Chapter 12

5K 125 0
                                    

*Razel*


Nasa loob ng principle’s office silang dalawa ni Russ matapos ang nakakagulat na labanan sa Parking lot.

“Ano bang nangyari Ms.De Leon at Mr.Divera?”tanong ni Principle Domingo.


Nakatitig lang sya kay Russ habang pinapaliwanag nito ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay hindi parin sya maka paniwala sa nakita kanina.


Akalain mo naman kasi, Labing isa na mga kalalakihan laban sa isang babae. Hindi nya inakala na may alam sa pakikipag laban si Russ. At habang tinitignan nya ang mga kilos ni Russ kanina, masasabi nyang sanay na sanay sa pakikipag laban si Russ dahil sa kalkuladong kilos nito.

“Thank you Po”

Nautahan sya ng tumayo nasi Russ at hinawakan sya sa siko para sabay na silang lumabas. hinawakan nya ito sa pulsuhan saka hinila papunta sa clinic. May sugat kasi sa gilid ng labi si Russ.

“Sa’n mo ba ako dadalhin?”tanong nito

“Sa clinic gagamutin ko ang sugat mo”sagot nya at hindi na nag salita si Russ.


Habang ginagamot nya ang sugat sa gilid ng labi ni Russ ay magkasalubong ang makapal nyang kilay. Galit sya sa mga lalaking bigla nalang umataki kay Russ kanina at ngayon nagka sugat pa ito sa gilid ng labi.


Sino sila para saktan si Russ?

Para saktan ang babaeng tinitibok ng puso nya?

Bullshit!



Oo gusto nya si Russ noon pa, Simula nong nagkakilala sila sa Birthday party ni Maurine. Hindi nya akalain na biglang bumilis ang tibok ng puso nya ng magtagpo ang mga mata nila ni Russ no’ng gabing ‘yon, at nong nagpakilala sya at hinawakan ang kamay ni Russ para makipag shakehands, parang may dumaloy na bulta-bultahing kuryente  sa kamay nya. Iba ang tibok ng Puso nya hindi normal ang pag tibok para na itong lalabas sa dibdib nya. Cheesy pakinggan pero ‘yon ang nararamdaman nya sa gabing ‘yon.


Nahulog sya sa magandang ngiti nito lalo na ang mala anghel na mukha. Hindi nya pinansin ang tibok ng puso nya at nararamdaman nya nong gabing ‘yon. Pero habang tumatagal ay mas lumala ang pagka gusto nya kay Russ. lalo na pag mag kasama silang dalawa, at ngumiti at tumatawa ito. Parang isang musika ang tawa nito na parang ma u-ulol sya pag hindi nya narinig.


He likes her, Yeah. at kunting tulak nalang, masasabi na nyang mahal na nya si Russ.

“Hey okay lang ako wag ka ng sumimangot dyan”sabi ni Russ


Binaba nya ang bulak at deritsong sa mata na tinignan nya si Russ “Galit ako Russ galit na galit ako sa mga gagong ‘yon, Hindi kita sinasaktan physically pero sila sinaktan ka”


“I know pero wag ka ng magalit hindi na ito mauulit pa at dinoble na ni Maam Domingo ang seguridad ng University para hindi na mauulit ang nangyari kanina”


“Paano kong sa labas ng university Russ? Paano? Sino ba sila anong kailangan nila sa‘yo?”


“Hindi ko alam”


Nag hari ang katahimikan, Mataman nyang tinitigan si Russ at hindi naman umiwas si Russ ng Tingin. “Saan mo natutunan ang makipag laban Russ?”tanong nya matapos ang mahabang katahimikan.


Mabilis na nag-iwas ng tingin si Russ saka tumikhin ito at muling tumingin sa kaniya. “Uhm Nag-aral ako ng martial arts kaya marunong akong makipag laban”sagot nito


“Bakit ka nag-aral ng martial arts?”


“Para ma protectahan ko ang sarili ko”sagot nito “Dapat mag-aral ka din ng MA para marunong ka ding makipag laban, You know self Defence”patuloy nya



Tumango-tango naman sya, Kumbinsi sa sagot ni Russ. “I can defence my self Russ, pinasok ako ni Dad sa judo class noon. Dahil hindi ako interesado nag quit ako”


“talaga nag-aral ka ng judo? Dapat hindi ka nag quit”


“Sinabi ko na sayo hindi ako interesado”

Tumango lang si Russ “Anyway thanks sa pag gamot ng sugat ko”


“Welcome”






*Russ*



“God nakakapagod”hinihingal na sabi ni Maurine sabay higa sa sahig.



Umupo sa gilid si Russ at uminom ng tubig. Nasa Dance Studio sila ngayon at kakatapos lang ng practice nila.


“Are you okay now Russy? I mean hindi ka man lang na trauma sa nangyari sayo kaninang tanghali sa parking lot?”tanong ni Maurine


“Im okay now Mau no need to worry and trauma? Hindi. sanay na naman ako. madami kasi akong kaaway nong high school palang ako kaya hindi na bago sakin ang nangyari kanina”sagot nya


Talagang sanay na sanay na sya, hindi sya magiging Gangster kong hindi sya sanay sa mga basag ulo encounter. And hey She’s the freaking Gangster Princess of Black Logic. kaya ‘yang trauma na‘yan ay hindi uso sa isang Russ Abigail De Leon.


Mabilis na bumangon si Maurine at tinitigan si Russ “Talaga? as in ‘yong kagaya sa nangyari kaninang umaga? ganun ang nangyari sa‘yo no’n?”hindi maka paniwalang sabi ni Maurine at nanlalaki pa ang mga mata.


Tumawa sya at tumango “Oo ganun nga kaya sanay---”

“Pero malalaking tao ang naka laban mo kanina compare sa mga naka away mong high school students noon!”putol ni Maurine


Nagkibit ng balikat lang sya “Well for me, kapareho lang”aniya at tumawa dahil sa nanlalaking mata ng kaibigan.




Muling ng practice ng sayaw sina Russ. Matapos ang tatlong oras mahigit ay nagsiuwian na silang lahat, Pero silang mag barkada ay tumambay muna sa Pizza House sa labas ng University.


“Guys malapit na ang sembreak may mga plano ba kayo?”tanong ni Maurine


“Wala”halos sabay na sabi ng nilang lima.


Pumalakpak naman si Maurine “Great! Sa Beach resort tayo nina Razel ngayon sembreak, mga 3days ayos na, Ano game?”


“Sya ang nagka idea pero sa resort namin ang bagsak ang galing mo talaga Mau”sarkastikong sabi ni Razel kaya nag tawanan sina Russ.


Ngumuso naman ni Maurine “Wag ka ngang epal Razel, saka kinausap ko na ang mommy mo na doon tayo ngayong sembreak”


Tinaas naman ni Razel ang dalawang kamay “Okay wala na akong sinabi, planado na pala lahat eh”


“Ofcourse ako pa”mayabang nitong sabi at hinampas ang mesa “So sa beach resort tayo nina Razel ngayong sembreak, okay”ulit nito at nagsi tanguan naman sina Russ.


Nagpaalam na ang barkada sa isat-isa matapos ang munting meeting nila. Hinatid naman sya ni Razel sa mansyon nila. “Thanks bye”aniya ng bumaba nasa kotse


“Bye..”sabi ni Razel at kumaway “Sasama ka naman diba?”tanong nito

“Sa beach resort nyo? Oo naman minsanan lang ‘to eh”sagot nya at ngumiti si Razel.


“Good, uwi na ako. bye”

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now