana lalo na nong sinama siya ni Savana sa Arena. Kong saan ang mga gangster na mag laban-laban.


Doon na siya naniwala ng buo, Nasa entrance siya ng Arena naka tayo habang pinanood ang buong laban ni Russ sa isang malaking lalaki. Hindi siya makapaniwala sa nakita, akala niya kilalang-kilala na niya ito dahil sa lagi silang magkasama pero hindi pa pala, hindi niya pa ito lubusang kilala.


Tuliro ang isip ni Razel at hindi niya alam kong paano harapin si Russ dahil taga makita niya ito ay maalala niya lang kong bakit nagpakamatay ang ate niya. Oo walang kinalaman si Russ sa pagkamatay ng ate niya pero sa kaisipang isang Gangster si Russ hindi niya matangap-tangap dahil naaalala niya lang ang mga lalaking nambababoy sa ate niya, isang masamang bangungot sa kaniya ang mga Gangster.

She’s a gangster Fuck! Hindi siya makapaniwala!







*Russ*


Mag a-apat na araw na pero hindi parin siya pinapansin ni Razel kahit anong gawin nya kahit anong pagmamakaawa niya. Tinutulungan na siya ng barkada para maka-usap si Razel pero wala paring resulta, nawawalan na siya ng pag-asa pero sinusubukan niya parin. Hindi dapat siya mawawalan ng pag-asa hanggat hindi niya maka-usap si Razel at maipaliwanag ang sarili.


Nasa labas ng boys locker room si Russ hinihintay na lumabas lahat ng lalaki para maka-usap si Razel, wala na siyang ibang plano kong paano maka-usap si Razel, mas mabuting nasa maliit na lugar sila para hindi agad maka takas si Razel pag mag tangka siyang magsalita.

“Pumasok kana siya nalang ang natira sa loob”imporma ni Ryan sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango.

“Salamat Ryan”

“Sus wala yon saka hindi ako sanay na hindi kayo magpansinan kaya mag-ayos na kayo”

Sana nga madaling maayos ito pero malabo. Pero hindi siya susuko hindi madaling sumuko ang isang De Leon.

Muli siyang ngumiti at tumango saka tahimik na pumasok sa loob. Agad niyang nakita si Razel na naka upo sa pahabang upuan, nasa balikat pa nito ang puting tshirt at mukhang malalim ang iniisip. Tumikhim siya para kunin ang attensyon ni Razel at nag tagumpay naman siya. Ang malamig nitong mata ay tumingin sa kaniya, tumiim ang bagang nito at tumayo. Mabilis nitong sinuot ang damit at sinarado ang locker.

Nang lalampasan siya ni Razel ay naging alerto siya, mabilis niya itong hinawakan sa braso para pigilan. Muling tumingin ang malamig na mata ni Razel sa kaniya, parang tinusok ng karayom ang puso niya dahil sa lamig ni Razel sa kaniya pero tinibayan niya ang sarili at matapang na tumingin sa mata ni Razel.

“Please mag-usap tayo let me explain Razel Please”pagmamakaawa niya. Hinawakan ni Razel ang kamay niya at marahas na inalis yon sa braso nito at mabilis na lumabas ng locker room. Sinundan niya din ito at muling inabot ang kamay ni Razel.


“What the fuck Russ ano bang problema mo? Hindi kaba marunong makiramdam? Ayaw na nga ng tao sayo sinisiksik mo parin ang sarili mo lubayan muna ako pwede ba!?”


“Gusto ko lang mag paliwana---”


“Anong gusto mong sabihin? Gusto mong malaman ko na gumagawa kayo ng illegal, nag deliver ng drugs, may minuder kayo? Na tulad din kayo sa mga hayop na nambababoy sa ate ko Ano!?”


Parang may tumarak na punyal sa puso ni Russ dahil sa masasakit na salitang sinabi ni Razel pero naintindihan naman nya iyon dahil sa nangyari sa ate nito. Puno ng poot ang mga mata ni Razel na nakatingin sa kaniya. Yumuko siya para itago ang sakit na bumalatay sa mga mata niya.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now