Chapter 15

4.6K 110 2
                                    

*Russ*



Malakas na pumalakpak at hiyawan ang mga estudyante ng matapos ang sayaw nina Russ, Pagka baba nila ng stage ay sinalubong sila ng yakap ng buong Club at ci-nongrats silang lahat.


“Ang galing nyo ah!”commento ni Ryan ng lapitan nila ang apat na lalaki. “Galing ng sweetie ko”patuloy nito at matagal na hinalikan ang pisngi ni Maurine na humahagikhik.



“Sabi ko na nga bang magaling kang sumayaw eh”sabi ni Razel saka ngumiti.



Biglang nanginit ang pisngi nya at bahagyang napa yuko saka tumikhim at ngumiti. “Bolero ka talaga kahit kailan..”biro nyang sabi at umirap, tumawa naman si Razel. “But thanks”



“Pa humble pa eh”anito at ngumisi, tinawanan nya lang ito.



“Kayo na ba ang kakanta?”tanong nya saka tumingin sa Stage na may nag solo dance.


“Yup, matapos niyang sumayaw. bakit? excited ka bang makita akong kumanta?”anito at ngumisi


“Heh! yabang nito as if hindi pa kita nakitang kumanta”



“Oo nga pala nasa practice ka pala namin palagi, Ano? naiinlove ka naba sakin?”


“Tse! Ewan ko na talaga sayo Razel”


Humalakhak si Razel saka ginulo ang buhok nyang medyo magulo na dahil sa pag sayaw at hangin. Nasa Quadrangle kasi sila.



“Razel mamaya na kayo mag harutan ni Russ kakanta na tayo!”malakas na sabi ni Brek kahit malapit lang naman ito sa kanila. Kaya napa tingin ang ibang estudyante sa kanilang dalawa.

Hindi na sya nagulat sa ginawa ni Brek dahil lagi naman nito ‘yon ginagawa kasama si Jason. Nasanay na sya sa mga kalukuhan ng dalawa. saka isa pa biro lang naman ‘yon.


Naiiling nalang sya.



“Oo na sira-ulo ka talaga!”malakas ding sabi ni Razel saka hinubad ang itim na leather jacket. “Kakanta na kami, Ikaw muna ang sumout nito dahil malamig na baka magka sakit ka pa, bakit naman kasi kulang sa tela ang mga suot nyo”anito habang nilagay sa balikat ni Russ ang jacket.




Naka crop top at shorts kasi ang suot nya dahil ‘yon ang attire nila sa sayaw.



Tumawa naman sya “Eh ito daw ang attire namin eh. Goodluck mapiyok ka sana”biro nya saka tumawa



“Hindi ako mapipiyok at sisiguraduhin kong maiinlove ka sakin pagkatapos kong kumanta”anito at ngumisi.



Mga biro talaga ni Razel eh wagas!



Umirap sya at ngumisi “Whatever umakyat kana do’n”aniya at pabirong tinulak si Razel.



“Wala man lang good luck kiss?”


“Heh! magtigil ka dyan baka gusto mo ng good luck kick?”


Naiiling nalang si Razel saka umakyat na sa stage. Lumapit naman si Maurine sa kaniya at yumakap ito sa braso nya.




“Goodevening everyone hope you all like this song!”malakas na sabi ni Razel saka tumingin sa kaniya at kumindat.



Tumili naman si Maurine at niyugyug pa sya. Nangingising napailing nalang si Russ. Trip talaga nitong si Razel eh may pa kindat-kindat pang nalalaman.



Pinalo-palo ng tatlong beses ni Jason ang Drum stick saka nagsimulang mag drum sabay ng electric guitar ni Brek, Nag simula naring mag strum ng accoustic guitar si Ryan at nagsimula ng kumanta si Razel.



She's The Gang Princess [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now