Chapter 24

3.7K 87 0
                                    

*Russ*


“Salamat sa paghatid”aniya at en-unlocked ang seatbelt, Ngumiti naman si Razel at bahagyang tumango. “Goodnight Russ”

“Goodnight din ingat pauwi”


Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Russ kahit wala na ang kotse ni Razel sa harapan niya. Ngayong gabi ay napaka ganda dahil matapos mag racing sina Razel ay dinala siya nito sa isang magandang Restaurant at doon sila nag dinner. Kong titingnan mo sila ay para silang mag boyfriend at girlfriend na masayang magkasama. Matapos silang kumain ay pumunta sila sa park at doon siya kinantahan ni Razel dahilan ng pagwawala ng puso niya, naka-upo sila sa hood ng kotse ni Razel habang nag-uusap at nag sa-stargazing. Her night is so wonderful, She cant explain how happy she is.


Masaya siyang pumasok sa loob ng mansyon at nakita ang amang pababa ng hagdanan na mayroong masusuring mata na nakatingin sa kaniya “Mukhang masaya ang anak ko pwede ko bang malaman kong ano ang dahilan?”naka ngiti nitong sabi


Malaki ang ngiting sinalubong niya ang Ama at niyakap ito patagilid “Hindi ko alam alam Dad, hindi ko alam kong paano ipaliwanag sayo, Im so happy”tumawa naman ang ama niya.

“Ganun ba?...”ngumiti ito “Okay lets eat, im hungry already”bahagya siyang ngumiwi “Sorry Dad hindi kita masasabayan ngayong kumain kakatapos ko lang pero promise sabay tayong mag be-breakfast bukas”aniya at ngumiti.


“Ah so i will eat alone ‘cause its look like you are in a date earlier, okay”matapos sabihin ng ama niya yon ay pumunta na itong dining area, siya naman ay pinamulahan. Dumeritso siya sa kaniyang kwarto at nag bihis saka humiga sa gitna ng kama habang naka ngiti at inalala ang nangyari kanina.


***

As a promise sabay ngang nag-agahan sina Russ at ang ama niya. Kakalabas niya palang sa gate ng mansyon ay naka tangap siya ng mensahe galing kay Razel, hindi siya nito masusundo dahil maaga silang may basketball practice. Naintindihan naman niya ito at muling pumasok sa loob saka pumuntang garahe at sumakay sa kotse niya.


“Hello ate april?”sagot niya sa tawag ng pinsan sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya.

“Hey Russ nasa Uni kana ngayon?”

“Papunta palang ba---” wait a minute.


Naningkit ang mga mata ni Russ ng mapansing may bumubuntot sa kaniyang itim na Van. Kanina niya pa ito nakita pero hindi niya lang pinansin, Maluwag ang daan sa kanan ni Russ at pwede itong mag overtake sa kaniya. Kaya sinubukan niya ito. nang pinabilis niya ang pagmaneho ay bumilis din ang takbo nito ng pinabagal naman niya ang pagmaneho ay bumagal din ito.

“Russ? Nandyan kapa ba?”

“Yeah sorry”aniya at muling tinignan ang Van sa side Mirror.

“May problema ba?”

“Mukhang may sumusunod sakin ate April”

“Ano?”

“Tatawagan kita mamaya”pinatay niya ang tawag at nilagay sa bulsa ng jeans niya ang cellphone. Pinaharurot niya ang kotse at lumiko sa kaliwang kalye at doon niya na kumpirmang sinusundan nga siya ng Van. Tinapakan niya ang gas at sinubukang ligawin ang sumusunod na Van, nangunot ang noo ni Russ ng makitang may parehong Van na sumulpot galing sa kanang crossing. The fuck! Mukhang planado ito.


Hindi na alam ni Russ kong nasaan na siya, Kaonti nalang ang nakikita niyang mga buildings at medyo tahimik na highway na ang nadadaanan niya.

She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now