Chapter 29

3.4K 87 3
                                    

*Russ*


Tagaktak ang pawis ni Russ ng matapos ang kanilang practice, nilapitan niya ang bag na nilagay niya sa gilid ng stage. Kinuha niya ang puting face towel at pinunasan ang mukha, leeg at braso, Dalawang oras na silang nag pa-practice ng groupo pati narin ang mga kandidata.


“Argh!”binalik niya ang tumbler sa bag ng makitang wala ng laman iyon, Tinignan niya si Maurine na kakaubos lang din ng tubig sa tumbler nito habang kausap ang isang membro ng groupo.


“Mau caf lang ako bibili ng tubig”paalam niya at bumaba ng stage. Binigyan niya ng ngiti ang mga kilalang basketball player ng daanan niya ang mga ito, hindi na siya nangahas na tingnan ang captain ng team dahil paniguradong sisikip lang ang dibdib niya. Kasama kasi nito si Savana na parang linta kong makakapit sa braso ni Razel.


Matapos bumili ng tubig sa Caf ay pumunta munang Garden si Russ para magpa hangin. Bumuntong hininga siya at tinanaw ang magagandang bulalak. Napatingin siya sa gilid niya ng maramdang may tao, Nang tingnan niya ito ay parang tumalon ang puso niya at bahagyang umawang ang kaniyang labi ng makitang si Razel ang taong iyon, papalapit sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga mata at matagal na nagkatitigan. Miss na miss na niya ito pero wala siyang magawa dahil ayaw na nitong makasama siya.



Nalilito siya kong anong ginagawa ni Razel sa Garden, Magpapahangin din ba ito gaya niya? Pero bakit lumapit ito sa bench na kinauupuan niya? And the worst is umupo pa ito sa tabi niya? Napatiim bagang si Russ at humigpit ang hawak niya sa concrete bench para pigilan ang sarili na yakapin ang katabi, nangangati ang kamay niyang yakapin si Razel.


Siya ang unang nag-iwas ng tingin at huminga ng malalim, gustong mag tanong si Russ kong kamusta na ba ito o okay lang ba ito, pero dumaan sa isipan niya si Savana, Mapait siyang ngumiti. Oo nga pala okay lang pala ito at paniguradong masaya ito ngayon dahil nagkabalikan na ito at si Savana. Tinignan niya ang palapulsuhang relo at nakitang tapos na ang break time nila, tumayo na siya. Muli niyang tinignan si Razel na deritso sa harap ang tingin, mukha itong may malalim na iniisip. Gusto niyang malaman kong ano ang iniisip nito pero pinigilan niya ang sarili.



“Mauuna na ako”mahinang aniya hindi agad siya lumakad dahil baka may sasabihin ito, Pero sino ang niloloko niya? Wala na itong pakialam sa kaniya. Napayuko siya at mariing kinagat ang ibabang labi saka tumalikod at nagmamadaling makalabas ng Garden.


***


“Russy mauuna na ako sayo ah may family dinner kasi kami ngayon”

Tumango siya at ngumiti “Okay magingat ka pauwi saka malapit narin akong matapos”

“Okay bye ingat ka din pauwi”

“Bye Mau”




Siya nalang ang naiwan sa locker room ng narinig ang pagbukas at sarado ng pintuan. Matapos mag shower ay nag bihis agad si Russ ng Adidas leggings and white tshirt. Umupo muna si Russ habang pinapatuyo ang mahabang buhok gamit ang puting tuwalya. Nang hindi na masyadong basa ang buhok ay sinuklayan niya ito habang pinasok ang ibang gamit sa locker at sinukbit ang bag sa balikat. In-off na niya ang ilaw sa loob ng locker room at nagsimula ng maglakad sa hallway.


Hindi pa nga siya naka abot sa gitna ng hallway ng may biglang humigit sa kaniya at pinasok sa loob ng classroom. Malakas siyang napa singhap dahil sa biglaang panyayari, nahulog niya pa ang bag sa sahig. Madilim ang classroom kaya hindi niya makita ang taong humigit sa kaniya.


Hinawakan niya ang kamay na naka takip sa bibig niya at pwersahang inalis at mabilis na hinarap ito sabay sipa sa tyan, Umingay ang mga upuan dahil sa pagkatumba ng tao at narinig niya pa itong dumaing at nag mura. Nang makita ang switch ay nilapitan niya ito at in-on ang ilaw. Labis na gulat at nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang mukha ng lalaking humigit sa kaniya sa madilim na classroom.


She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now