Chapter 10

5K 122 0
                                    

*Russ*

Nagising si Russ sa madilim at maalikabok na lugar,  muli nyang pinikit ang mata dahil bigla syang nahilo. Nasaan sya? Anong lugar ito? Saan sya dinala ng mga lalaking kumuha sa kaniya? Mga tanong sa isip nya. Hindi sya maka sigaw o maka pagsalita dahil may duck tape sa bibig nya, ginalaw-galaw nya ang kamay at paa pero parehong naka tali ang mga ito sa upuan. Tagaktak ang pawis sa noo at nahihirapang tumingin si Russ dahil sa napaka dilim.


Mariing pinikit ni Russ ang mata ng biglang lumiwanag ang paligid, Rinig nya ang paglagay ng susi sa lamesa. Dinilat nya ang mata at tumambad sa kaniya ang lalaking naka-away nya kahapon at ang lalaking nag takip ng panyo sa kaniya kanina. Nasa harap ang lalaki habang naka pamewang na tinignan sya. Masama nya itong tinignan at biglang na-alala ang kaibigang lalaki.

Si Marcus!


“Gising kana pala”sabi ng lalaki


Gumawa ng ingay si Russ, Gusto nyang sigawan ang lalaking kaharap nya kong nasaan si Marcus at kong nasaan ito. Nangunot ang noo ng lalaki dahil hindi nito maintindihan si Russ kaya naman marahas nitong tinanggal ang duck tape sa bibig ni Russ. Mariing napa pikit si Russ at malakas na napa mura sa isip at mariing na kagat ang ibabang labi dahil sa sakit, Gayon paman ay matalim nyang tinignan ang lalaki.


“Nasa’n ako?! Si Marcus nasa’n sya, wag kayong magkakamaling saktan sya dahil ipapangako kong papatayin ko kayo!”malakas nyang sigaw


Humalakhak ang lalaki at naiiling na tinignan sya “Napaka palaban mo talagang babae Miss De Leon..”naka ngising sabi nito “Wag kang mag-alala dahil hindi namin hawak ang kaibigan mo, wala kaming paki-alam do’n. At bago mo pa kami mapapatay uunahin ka muna namin”humalakhak ito at ngumisi


Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang baba nya saka pinaka titigan sa mata “Alam mo Miss De Leon sayang ka eh bata ka pa at napaka ganda mo, napaka kinis ng balat mo at maputi pa pero masasayang lang ang ganda mo dahil mamamatay kana ngayon. Bakit mo pa kasi binangga ang boss namin? Kong sinunod mo lang sya wala ka sana sa sitwasyong ito”anito at napa iling-iling pa.


Matalim nyang tinignan ang lalaki “Sino ang nag-utos sayong ipapatay ako? Bakit wala sya dito? Nasaan ang duwag mong boss, bakit hindi sya ang papatay sakin ha?! Sino sya?!”


Huminga ng malalim ang lalaki saka lumapit sa cabinet, ngayon nya lang napansin na nasa lumang silid sya. Sigurado syang nasa abandonadong bahay sya. Sinundan nya ng tingin ang lalaki at nakitang may kinuha itong puting galon.



“Panigurado pag tinawagan ko ang boss ko ngayon na nasa gitna ka ng apoy, hahalakhak iyon at matutuwa dahil sa wakas patay na ang babaeng kinaiinisan nya at ang umagaw sa pinakamamahal nya”sabi nito habang binuhos sa kong saan-saan ang laman ng galong hawak, Dahil sa amoy ay nalaman ni Russ na gas ang binubuhos ng lalaki sa sahig.


Nalilito sya sa mga pinang-sasabi ng lalaki, sya may inagaw? Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Hindi sya santa pero hindi nya ugali ang mang-agaw o manira ng relasyon. Sino ba ang nasa likod nito? Sino ang boss ng lalaking ‘to?


Napaigtad sa gulat si Russ ng maka rinig ng putok ng baril at narinig ang ingay sa baba. Dahil narinig din ‘yon ng lalaki ay mabilis nitong nilabas ang baril na nasa likod. “Putang ina ano ‘yon?!”galit nitong sabi.


Napatingin sya sa pintuang marahas na bumukas at pumasok do’n ang lalaking maitim at medyo malaki ang katawan pero hindi masyadong matangkad. “Boss pinasok tayo”imporma nito.


“Patayin nyo kong sino man sila!”galit nitong utos at mabilis na kumaripas ng takbo ang lalaki. “At ikaw, susunugin na kita bago mahuli ang lahat. Mukhang na sundan kami ng kaibigan mo”nanlilisik ang mga matang sabi nito.

Sina Marcus!



Magsasalita sana sya ng makitang may hawak na lighter ang lalaki na naka sindi na. Marahas syang napa lunok, shit! Hindi maaaring masunog at mamatay sya! Nandito ang buong Gang. Hindi dapat madamay ang mga ‘to, kailangan nyang maka labas. Mag-isip ka ng paraan Russ!



Ano na ang nangyari sa ibaba, May nabaril ba? Sana naman wala dahil kong meron hindi nya mapapatawad ang sarili nya. Rinig na rinig nya ang malakas at walang tigil na putukan sa baba.


“Paalam Miss De Leon”nakangising sabi nito sabay bitaw sa lighter.



Nanlaki ang mata ni Russ na mabilis lumiyab ang apoy. Matalim nyang tinignan ang lalaki na naka ngising naka tingin sa kaniya. “Hayop ka! Wag kang magpapakita sakin pag naka takas ako dito!”malakas nyang sigaw


Humalakhak ito “Kong makakatakas ka”mapanuyang sabi nito at mabilis na umalis ng silid saka nilock ang pinto.



Napapangiwi nasa tinding init si Russ pero binaliwala nya yon at marahas na ginalaw-galaw ang kamay para maka wala sa tali. Napapa-ubo narin sya dahil sa usok, gayon man ay hindi sya tumigil sa pag galaw-galaw ng kamay nya kahit sumasakit at hapdi na ay hindi parin sya tumigil. Kailangan nyang maka wala, kailangan nyang maka labas!.



Hindi parin natanggal ang tali sa kamay nya at lumaki na ang apoy at kumapal pa lalo ang usok dahilan ng pag sunod-sunod na pag-ubo nya. Hinahabol narin nya ang sariling hininga dahil hindi na sya maka hinga ng maayos. Pero kahit ganun na ang condition ni Russ ay pinagpatuloy nya parin ang ginagawa. Buong lakas na tinaas-baba nya ang kamay hanggang sa lumuwag ang tali. Naninikip na ang dibdib nya at hirap na hirap na syang huminga.

Nang matanggal ang tali sa kamay ay ‘yon din ang marahas na pag bukas ng pintuan at pag hulog ng kahoy sa itaas malapit sa kinatatayuan ni Marcus. “Marcus!”malakas nyang tawag dahil muntik ng matamaan ang kaibigan sa nahulog na kahoy.


“Shit Russ!”lumapit si Marcus sa malaking kama at kinuha ang malaking comforter saka mabilis na nilapag sa dadaanan ni Russ. Lumapit si Marcus sa kaniya at mabilis na tinggal ang tali sa paa. “Sorry natagalan kami”sabi nito at inalalayan syang maglakad dahil sa nanghihina na sya.


“Salamat”nanghihinang sabi nya at do’n na sya kinain ng kadiliman.

***


“Russ! Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?”nag-alalang sabi ni April ng gumising na sya.


“O-okay lang ako ate A-april”namamaos na sabi nya. Nilibot nya ang paningin at napag tantong nasa Ospital sya. “A-ate april kamusta kayo? May na-baril ba sa inyo?”tanong nya ng maalala ang barilan.


Huminga ng malalim si April saka hinawakan ang kamay nya “Walang na baril samin, okay kaming lahat wala kang ipag-alala”sagot nito.



Parang na bunutan ng tinik si Russ ng sabihin ‘yon ni April. Salamat naman walang na baril sa kanila. “Russ anong nangyari bakit ka nila kinidnap?”naguguluhang tanong ni April.


“Kong hindi pa balisang bumalik si Marcus sa Hideout ay hindi namin malalaman ang nangyari sa inyo. Sa‘yo”sabi ni Jansin (membro ng Black Logic)



“Wag nyo munang tanungin si Russ ipagpahinga nyo muna sya, mamaya na tayong mag tanong pag bumalik na ang lakas ni Russ”sabi ni Luke na kakapasok palang sa silid kasama sina Marcus, Nash, Michael at Jefferson. May mga dalang pagkain.


Tumango naman sina April at tumulong sa dinala nilang pagkain. Nagtama ang mata nila ni Marcus ng tingnan nya ito. Bakas parin sa Mukha ni Marcus ang pag-alala. Para maibsan ang pag-alala nito ay maluwag syang ngumiti.


“Kamusta ang pakiramdam mo? Shit Russ pinag-alala mo ako”sabi ni Marcus ng maka lapit ito sa kaniya.

“Sorry kong pinag-alala kita, kayo. Wag kang mag-alala okay na ako and thank you”

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt