Chapter 39

3.6K 90 0
                                    

*April*



“Ate april!”



Napatayo si April sa sofa ng marinig ang boses ni Maurine sa labas ng hideout. Agad niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon, Tumambad sa kaniya si Maurine pero hindi ito nag-iisa kasama nito ang boyfriend at kaibigan pati ang tatlong bodyguards ni Russ.




“Maurine? Anong ginagawa niyo dito?”takang tanong niya “Pumasok kayo”pumunta silang lahat sa living room pero ang tatlong bodyguards ni Russ ay nagpaiwan sa labas dahil may tinawagan. “May nangyari ba? Nasaan si Russ at Razel?”tanong niya, nakaramdam na si April na may masamang nangyayari.



“Iyon nga ang problema ate April si Russy biglang umalis sa classroom at hindi sinabi kong saan pupunta at si Razel naman nawawala ang sabi ng team niya ay pumunta lang ng locker room si Razel pero hindi na nakabalik”




Agad na kinain ng pangamba si April “Nash!”tawag niya at agad namang lumabas si Nash sa silid nito na nasa baba “Track Russ now”utos niya at agad namang tumango si Nash.



“Anong nangyari?”tanong ni Luke


“Si Russ at Razel nawawala”




Pumasok ang tatlong bodyguards ni Russ sa loob. “I'm sorry we've been negligent but don't worry I already call the security team to help search for Ms. Russ and Mr. Divera”sabi ni Greg



“Salamat, pinapa track ko narin silang dalawa”aniya at tumango naman si Greg at may tinawagang muli.



Ilang sandali lang ay halos magsabay sina Nash at Greg na mag bigay ng impormasyong nahanap na nila kong nasaan sina Russ at Razel.










*Russ*





Nagtago sa naka taob na mesa si Russ at tinignan ang bala ng baril, lima nalang iyon at madami pa ang mga tauhan sa mansyon. Lumuhod si Russ at binaril ang dalawang tauhan na nakita at muling nag tago sa mesa. Hanggang ngayon ay hindi parin nakarating si Russ sa basement dahil sa dami ng tauhan.




Mabilis na tumakbo si Russ habang bumabaril, tinapon niya ang baril ng mawalan iyon ng bala. Muli niyang ginamit ang baseball bat. Bago mahigit ng lalake ang gatilyo ay agad niyang hinampas ang ulo nito at kinuha ang baril. Tumakbo at nagtago sa pader si Russ ng paputukan siya. Lumabas siya sa pinagtaguan niya at binaril ang mga tauhan.




Napaka laki ng lumang mansyon at hindi niya alam kong nasaan ang daan papuntang basement. Muling nawalan ng bala si Russ. Tumakbo siya pakaliwa at hinabol naman siya ng putok ng baril. Tumago siya sa malaking kabinet, nang marinig na naubusan na ng bala ang humabol sa kaniya ay ngumisi siya at lumabas sa pinagtaguan.




“No more bullets eh?”panunuya niya at nag fighting position. Agad naman siyang sinugod ng lalake na mabilis niyang nailagan, yumuko siya sabay suntok sa sikmura ng lalake. Hinuli niya ang kamay nito at pinilit sabay malakas na sipa sa mukha.




“Nice kick but your dead now”



Nilingon niya ang lalakeng nagsalita sa likuran niya, malakas siyang napamura sa isipan. Matangkad at malaki ang katawan ng lalake habang may baril na nakatutok sa kaniya. “Move and your dead”anito at ngumisi. Fuck




Lumapit ito sa kaniya. Nang abot kamay na ni Russ ang lalake ay mabilis na tumagilid si Russ sabay malakas na siko sa dibdib at sipa sa kamay ng lalake na may hawak na baril pero mabilis na naka-ilag ang lalake sabay sipa sa tagiliran niya, tumilapon siya sa pader na gawa sa salamin.




Napangiwi si Russ ng maramdam ang mga salaming bumaon sa braso at kamay niya. Bago pa siya maka tayo ay marahas siyang pinatayo ng lalake at sinandal sa malaki nitong dibdib habang ang braso nito ay naka kulong sa leeg niya at tinutukan siya ng baril. Nagsimulang maglakad ang lalake kaya napasunod narin siya.




~•~




Malaki ang basement at ilang liko pa ang ginawa nila hanggang sa makakita siya ng itim na pintuan. Binuksan iyon ng lalake at patulak siyang pinakawalan kaya napasubsub siya sa semento.



“Russ!”



Napatingin siya sa dalawang lalake na naka upo sa silya habang naka tali ang kamay at paa. Si Jerd at Razel. Sa kaliwang banda naman ay si Savana na walang malay. Napatingin siya kay Razel at mas nadagdagan ang galit niya dahil sa sitwasyon nito ngayon at sa sugat na natamo. Tumiim bagang siya at tumayo.



“Sa wakas at nandito ka narin kanina pa ako naghihintay sayo Russ naiinip na ako”



Tumingin siya sa kaliwa niya at doon niya nakita ang demonyong may pakana ng lahat. Mariin niyang kinuyom ang palad at sinugod si Ian na naka upo sa single sofa sa gilid ng silid habang umiinom ng alak, pero bago niya maabot si Ian ay may bumaril sa hita niya dahilan para sumalampak siya sa semento at malakas na dumaing, Umalingawngaw din ang malakas na boses ni Razel sa pag tawag sa kaniya.




Malakas na tumawa si Ian at nilapitan siya, hinawakan nito ang baba niya para magkatinginan silang dalawa, mariin niya itong tinignan, hindi na niya maipaliwanag kong gaano niya kinasusuklaman si Ian. Ang daming paraang naglalaro sa isipan niya kong paano niya papatayin si Ian.




“Alam mo ba ang ginawa ng pinsan mo sakin?”anito habang tumiim bagang. Hindi siya sumagot at mariin lamang na tinignan si Ian. “They ruin me Russ they fucking ruin me!”sigaw nito at marahas na binitawan ang baba niya at mariing hinawakan ang leeg niya.




“Nawala ang lahat sakin dahil sa ginawa ng pinsan mo! Ngayon pagbabayaran niya ang ginawa niya sakin, papatayin ko siya kayong lahat!”nanlilisik ang mga mata nito at muling marahas na binitawan siya. Suminghap si Russ para mahabol ang hininga, umu-ubo narin siya habang hinawakan ang leeg niya.





Kinuha ni Ian ang baril sa nag-iisa nitong tauhan at kinasa. “Nasaan ang tatlong million ko Russ?”anito at isang tuhod nito ang niluhod para mag pantay ang mukha nila.




“Fuck you”sigaw niya sabay dura sa mukha ni Ian. Humalakhak ito pero mabilis na dumilim ang mukha sabay bigwas sa kaniya gamit ang dulo ng baril. Napalingon sa kanan si Russ at dumura ng dugo.




“Tama na! Nagmamakaawa ako sayo!”sigaw ni Razel na nagwawala sa silya.




“Mga walang kwenta!”sigaw ni Ian at tumayo “Oras na para maningil”anito at tinutok ang baril kay Razel. Nanlamig si Russ at kahit na masakit ang katawan ay pinilit niyang bumangon. “at uunahin natin ang pinaka mamahal mo”anito habang nakatitig sa kaniya at ngumisi.




“Wag!”malakas niyang sigaw at hindi pinansin ang sakit ng katawan, mabilis na tumayo si Russ at tinakbo ang distansya nila ni Razel at tinapon niya ang katawan sa katawan nito kasabay ng dalawang putok ng baril.



Marahas na bumukas ang pintuan at umalingawngaw ang putukan ng baril.



Tinignan niya si Razel na nanlaki ang matang nakatingin sa kaniya na para bang hindi makapaniwala sa nangyari. Isa-isang nagsipatakan ang luha nito at kahit nanghihina ay inangat niya ang kamay para punasan ang luha nito. dahan-dahan naman siyang ngumiti at nalasahan niya ang dugong lumabas sa bibig niya. “I l-love y-you”Tuluyang kinain ng kadiliman si Russ at huling narinig niya ang sigaw ni Razel sa pangalan niya.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now