Chapter 9

5K 116 0
                                    

*Russ*

“Mau anong nangyari kay Razel?”tanong nya sa kaibigan.



“Hayaan mo muna sya Russy, palamigin mo muna ang ulo non”sabi ni Maurine.




Tumaas ang kilay nya “Palamigin ang ulo? Bakit ano ba kasi ang nangyari sa kaniya? Okay naman kami kanina ah”aniya “Nasaan ba sya? Pupuntahan ko”




“Ewan ko kay Razel baka tinopak lang yon saka hindi ko alam kong nasan sya”sagot ni Maurine




“Dito ka muna hahanapin ko lang si Razel”sabi nya saka umalis. Hindi sya mapalagay kong bakit ganun ang inasal ni Razel kanina, Kailangan nyang mahanap ito para makausap.




“Brek Nakita mo ba si Razel?”tanong nya ng maka salubong ang kaibigan.




“Nakita ko syang pumuntang rooftop”sagot nito “Buti pa nga puntahan mo yon, mainit ang ulo eh. Sure akong maging okay yon pag pupuntahan mo yon”patuloy ni Brek at makahulugang ngumisi




“Yon nga ang gagawin ko pupuntahan ko sya, Thanks Brek”sabi nya at nag tungo sa Rooftop. Medyo nahirapan pa syang hanapin ang daan papunta sa rooftop dahil napaka laki ng Mansyon at hindi nya kabisado ang daan dahil ngayon lang sya naka punta sa Divera’s Mansion.




Dahil glass door ang pintuan sa rooftop ay nakita nya si Razel doon, pero hindi mag-isa. May kasama itong babae na kahit malayo ay kilalang-kilala nya. Savana Ferrer. Huminto sya sa pagslide ng glass door at tinignan ang dalawa. Magka-usap ang dalawa at napaka seryoso ng mukga ni Razel. Tinitigan nya ang mukha ni Razel na seryosong naka tingin sa mukha ni Savana na naka ngiti. Ngayon nya lang nakita ang seryosong mukha ni Razel dahil lagi itong naka ngiti pag magkasama silang dalawa.




Lumipat ang tingin nya sa kamay ni Razel na ngayon ay marahang hawak ni Savana, Naka tingin lang sya sa dalawa habang nag-uusap at pa minsan-minsan ay lumilipat ang tingin sa kamay ng dalawa. Mabilis ang pangyayari at literal na nanlaki ang mata ni Russ ng makitang naghahalikan na ang dalawa. Savana and Razel kissed!




Wala sa sariling napa hawak sya dibdib dahil bigla iyong kumirot, May kakaibang kirot ang naramdaman nya sa puso nya na hindi nya mapangalanan. Basta ang naramdaman nya ngayong ay nasasaktan sya...No! Dapat hindi sya maka ramdam ng sakit dahil magkaibigan lang sila ni Razel!.




Nahugot nya ang hininga lalo na nong mag tagpo ang mga mata nila ni Razel, sandali silang nagka titigan ni Razel. Seryoso parin ang mukha nito. Tipid syang ngumiti at umalis sa kinatatayuan. Isang pagkakamali ang pag punta do’n. Bakit ba kasi pumunta pa sya do’n!




Malalim na huminga si Russ at kinalma ang sarili. Napaka bilis ng pintig ng puso nya at naro’n parin ang kirot sa puso nya na dapat hindi nya maramdaman.




“Oh naka usap mo naba si Razel Russ? Malamig na ba ang ulo non?”usisa ni Brek nong bumalik sya sa mesa nila kanina sa pool side. Umupo sya sa tabi ni Maurine saka ngumisi “Hindi ko sya naka-usap dahil may kausap syang iba at mukhang seryoso pa ang pinag-uusap nila”sagot nya





Tumango-tango naman ang mga kaibigan nya at nagpasalamat sya dahil hindi na nag tanong ang mga kaibigan kong sino ang kausap ni Razel. Inabala ni Russ ang sarili sa pagkain ng cake habang nakipag-usap kay Maurine pero ang isip nya ay nasa nakita kanina sa rooftop.




“Russy are you okay? Ang lutang mo kausap”puna ni Maurine




Tumikhim sya “Sorry Mau biglang sumama ang pakiramdam ko eh”alibi nya, Nawalan sya bigla ng gana at hindi nya alam kong bakit. “Pwede na ba ako umuwi? Sorry talaga”patuloy nya




She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now